"Hi, boys! Good evening!" Masiglang bati ni Emai at agad siyang nakipag-first bump kay Chester at gano'n din ang ginawa ko.
"Yow!" Bati ko sa kanya.
Nginitian ako ni Chester, "Whatzz up, Bro!"
"Kumusta ka na?" Tanong ko. Namiss ko din ang butshukoy nato, ‘e. Actually, matagal ng nagtatrabaho dito si Chester sa bar noong bago lang ako dito. Obviously, dito kami unang nagkilala. Kaya alam niya ang past ko noong andito pa ako nag-work.
"Ayos lang naman ako. Heto, medyo kaunti ang customer. Simula kasi ng umalis ka, hindi na—" agad siyang natigilan nang mapansin niyang sinamaan ko siya ng tingin. Agad siyang napakamot sa noo niya.
"Eherm," Napalingon ako kay Emai ng sagiin niya ang balikat ko.
"What?" Aangal sana ako kaso ng makita ko na nakanguso siya sa tabi ko, agad akong natigilan.
Oh, shit.
Nahihiyang bumaling ang tingin ko kay Vince, "Hi, V-Vince." Pumiyok pa talaga ang boses ko ng banggitin ko ang pangalan niya.
Ngumiti siya, "You looks so beautiful tonight." Pag-e-echos pa niya sa akin rason na napangiti ako... ng pilit.
"T-Thank you." Buti nalang ay maingay ang music dito sa loob. Baka may makarinig sa sinabi niya ay mahiya ako mismo. Like, duh, paano nalang kaya kung malaman nilang naging kami ni Vincent which is for him—totoo—sa akin ay eme eme lang? Nakakahiya 'yon.
"Wew! Ang sweet naman ng new couple!" Hirit ni Chester na noo'y ang laki ng ngiti ng loko. Gusto ko sana syang banatan kaso nandito si Vincent, ayaw ko namang ipahamak ang sarili ko.
"Inggit ka?" Sinabayan ko si Chester sa kanyang pang-aasar. Bukod sa dalawa namin ni Emai, kami lang ang nakakaalam sa totoo. "Pikit ka." Dagdag ko sabay ngisi sa kanya.
"Naks! Rinig mo 'yon bro ‘o, pinaglalaban ka ni Jica." Kantiyaw ni Chester kay Vincent na noo'y napatawa. Ha! Ulol.
"Tama na ‘yan Chester. Tignan mo nga mukha ni Jica namumula na sa kilig! Baka mamaya sasabog ‘yan sa kilig!" Pang-aasar pa ni Emai sa akin habang tawang-tawa. Tumingin pa ang gaga sa akin habang nababasa ko sa mata niya ang alam-ko-ang-lahat look.
Maya ka sa 'kin.
"Siyempre, sa bait ni Vincent at sobrang sinong hindi kikiligin?" Ani ko, siyempre joke lang 'yon. Sumabay lang ako sa trip nilang dalawa. Ayon, mas lalo tuloy kaming inasar dalawa ni Vincent nina Chester at Emai.
Ako naman ay sinubukan tumatawa kahit ang totoo ay babaliktad na ang sikmura ko. "Na-inlove kana siguro kay Vince no? Sabi ko na 'e, mahuhulog ka din sa kanya." Really? The hell. That would never happen. EVER. In my dreams.
"I'm just happy that I and Jica will officially in relationship," pagsasalita ni Vincent saka napansin kung napasulyap siya sa akin. Ngumiti nalang ako.
"Congratulations both two of you! I know, sa sobrang sipag mong mangulit, manligaw sa bff ko alam ko din na maiinlove din sa 'yo si Jica!" Ani Emai, "Mukha lang pakipot 'tong si Jica pero makukuha din 'to sa simpleng kiliti, Vincent!" Pasimple kung sinamaan si Emai. Grabe ha! Story maker ba naman!
Inisip ko nalang na baka ginagawa 'to ni Emai para tulungan ako. Well, thanks to her. Overall, this was all her idea at um-agree lang ako. Infairness, effective nga.
"Naku, kaya pala ang laki ng ngiti ni Vincent kanina. Kayo na pala, Jica." Ang sabi ni Chester. Halatang ayaw paawat ‘e no? Inaasar pa din ako.
"Talaga?" Tanong ko saka ako tumingin kay Vincent na ang laki ng ngiti sa labi. Paano nalang kaya kapag nalaman niya ang intensiyon ko? Ngingiti kaya siya? Siyempre, hindi. Baka nga kamuhian niya ako forever.
BINABASA MO ANG
The User | COMPLETED
Mystery / ThrillerTo secure her job, she uses the man who happened to court her to carry out her plans. Jica thought everything was fine until she found out that the boyfriend she was living under the same roof was responsible for killing his ex-girlfriend 2 years ag...