Chapter 16: News

31 7 0
                                    

"Babe?! Noooo! What are you going to do-! Ah!" Mabilis na naimulat ko ang mga mata at sa isang iglap natagpuan ko na naman ang sarili sa hindi pamilyar na kwarto.

Kinakabahan na napalingon ako sa babaeng nagsisigaw at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko itong hinihila ng kanyang nobyo. Sila na man ang napanaginipan ko. Shit, bakit sila nalang palagi? Wala bang managinip akong lucky number para itaya ko sa lotto?

"Ahhh! Let me go! Get off your hands!" Umiiyak itong nagmamakaawa habang kinaladkad ito palabas sa kwarto. Kinakabahan at nanindig ang tuhod ko sa sobrang takot at pagkabahala.

Agad akong napatayo at sinikap na tulungan ang babae.

"Bitawan mo siya!" Sigaw ko ngunit tila wala itong narinig. Akmang itutulak ko sana ang lalaki ng bigla nalang akong lumusot sa kanyang katawan at natumba.

Shit.

Namilog ang mata ko.

Anong nangyari?

Napuno ng katanungan ang isip ko kung ano ba talaga ang nangyayari. Gamit ang dalawa kung kamay tumayo ako at nagmamadaling sinundan ang mga ito.

Narinig ko parin ang paghingi ng saklolo ng babae na umiiyak sa takot. Sinundan ko sila at natigilan ako ng dinala ako ng mga paa ko sa isang maliit na pintuan. Sa loob doon ay madilim at kita ko ang hagdan paibaba.

"TULONG! TULUNGAN NIYO AKO!" Sunod-sunod ang paghinga ko nang malalim bago ako napagpasyahang bumaba sa hagdan.

"You will not going to get away from us, bitch." Umaalingawngaw sa loob ang isang boses ng babae kung kaya't natigilan ako sa paglalakad.

"What should we do to her?" Isa pang babae ang narinig ko. "We can't kill her, right? I mean, there's another way..."

Napalunok ako bigla. Syet...

"Another way? Shut up, D. We have no choice left. Anong gagawin natin sa babaeng 'to? Papakawalan? Matapos malaman niya ang sikreto natin?" Natatawang tanong nito.

"Shit..."

Naglakad ako ng marahan. Bumungad sa akin ang kabilang pasilyo. Mula doon nakita ko ang ilaw na nanggagaling sa isang kwarto kaya lumapit ako at napasilip.

Hindi nga ako nagkakamali. Mula sa loob nakita ko ang babaeng nakatali nakaposas ang dalawang kamay nito sa kisame. Pinagpapawisan ito at umiiyak habang sinubukang magpupumiglas. Hanggang ngayon malabo parin ang mukha nito sa akin.

May nakatayong dalawang babaeng nakatalikod. Bukod sa nakatalikod ito sa aking gawi, hindi ko parin maaninag ang mga mukha nito dulot sa may kaunting kadiliman.

Ang nobyo naman ng babae ay abala sa isang mesa habang may ginagawa. Nanlaki agad ang mata ko ng makita kung ano ang nasa mesa. Iba't ibang tools, may nahagip pa akong makintab na kutsilyo doon.

"Holy shit. I really hate this," Napasabunot sa ulo ang babaeng maikli ang buhok at napaupo ito sa upuan katabi ng drawer.

"Ano, Mark? Hindi ka pa ba nakapili kung anong gagamitin natin dito?" Iritableng tanong ng babae kay Mark.

"What are you doing guys? Hindi naman natin siya toture-in diba?"

"Just this once, D, can you shut up your mouth? Relax okay?"

"My God! I really can't really do this. In the first, hindi ito ang unang napag-usapan natin-"

"Then, what are you going to do? We already in this mess!"

"-no..." Tumayo ang babaeng maikli ang buhok. "I'm leaving here. Sorry, P. Hindi ko kaya... Promise, I won't tell anyone about this. I'm gonna out of this shit."

The User | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon