Chapter 1: Her Problem

94 7 2
                                    

Jica's POV


NAPAKURAP-KURAP ako habang binabasa ang mga listahan ng mga papeles na kailangan kung matapos ngayong araw na 'to. Kung hindi lang deadline ngayon at hindi ako nagmamadali, matagal na akong wala sa cubicle ko. Supposedly, wala talaga akong duty ngayon dahil Sunday pero dahil sa lintik na Manager namin na si Mrs. Vina 'e kailangan kung um-oo agad. Kung hindi, matagalan na akong sinante sa trabaho ko.

Sayang din naman kasi kung humindi ako. Kahit naiinis ako sa Manager namin na si Ms. Vina 'e, hindi ka naman lugi dahil alam mo naman na pinapataas nito ang sweldo. Ang kapalit nga lang, kailangan mong labanan ang antok at pagod para dito.

Matapos kung i-arrange alpabhetically ang mga folder ay pabagsak ko iyon inilagay sa gilid ng mesa ko. Hindi naman halatang galit ako, no?

Dahil sa ginawa ko, napatingin ang iba sa 'kin. Nagtataka. Ang iba nakataas ang kilay. "Sorry," Napayuko ako. Nadisturbo ko yata sila. Ah, Gosh! Jica! Mamaya ka na mag-rant!

Nang matapos na ako ay pasimple akong napahiga sa 'king swivel chair at napatitig sa puting kisame. Malas lang may butiking naka-pwesto sa mukha ko at mag-po-poop pa yata! Animo'y nakipagtitigan pa ako sa butiki at nagmamakaawa. Dahil sa takot ko at taranta, akmang aalis na ako ngunit agad na tumembwang ang swivel kaya nalaglag ako. Letse!

"Oh, beshie! Ayos ka lang?" Agad na rumesponde naman ang ka-workmate slash friend ko na si Emai.

Agad niya akong inalalayan.
"Natumba na nga 'yong tao. Tanungin mo pang ayos lang. Naka-drugs ka ba?" Ani ko sa kanya habang inayos ko ang sarili ko mula sa pagkakatumba.

Masakit ang puwet ko at tiniis ko lang.

"Sorry naman, oh." Aniya. "Mag-iingat ka kase."

"Oo na, alam ko na. Lintik na butiking 'yon, " bulong ko. Bumalik ulit ako sa kinauupuan at napahalukipkip ng makitang napatingin na naman ang mga ka-workmate sa 'kin. Ano bang problema nila?

May dumi ba ako sa mukha? O sadya lang talagang agaw-kagandahan 'tong pagmumukha ko? Chos!

Nang makitang pinanladakan ko sila ng mata, mabilis silang napaiwas ng tingin at bumalik uli sa kanilang pinagagawa. "Ano bang problema ng mga ka-workmate natin, Emai?" Tanong ko kay Emai na nasa kabilang cubicle. Kebale magkatabi kami at isa lang na wall ang nakaharang sa 'min.

"Ewan ko. Hayaan mo na Jica. Parang hindi ka naman sanay sa mga 'yan," Aniya.

Napasinghap nalang ako.

Tatlong taon na akong nagtatrabaho dito sa La Gaza Corporation. Hindi kasi ako nakapagtapos ng pag-aaral at high school lang ang nakayanan ng pamilya ko. Tubong probinsya kasi ako at lumuwas lang ako sa Manila para maghanap ng trabaho ko. Kung manatili lang ako sa probinsya baka uudin lang ako do'n. Kaya nakapag-isip isip ako na hanapin ang sarili kung kapalaran dito sa ka-Maynilaan.

Sa dami ng trabaho na pinasukan ko; naging dishwasher ako sa isang carinderia na isang buwan din ang tinagal ko dahil inaway ako ng anak ng amo ko na pinaniwalaan naman ng kumag, naging janitress sa isang hotel na ilang weeks palang ay sinasante na ako dahil pinalo ko ng mop ang isang babae doon. Kita na ngang nag-ma-mop ang tao, palaging dumadaan. Ayon! Pabalik-balik ako. Sa sobrang inis ko no'n, hindi na ako nakatiis at pinalo ko ito sa hawak kung mop.

Sorry naman, kaunti lang ang pasensya ko. Hindi ko na problema 'yon.

And lastly, naging pole dancer ako sa isang bar. Hindi rin ako nagtagal don dahil no'ng mga oras na 'yon nakilala ko si Emai. Gaga kasi 'to, e. Galing ako no'n sa bar at gabi na ng makita ko siyang mag-isa and worst lasing na naglalakad sa daan. Sakto pang may mga tambay na pinag-iinteresan sya tapos ako naman 'tong nag-fi-feeling hero, ayon pinagtanggol ko siya. Kinabukasan, nagkilala kami. Sabi nga niya, "Anong gagawin ko para makatulong naman ako sa 'yo?' A, pak si ate! May consolation price pa pala?

The User | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon