Chapter 8: New Workmate

36 7 0
                                    

"MAAYOS ba ang tulog mo?" Iyon ang bungad na tanong ni Vincent ng pagpasok niya sa kusina habang ako ay nakaupo at nagkakape.

Humigop muna ako sa mainit-init na kape saka ako napasulyap sa kanya. "Bakit?" Wala akong balak na sagutin ang tanong niya. Sino ba naman kasi ang tangang sasagot ng “oo” matapos ang lintik na bangungot na ‘yon? Akala ko nga ay totoo! Muntikan na akong atakihin sa puso.

"Nagtanong lang," Aniya saka siya dumiretso sa micro-oven at naglagay ng tinapay sa loob. "Maaga ka yata nagising. Naunahan mo ako," biro niya saka siya napasulyap sa akin.

Napangiti naman ako. "Wala lang. Saka nakapagluto na ako ng agahan na 'tin," sabay sulyap ko sa kaldero na kumukulo na katatanggal palang sa kalan. "Sinigang na baboy. Nagluto din ako ng nilagang itlog at siyempre nakapagluto din ako ng kanin," salaysay ko.

"Wow! Talaga?"

Mabiling akong napatango. "After you what you did for me last night, I think it is right to suprise you," malapad kung sagot saka humigop ng kape.

Napangiti si Vincent sa 'kin, "Thank you."

"Welcome, babe." In-emphasize ko talaga ang “endearment” namin. Ayon, ang loko ang laki ng ngiti sa labi. Hindi niya alam, walang epek ‘yon sa akin. Siyempre, ako pa ba? Manhid tayo dito uy!

Inilibot ko muli ang tingin sa kusina. Well, malinis na at alam kung si Vincent ang naglinis kagabi. Nakita ko pa nga sa basurahan ang alak na ininom namin kagabi kaya ngayon ay medyo may hang-over pa ako pero kaya ko naman ang sarili ko.

Gaya ng nakagawian ay sabay na kumain kami ni Vince ng agahan at pagkatapos no'n ay sabay kaming umalis sa kanyang apartment at inihatid niya ako sa trabaho ko.

"Thank you, Vince." Ang sabi ko ng makababa ako sa sakyanan. Nakita kung ngumiti siya sa akin. "Welcome always, Jica. Ingat ka sa trabaho mo."

"Ako pa!" Ang nakangiti kung sagot saka ako kumaway. "Ikaw rin, Vince."

"Sunduin kita mamaya ha?"

Napatango ako. "Yup," 

Hinintay kung umalis si Vincent saka ako pumasok sa building at sumakay sa elevator. Nang makarating ako sa office namin, agad na nakita ko si Emai na nauna na sa akin. Well, palagi naman siyang early bird kung dumating kaya hindi na nakapagtataka ang bagay na 'yon.

"Hi, good morning!" Bati ko sa kanya pagkaupo ko sa aking cubicle.

"Gaga! Kala ko mali-late ka naman. Buti nakahabol ka pa." Aniya. Wow! Gandang bungad ah?

Napangisi ako kaya kinunotan niya ako ng noo. "Hindi na ngayon. Naka-service ako, Emai. Pang-sosyal!" Imporma ko na intensyon ko talaga ay painggitin siya.

"Wow, donya na ang dating mo a."

"Pag-inggit pikit." Biro ko sa kanya kaya ayon natawa ang gaga.

"Anyways, maiba naman tayo. So, ayos ba si Vincent? Tell me, Jica." Atat na atat na sabi ni Emai sa akin habang lumapit ang mukha niya sa akin.

"Lumayo ka nga ng kaunti, pinagtitigan na tayo nila Pia," Ang utos ko sa kanya kaya naman napalingon siya sa tinignan ko at nakita namin sila Pia at Deane na ang talim ng tingin sa amin.

"Ano bang problema ng dalawa?" Bulalas niya saka bumalik ang tingin ni Emai sa akin. "So, ano? Mabait ba at maalaga si Vince?" Ulit na tanong niya na animo'y walang problema sa kanya na pinagmamasdan kami nila Pia mula sa kabilang cubicle.

Napatango ako, "Sobra. Nahihiya na nga ako, e. Sobrang maasikaso."

"Iyon naman pala, e. My gawd, Jica! Ang swerte mo kaya! Ang gentleman naman ni Vincent, tinuring ka pa niyang nag-iisang prinsesa!" Kinikilig na turan ni Emai, mabuti nalang talaga ay may pader na nakaharang sa 'min kung kaya't hindi niya ako mahampas.

The User | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon