"WHAT the hell do you think you're doing?" Nangigigil na tanong ko kay Elora habang marahas na hinawakan ang kanyang braso at pumasok kami sa loob ng banyo.
"What the..." Napaawang ang kanyang labi. Marahas niyang tinabig ang kamay ko kaya napaatras ako. "I'm just having a good conversation with your boyfriend, Jica. I think walang mali 'yon di ba?"
Tumaas ang kilay ko. "Talaga lang ha? Hindi ako bobo para hindi alam ang ginagawa mo. Tungkol ba naman ito sa dedz mong frenny?"
"Ha, you're being paranoid, Jica."
"Hindi ako paranoid! Alam ko'ng binabalak mo. And please, ngayon pa lang sinasabi ko na sa 'yong 'wag mo ng ituloy pa dahil ako ang makakalaban mo."
"Oh, really?" Napatawa siya. "Hmm, bakit ba pinagtatanggol mo ang mamamatay tao na 'yon, Jica? Gano'n ka na ba talaga ka tanga para hindi alam na masama 'yang boyfriend mo?"
"Hindi masama si Vince, Elora. Stop pointing the fingers on him!" Depensa ko. "Wala kang ebedensya kaya invalid 'yang mga accusation mo sa kanya." Dagdag ko rason na mapatikom ang bibig niya.
Nakita kung napahinga siya nang malalim at napatingin sa akin. "Kung makahanap ako, maniniwala ka na ba sa akin?" Tanong niya.
Hindi ako makasagot.
"I will do everything to bring the justice back, Jica. Gusto kung makita muli ang kaibigan ko kahit sa bangkay lamang niya. Mabigyan man lang siya nang maayos na burol. Hindi mo ako naiintindihan kasi hindi mo pa naransan ang mawalan ng mahal sa buhay. Mabait si Jolly at hindi ko maunawan kung bakit siya pinatay ng mga 'yon," lumuluhang sabi ni Elora sa harapan ko. Agad din niyang pinahiran ang luhang tumulo sa kanyang pisngi kasabay ang pagtingin niya sa akin. "You can't stop me, Jamaica Robles. I'll do everything for her. No matter it takes. So, please, don't stop me or..."
"Or else? Anong gagawin mo sa 'kin?" Tumaas ang sulok ng labi ko. Umangat ang tingin ko dito.
Ngumiti si Elora sa 'kin. Nakita ko ang mapaghamon niyang tingin at nagulat ako ng ngumisi siya. Lumapit siya sa akin at bumulong, "I will tell him you're not in love with him. You're just using him." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kasabay ang pagkalat ng kuryente sa buo kung sistema.
Sa sobrang gulat, naitulak ko si Elora. "I don't know what you're talking about!" Giit ko.
"Hmm? Really?" Naglalaro sa kanyang labi ang nakakainis na ngiti. "Let's see. Tignan natin kung saan ka pupulutin kapag malaman ni Vincent na ginagamit mo lang siya,"
Napalunok ako. Fuck. Paano niya nalaman?
"Are you stalking me, bitch?" Galit na tanong ko sa kanya.
"So, totoo nga?"
"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo-"
"Narinig ko kayong dalawa ni Emai sa Coffee Shop. Hindi ako bingi, Jica. Okay, I'll admit sinundan ko kayong dalawa at aksidente kung narinig.. No, hindi 'yon aksidente. Sinadya ko 'yon. At kung sinuwerte naman, narinig ko ang lahat-lahat." Sabi niya na proud pa sa kanyang ginawa.
Lihim kung naikuyom ang kamao ko. Bistado na ako. Alam na niya ang ginagawa ko kay Vincent. Masisira na ang lahat ng mga plano ko sa oras na sasabihin niya ang lahat.
"W-Wala kang ebedensya-" Bago pa ako matapos napahalakhak siya.
"No, I have."
Tuluyan akong kinabahan at namutla. Napatingin ako kay Elora na ang laki ng ngiti sa kanyang labi. "Do you want to hear it?"
"Fuck you, bitch." Gigil na sabi ko sa kanya. Sunod-sunod akong napahinga nang malalim. Sa isang iglap, napuno ng negatibo at takot sa utak ko. Hindi ako mapakali. Mas lalo akong kinakabahan at natatakot.
BINABASA MO ANG
The User | COMPLETED
Misteri / ThrillerTo secure her job, she uses the man who happened to court her to carry out her plans. Jica thought everything was fine until she found out that the boyfriend she was living under the same roof was responsible for killing his ex-girlfriend 2 years ag...