Chapter 29: tell u know

22 1 0
                                    

TILA naging blangko ang aking isip at hindi ako makakilos ng marinig ang salitang binitawan ni Emai. Nagbabakasakali ako na nagbibiro lamang siya ngunit alam kung hindi.

Seryoso siyang napatingin sa akin. Mabilis nagsalin ako ng tubig sa pitsel at napainom. Hindi ko kinaya ang nalaman ko! Mahihimatay yata ako.

"I still don't believe what I discovered pero iyon ang nalaman ko, Jica. They are talking about you and your sister Jaby who used to called Jolly." Ani Emai, napakurap-kurap at sinsero akong tinignan sa mata.

Ibig bang sabihin... 'yong Jolly na 'yon na palagi kung napapanaginipan sinasaktan at tinoturture ay ang ate ko?

Nanikip ang aking dibdib. Nanlamig ang buo kung katawan. "Ano pang nalaman mo, Emai?"

Napahinga siya nang malalim. "They killed her. Pinatay nila ang ate mo, Jica! Iyon ang pagkakaalam ko."

"I knew."

"Anong alam mo?"

"Pinatay nila si Jolly..." Diretso kong sagot, "ang ate Jaby ko."

Nanlaki ang mata ni Emai at hindi makapaniwala. "Alam mo? Kailan pa?!" Gulat niyang sabi na pasigaw.

Napaatras naman ako ng kaunti.

"Matagal na no'ng nagsama na kami ni Vincent. Narinig ko ang usapan nila Pia at Deane kaya naghinala ako. Tapos si Elora..." Naisip ko si Elora. Alam kaya niyang ate ko ang kaibigan niya?

"Oh that bitch. This all her fault," galit na wika ni Emai.

Kumunot ang aking noo.

"Bakit?"

"Nakatitiyak akong may kinalaman siya sa pagpatay ng ate Jaby mo, Jica. Hindi ko sure pero sa pagkakaalam ko ninakawan sila Vince ng 6 Million. Iyon kaya ang rason kung bakit nila pinatay ang ate mo?"

Hindi ako makasagot.

"At saka isa pa, I think dapat mo itong makita." Taka akong napalingon kay Emai ng may inabot siya sa aking isang litrato. Agad na kinuha ko 'yon at tinignan.

Napakunot ang noo ko ng makita ang mukha ni ate Jaby sa isang picture habang may kasama siyang isang babae. "Sino ito?"

"Si Elordes. Ang kaibigan ng ate Jaby mo. Bigla siyang nawala dalawang taon ang nakakalipas ng mawala ang ate Jaby mo. Tapos ang Elora natin na nakilala... paano kung iisa lang sila?" Tanong ni Emai sa akin at napatitig ako sa picture nitong si Elordes na ngayon ay si Elora.

Ibang iba ang mukha ni Elora dito.

"Nagpalit siya ng mukha?"

"Iyon ang hinala nila Vincent. Kaya mag-iingat tayo kay Elora, Jica. Hindi natin alam ang kaya niyang gawin. Unang kita ko palang sa kanya ay alam kung may kakaiba sa kanya kaya inutusan ako ni Vince na manmanan siya," kwento ni Emai. "Ang tanong nga lang... bakit siya nagpalit ng mukha? Alam naman natin na pinatay nila ang ate mo dahil sa ninakaw na milyon. Do you think kasabwat ng ate mo si Elora?"

Naiwan akong blangko sa tanong ni Emai. Ni ang magsalita ay hindi ko magawa. Ayaw kung mag-isip ng kung ano ngunit may saysay at punto ang tanong na 'yon ni Elora.

Pero bakit? Kung may kinalaman man si Elora, bakit hinahanap niya ang hustisya ng ate ko?

Mas lalo akong naguluhan.

Hindi ako pwedeng tumayo lang at walang gawin. Nagulat si Emai ng tumayo ako kaya agad niya akong tinanong.

The User | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon