"JICA, wake up! Kailangan mong gumising, please." Naimulat ko ang mga mata ng maramdamang may yumugyog sa aking mga balikat.
Nanlabo ang paningin ko at nang bumalik sa dati, kumunot ang noo ko ng bumungad sa akin ang mukha ng taong hindi ko inaasahang makita.
"Elora?" Nagtaka kung tanong. Agad akong napabalikwas sa pagkakahiga. "Nasaan ako?"
"Nandito ka ngayon sa apartment ko." Sagot niya.
Sa isang iglap, naalala ko ang nangyari kagabi. Nanlaki ang mata ko sa takot. "S-Sila Pia at Deane..." Tumingin ako sa kanya, "nasaan sila?" wala akong halos na matandaan kagabi. Ang naalala ko lang ay may tinakip sila sa akin kaya nawalan ako ng malay.
"They're trying to kidnapped you, Jica. Hindi ko alam kung ano ang pinaplano nila sa 'yo pero alam kung hindi mabuti," salaysay ni Elora sabay paghininga ng malalim at tinitigan niya ako sa mata. "Mabuti nalang talaga ay nakita ko sila na ipinasok ka nila sa kotse kaya naligtas kita," dagdag niya at ngumiti.
"How did you know I was there? Paano mo rin alam na may gagawing masama sila Pia sa akin? Anong ginawa mo sa kanila?" Pinukolan ko ito ng tingin, nagduda at nagtataka.
Napatawa ito. "Relax, mahina ang kalaban."
"Sagutin mo ang tanong ko." Giit ko.
Inilibot ko ang tingin sa paligid. Nandito ako sa hindi pamilyar na kuwarto.
"Fine, do you even remember what I told you before?" Napalingon ako sa kanya na nakakunot ang noo. Siyempre, hindi ko makalimutan ang pinagsasabi niyang layuan ko si Vincent.
"Tungkol ba ito kay Vincent, Elora? Ilang beses ko na ba 'tong sinasabi sa 'yo na—"
"Okay, I got it. Mabait si Vincent, mahal mo, at mahal ka din niya. Hindi na ako mangungulit pa sa 'yo. Well, I'm trying to say here... I know them."
Natigilan ako at kusa akong napatingin kay Elora na ngayon seryoso ang mukha. "What do you mean?" Kahit ako ay hindi alam ang magiging reaksyon ko.
Napahinga siya ng malalim at umupo ng maayos. "I can still remember what they did to my bestfriend, Jica. They are the reason why Jolly was dead." Diretso niyang sagot kaya halos akong mawalan ng balanse sa kanyang sinabi.
Namilog ang mata ko. T-Tama ba ang narinig ko?
"N-Nagbibiro ka lang di ba?" Para akong tinakasan ng malay. Napatingin sa akin si Elora na ngayon ay lumuluha.
"Nang makita kitang nandoon labas ng apartment ni Vincent, alam kung girlfriend ka niya. Kailangan kung sumugal Jica kung alam mo 'yon. I stalked you through internet, I found out your working in Appex Company so I apply to meet you," salaysay niya.
Napakurap-kurap ako. Ibig sabihin, hindi coincidence ang nangyari... She did it on purpose.
"B-Bakit..."
Nanlaki ang mga mata niya at bakas doon ang takot. "Dahil ayaw kung may mangyari sa 'yo ang nangyari sa kaibigan ko, Jica! Balak kang saktan nila Deane at Pia! Gaya ng ginawa nila kay Jolly!"
Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang paniwalaan o hindi. Papatayin? Grabe naman. "Relax, Elora, you're just overracting. Baka guni-guni mo lang 'yan," kahit ako ay sinubukan kung pakalmahin ang sarili.
"H-Hindi ka naniniwala sa 'kin?" Gulat niyang tanong. Hindi agad ako makasagot. Dahil kahit ako ay medyo nagdadalawang-isip. "Jica, please... Hiwalayan mo na si Vincent."
"B-Bakit pa pinagtutulakan mong hiwalayan ko ang boyfriend ko?" Palaban kung sagot, pilit tinatago ang pagkautal sa boses ko.
"Dahil si Vincent ang pumatay kay Jolly!" Sigaw niya.
BINABASA MO ANG
The User | COMPLETED
Mystery / ThrillerTo secure her job, she uses the man who happened to court her to carry out her plans. Jica thought everything was fine until she found out that the boyfriend she was living under the same roof was responsible for killing his ex-girlfriend 2 years ag...