NAKASUOT ako ng casual dress na nakaibabaw ang jacket sa balikat ko para hindi ako lamigin. Naka-skirt lamang ako bilang pangsapaw hanggang sa tuhod ko para hindi na mag-alala para sa akin si Vincent. Baka akalain niya ay nagpunta ako dito para manlalaki.
Pumasok ako sa isang resto-bar kung saan gaganapin ang welcome party ni Elora. Ang new workmate namin. Actually, gaya nga ng sinabi ko ay ayaw ko talagang pumunta pero ng maisip ko si Emai, nakokonsensya ako.
Paano kung totoohanin niya ang sinabi niya sa akin na isusumbong ako ni Mrs. Vina na hindi ako sumipot? E ‘di mabawasan ang sahod ko.
Kailangan ko pa naman mag-ipon pambili ng phone. Pansamantala muna akong manghihiram kay Emai, hindi ko pa natatawagan sina itay at inay doon sa probinsya. Baka nag-alala na ang mga 'yon sa kalagayan ko.
Nang makapasok ako sa loob, hinanap ko agad si Emai. Mabilis ko naman siyang nahagilap na nakaupo sa round table at may kakwentuhan siyang dalawang babae na alam kung katrabaho namin.
Nang makita niya ako ay agad niya akong kinawayan at pinalapit. Napabuntong hininga na lang ako nang malalim at lumapit sa kanilang gawi.
"Hi, Jica! Good evening!"
"Ganda mo, Jica." Bati ng dalawang babae na kausap ni Emai. Ngumiti nalang ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko.
"Can I talk alone with my friend?" Tinaasan ko ang sulok ng labi ko kaya nagtaka ang kanilang tingin sa akin. Sa huli, napasinghap na lamang sila saka tumayo at umalis.
"
Bye guys! Let's talk later," pahabol na wika ni Emai sa kanila. Umupo naman ako sa tabi niya at inilagay ang pouch sa table. "You know what, you're so unfriendly." Humarap sa 'kin si Emai.
"‘E, anong pake ko? Duh, ang plastik nila kaya." Sagot ko.
"Ang issue mo, girl." Natatawang sabi ni Emai. "Bukod sa ‘kin sino pang naging kaibigan mo sa office natin? Lahat yata ay hindi mo kilala kahit mag-iisang taon kana," dagdag niya.
Well, totoo naman talaga ang sinabi niya.
"Ikaw lang." Sagot ko. Ayon, napahalakhak siya na animo’y nakakatawa ang bagay na ‘yon.
"Hoy! Anong nakakatawa? Sabunutan kita diyan, e."
"Wala." Mabilis niyang sagot. Pinipigilan na tumawa! Akmang babanatan ko na sana siya ng may nagsalita na inagaw ang atensiyon naming lahat.
Sa boses pa lang ay klaro ng si Mrs. Vina.
"Is everyone already here?" Sumagot naman ang lahat. Napasulyap ako na may hinahanap. Napasinghap ako ng hindi kalayuan sa table na nasa kabilang linya ay nakita ko si Elora na nakaupo. "Good. Alam naman natin lahat kung bakit tayo nandito 'di ba?"
"Yesss!"
"Tradisyonal na sa 'tin ang pagkakaroon ng welcome party for our new work mate. Kaya, guys, just enjoy this tonight and of course..." Napasulyap si Mrs Vina kay Elora, "this welcome party offers to Elora. Elora, this is for you. We hoping that starting tonight and days will come, you will find a joy and of course, as your manager... I wish we could work together all of us as team. Hope you’ll enjoy tonight!"
Ayon, nagpalakpakan naman ang iba ng natapos ang speech ni Mrs Vina para kay Elora. Guess what next happen?
"Cheers!"
"Whoo-oh! To Elora!"
"Cheers!" Sabay naming inilapit ang baso na may lamang alak saka sabay rin namin tinungga. Nagsimula narin umingay ang table namin. Kanya-kanyang kainan at kwentuhan. Sa tantiya ko ay nasa 15 kaming lahat. Team Marketing 1.
BINABASA MO ANG
The User | COMPLETED
Mystery / ThrillerTo secure her job, she uses the man who happened to court her to carry out her plans. Jica thought everything was fine until she found out that the boyfriend she was living under the same roof was responsible for killing his ex-girlfriend 2 years ag...