"HI, JICA! Magandang morning! Oh, napano ka? Kulang ng tulog?" Tanong ni Emai ng sumilip sa akin. Kaya tinignan ko siya at inirapan. "Pake mo." Mataray kung sagot saka ako humigot ng kape na binili ko sa ibaba ng canteen.
Nanlaki ang mata niya at umaktong gulat na gulat. "Wow, ansama ng ugali! Mataray 'yan? Ako na ang nagsasabi sa 'yo hindi bagay sa 'yo. Para kang sila Pia at Deane. May galit yata sa mundo." Aniya, sa iglap naalala ko ang nangyari kagabi.
Napailing ako ng lihim at napahinga. "'Wag ka ngang disturbo. Kairita ka, e."
"Wow! Naka-iphone lang nag-iba na ang attitude mo, besh. Hindi ka naman ganyan before, a."
"People change." Biro ko sa kanya.
"Pero infairness! Ang bilis mong naka-upload ng pics mo sa Fb, ah! Iba talaga nagagawa ng iPhone, e." Komento ni Emai na natatawa.Nginisihan ko siya. "Inggit ka ba?"
Ngumisi pabalik ang gaga. "Look, meron din ako, no." Sabay pa-flex niya sa kanyang phone na ngayon ko lang nakita.
Nanlaki ang mata ko ng madiskubreng magkapareho kami. "IPhone?!"
Napatawa siya. "Yup!"
"Paano? Sabihin mo nga, may sugar daddy ka bang gaga ka?" Ang tanong ko sa kanya na naghihinala ang tinging pinukol dito.
"Grabe naman! Sugar Daddy talaga pa?" Inilipat niya ang bibig sa tenga ko. "Pwede bang naging prostitute ako?" Ewan, bigla akong kinilabutan sa sinabi niya lalo't dumampi ang hangin sa tenga ko.
Naiwan akong napatulala. Maya-maya pa napatawa si Emai. "Gaga ka! Biro lang! Ang seryoso mo naman. Anong Sugar Daddy ka diyan, pwede bang naka-diskarte lang?"
Buti nalang talaga ay nahimasmasan ako. "Matagal ko ng napapansin na palagi kang nawawala tuwing magkasama tayo. Sabihin mo nga Emai, may boyfriend ka na ano?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko inalis ang tingin.
Napatawa ang gaga. "Yup!"
"Sino naman 'yan?" Ang tanong ko, hindi mapigilang magtaka kung ano ang itsura ng kanyang nobyo.
Napangiti ito sa akin at inipit ang ilahang hibla ng kanyang buhok sa tenga. Sa reaksyon niya ay para itong kinikilig. "Secret, bawal sabihin, e."
"Wow. May pa ganoon? Sabihin mo na sa akin, tayong dalawa lamang ang nakakaalam." Pamimilit ko.
Sunod siyang napailing. "No, secret nga di ba? Atsaka, lowkey relationship lang kami, ano. Ayaw niya kasing may makaalam sa relasyon namin pero ang bait at gwapo pa niya! Tapos galante pa."
"So, secret? Hindi ko pwedeng malaman? Kahit clue lang? First name?" Umiling si Emai.
"Okay."
"Basta, I promise once we are ready to come out ikaw ang unang makakaalam." Paninigurado ni Emai sa akin at pilit na ngiti nalang ang naging sagot ko. Tuloy, hindi ko mapigilang mapaisip kung sino 'yang mysterious boyfriend ni Emai. Mula kung paano niya ito ilarawan, totoong guwapo nga ito at mayaman.
May pa-secret pa ang gaga! Sana nga ay worth it ang paghihintay ko na ‘yan. Bulong sa aking isip.
Bumalik na sa kanyang cubicle si Emai at nagsimula narin akong mag-trabaho. Natigil lang ako sa pagtipa ng computer ng tawagin ako ni Mrs Vina.
"Yes, ma'am?" Umangat ang tingin ko. As usual seryoso itong nakatingin sa akin na animo’y kulang nalang ay maging yelo ako sa paraan ng pagtingin niya sa ‘kin.
"Follow me." Aniya, kahit nagtataka ay tumayo ako sa upuan ko at sumunod kay Mrs Vina sa maliit niyang office. Walang paligoy-ligoy may kinuha siyang ilang folder at inabot sa akin. "I need these on Wednesday." Gulat akong inabot ito para hindi mahulog.
BINABASA MO ANG
The User | COMPLETED
غموض / إثارةTo secure her job, she uses the man who happened to court her to carry out her plans. Jica thought everything was fine until she found out that the boyfriend she was living under the same roof was responsible for killing his ex-girlfriend 2 years ag...