Chapter 19: Get Revenge

33 7 0
                                    

[Play Multimedia: Revenge by DBSC]

>>>>>>>

How long we wait to serve the justice if we could make another one? Sometimes you have to give people a taste of their own medicine. In moment of pain, we seek revenge to them.

Anger. Agony. Sorrow. That's how I felt it while looking at this two sweet couples in pair of my eyes right now. Lalo na sa lalaking ito... Kanina ko pa ito gustong pagsaksakin ng botelya ngunit pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil kay Jica.

I made her a promise. Ang kapalit no'n ay tulungan niya ako.

Napainom ako ng alak ng makitang malaki ang ngiti ni Jica saka napatingin kay Vince na walang ka-ideya na niloloko lamang siya.

She knows how to play, huh?

Napangisi ako kay Jica habang nakahilig ang kanyang ulo sa kanyang nobyo. Kung hindi ko lang alam na nagpapanggap lamang siya, mapapaniwala na niya akong inlove nga siya dito but it doesn't work anymore.

I'm really feel sorry to her.

Malas nga lang ay nahuli ko sa kanyang dila ang kanyang sikreto at ginamit ko ito laban sa kanya. So, I did for the best. I blackmailed her. Sa gustuhin man ni Jica o sa ayaw, wala siyang magagawa dahil hawak ko ang kanyang leeg. Saka simple naman ang inuutos ko sa kanya at alam kung magagawa niya.

Kung tutuusin baka malamig na siyang bangkay ngayon kung hindi ko siya tinulungan mula sa kamay nila Pia at Deane. Maswerte na nandoon pa ako ng mga gabing 'yon dahil gusto ko siyang makausap at pilitin kaso iyon ang nangyari.

Dinala ko siya sa aking apartment. I told her everything about his boyfriend and he was responsible for disappearance of Jolly and she didn't believe me... again. It's funny to tell ako naman ngayon ang may hawak sa kanya dahil sa sikreto... nila ng kanyang bff.

"Hindi ka ba magsasaya, Elora?" Napabaling ang aking tingin kay Emai na nakatingin sa akin ngayon. Agad akong napailing. "Later." I smiled at her and she nodded.

Umalis sila sa table at nagpunta sa dance floor. Hindi ko na makita sila Jica at Vince. Sa dami narin kasi ng tao na nandito pakiramdam ko tuloy iikot ang paningin ko.

Tumayo ako at naglakad paibaba sa hagdan. Saktong pagbaba ko ay nahagip ng atensyon ko sila Pia at Deane na kakapasok lang sa loob.

Nagdilim ang paningin ko.

Lumipat ako ng pwesto sa isang sulok habang pinapanuod sila. Nang makita kung tumayo si Deane at nagtungo sa banyo, pasimple ko siyang sinundan.

"Shit. My make up..." Naabutan ko itong abala sa pag-aayos sa kanyang mukha.

Ngumiti ako saka tumabi sa kanya. Hindi yata niya napansin ang aking presensiya.

"Do you really believe each of our action has consequences?" Tanong ko kay Deane at napaiktad ito ng makita ako sa mula sa salamin.

"Fck! Do you want me to have a heart attack you bitch?!" Gulat na gulat ito na nakatingin sa akin. Para itong nakakita ng multo.

Hindi ako kumibo sa halip ay inayos ko ang sarili harapan ng salamin. Pasimple ko siyang sinulyapan. "Do you want?" Tanong ko sa kanyang tanong.

Nanggigil ang kanyang mukha. "Ano bang trip mo? Kung tungkol ito sa ginawa namin sa welcome party mo wala akong pake."

Napatawa ako ng bahagya, "Oh, don't worry Deane. Hindi ko na naalala 'yon." Sinulyapan ko siya sa salamin at nginitian.

"So, what's the hell your problem? Are you following me here?"

"Bakit... ikaw lang ba ang may karapatang pumunta dito, Deane?"

The User | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon