Chapter 14: Unexpected

53 7 0
                                    

"ENJOY your coffee, ma'am." Nakangiting sabi ng babae habang tinanggap ko ang coffee na in-order ko. Bumalik ako sa table na mismong nasa tapat ng bintana at inilapag ang binili ko.

"So, how's Vince?" Bungad na tanong ni Emai na nasa tapat ko. Nandito kami sa coffee shop. Nagyaya kasi ang isang 'to kaya hindi na ako tumanggi pa. Libre ‘e sayang naman kung tatanggihan ko, ‘di ba?

"Si Vince?" Tanong ko sa kanya saka pasimpleng humigop ng kape na libre niya. "Well, mabait naman siya at palagi akong inaasikaso. Feel ko nga kulang nalang maupo ako sa wheelchair at siya ang taga-tulak ko," nakangisi kung kwento sa kanya.

"Hindi ba siya naghinala sa 'yo, Jica?"

Napailing ako agad. "Bakit naman?"

"Baka alam niyang ginagamit mo siya," naitikom ko ang bibig ko sa sinabi ni Emai.

Ewan, marahan kung inilapag ang tasa sa mesa saka siya tinignan sa mata. "Hello, nakalimutan mo yatang si Jamaica Robles ang kaharap mo ngayon. Never tayo mabibisto kung magaling kang um-acting!" Natatawa kung sagot.

"Yeah, ikaw pa ‘e yakang-yaka mo ‘yan!" Aniya, nakangiti. Sabay kaming napatawa.

"Seriously, hindi ko naman mangyayari ang lahat ng ito kundi dahil sa 'yo," pag-amin ko.

"You mean?"

Tumingin ako kay Emai, "Ito... Itong plano natin." 

"Yeah, I'm so happy for you Jica. Alam mo naman di ba na hindi kita pwedeng pabayaan. Kapatid narin ang turing ko sa 'yo," madamdaming saad nito sa akin habang naramdaman kung ipinatong ni Emai ang kanyang kamay sa akin na nakalagay sa table.

Ngumiti ako.

Maswerte talaga ako dahil nakilala ko ‘tong si Emai. Mapapaisip nalang talaga ako na ano nalang kaya ang naging buhay ko ngayon dito sa Maynila kung hindi kami pinagtapo?

Marahil nasa bangketa na ako ngayon, naglilimos o hindi kaya ay nandoon parin sa bar, sumasayaw at binibinta ang dignidad ko para mabuhay. Binago ni Emai ang buhay ko noon. Malaki ang utang na loob ko sa bestfriend kung 'to.

"Hmm, anyways, hindi ka ba busy sa Saturday? Day-off natin 'yan."  Tanong ko kay Emai na ikakunot ang noo niya.

"Ano bang okasyon?"

Inirapan ko siya. "Wala naman. Baka gusto mo gumala tayo. Matagal na rin hindi tayo nagba-bonding. Puro nalang trabaho. Na-s-stress na nga ako," himutok ko dito.

"Wait, pag-iisipan ko pa."

"Ha?! Pag-iisipan? Um-oo ka na! Gagang ‘to, minsan nalang ako magyaya tatanggihan pa!" Reklamo ko.

Napatawa si Emai saka napatango. "Oo na, bwesit na 'to."

Napangiti ako nang malaki. "Yes! Thank you! Naka-kontrata na ‘yan ha? Naku, kung i-ignore mo ‘yan yari ka sa akin."

"Hala, pinagbabantaan mo ba ako Inday?"

Umiling ako. Pinigilan hindi matawa. "Hindi."

Tumawa si Emai, uminom ng kanyang kape saka sumulyap ang dalawang pares ng kanyang mata sa akin. "Hmm, honestly speaking... tatapatin na kita, Jica." Sumeryoso siya dahilan na matigilan ako.

Nawala narin ang ngiti sa labi ko. "For what?"

Hinintay kung sumagot si Emai. Lumipas ang ilang segundo napabuntong-hininga ito saka ako tinignan na seryoso parin ang kanyang awra. "Hey, ano na?" Kahit ako ay kinakabahan sa inasta niya. Hindi ko mapigilan kabahan!

The User | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon