Chapter 25: in the corner

31 7 0
                                    

"NANDITO na po Mrs. Vina ‘yong mga papers na kailangan para bukas." Wika ko habang inilagay sa desk ang mga natapos ko kahapon at kanina.

"Good job, Ms. Robles." Napatango lang ako saka bumalik muli sa aking cubicle. Napahigit ako ng hininga at kapagkuwan napatingin sa labas.

Tatlong araw na ang lumipas nang mangyari ang gabing ‘yon. Tatlong araw narin na hindi pumapasok si Emai pero nakapagpaalam naman siya kay Mrs Vina. Bukas ang kanyang balik.

Nagpapahinga siguro ‘yon. Nabaril ko kasi ang kanyang paa. Sana okay lang ito at makalakad pa.

Hindi sinabi sa amin ni Mrs Vina ang nangyari kay Emai. Aniya lang naaksidente ito pero maliban sa amin ni Elora, alam namin ang nangyari no’ng gabi.

Buong oras ay pinili kung aliwin ang sarili ko sa trabaho. Hindi lang maisip ang nangyari. Pinilit kung maging okupado ang utak ko, hindi lang maalala ang pagmumukha ni Emai.

Still, I can't believe what happened last few days. It was just unexpected happened. Hindi ko inaasahan na babarilin ko ang paa niya. All I did was just self-defense. Yet, I'm still grateful she's okay. Kaya lang, alam kung hindi na kami babalik pa kung ano sa dati.

Kinahapunan ay natapos na ang trabaho. Lalo na ngayon na usap-usapan ang huling lamay ngayon ni Deane.

"Elora, pupunta ka ba mamaya sa huling lamay ni Deane?" Tanong ng babae kay Elora. Nakasuot ito ng blue headband. Maikli ang buhok nito. Sorry, I don't know what was her name. Pero lagi ko siyang napapansin kasama ang dalawang babae na katabi niya laging kausap si Elora.

"Pag-iisipan ko pa, Marionette. Kayo ba?" Oh, I see. Marionette ang name niya.

"Well, honestly speaking gusto kung pumunta kaso itong si Jean ang may ayaw. Alam mo na, no'ng buhay pa 'yon si Deane lagi kasi siyang inaaway."

"Hoy, hindi a. Well, totoo naman na lagi talaga akong tinatarayan ni Deane pero siguro it's time to forgive her na noh?" Sagot no'ng Jean.

"Taray. Kung hindi patay ang tao hindi mapapatawad. Baka iisipin ko na ikaw 'yong gumawa kay Deane."

"Bibig mo Christina! Atsaka, pumatay ng tao? No way. Hindi ko magagawa 'yon." Suway ni Jeane dito kay Christina na may lahing American. Dilaw kasi ang buhok niya at mukhang natural naman which is bumagay sa ganda niya.

"Ano ba kayo guys. 'Wag na nga kayong mag-usap ng mga ganyan." Ani Marionette.

"Arte nito!"

"So, pupunta ba kayo o hindi?" Muling pambabasag ni Elora.

"Pupunta nalang uy. Baka dadalawin kami ni Deane. Mahirap na baka sampalin kami no'n. Atsaka huling lamay naman ngayong gabi tapos bukas na ililibing si Deane," Ani Christina na napatawa.

"Ewan ko sa 'yo, Christina." Ani Jean. "O, siya, hindi ba kayo sasama sa akin? Uuwi na ako."

"Wait, sasama na. Ano, Elora? Mauna na kami ha? Text nalang kung dadalaw ka mamaya. Libre na kape at tinapay doon," biro ni Marionette na agad na binatukan ni Christina.

"Okay. Ingat kayo guys!"

"Ikaw rin." Nang umalis ang mga ito ay kaunti lang kami ang naiwan sa loob ng opisina. Napahinga nang malalim si Elora saka siya lumapit sa aking cubicle.

"So, are you go there?" Tanong niya.

Huminto ako sa pagtipa ng computer. Umangat ang tingin ko sa kanya. "As if I have a choice. Nandoon si Vincent dapat nandoon din ako makipag-sampatiya."

Marahan siyang napatango-tango. "I see."

"Eh, ikaw... Pupunta ka ba?" Balik na tanong ko sa kanya. Sa isang iglap, napakagat ako sa labi ng maalala kung siya pala ang pumatay kay Deane.

The User | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon