Chapter 6: So Lucky

28 7 0
                                    

"TOTOO? Magkakilala silang tatlo at magkaibigan pa?" Hindi makapaniwalang tanong ni Emai ng sabihin ko ang relasyon nila Pia at kay Vincent. "Grabe, ha. Maaga palang pero ang lakas ng plot twist," aniya, gulat na gulat.

Napatango naman ako.

"Eh, kinabahan ka na niyan?" Napangisi si Emai sa harapan ko rason na mangunot ang noo ko.

"Hindi, a." Tanggi ko. "At sino ba sila para katakutan ko? Bakit, nangangain ba sila ng tao? At saka, inaamin kung nababahala ako... paano kung masira ang lahat ng pinaghirapan ko dahil kina Pia?" 

"Iyon lang naman pala ang kinatatakutan mo. Duh, may tiwala naman ako sa 'yo,  Jica. Kita mo ba kung gaano kalalim tumingin sa 'yo si Vincent?"

"Ano?" Nagtaka ako.

Napairap naman siya sabay hampas sa balikat ko. Aray ha? 

"Duh, ang manhid mo!" Ano bang pake ko. "Ang sinasabi ko masyado mo yatang ginayuma si Vincent kaya kung tumitig sa 'yo hindi ka na papakawalan!" Sabi ni Emai na natatawa na ikangiti ko naman ng palihim. Talaga ba? Well, I can't blame Vincent kung na-inlove siya sa ganda ko.

Dalawang buwan na ang nakakaraan ng makilala ko si Vincent sa bar. Taga-Bulacan siya at bagong lipat lang siya dito sa Maynila kaya noong nagtatrabaho ako doon sa bar ay hindi ko siya nakita. Simula ng ipakilala siya ni Chester sa 'kin, hindi na ako tinantanan ni Vincent.

Sa dami niyang ibinigay na bulaklak at regalo sa 'kin lahat niyon ay nandoon kay Emai. Ayaw kung tanggapin kaya si Emai ang taga-salo. Itatapon ko sana ang mga 'yon sa basura kaso si Emai, nasasayangan kaya siya nalang ang nangongolekta.

"I know it," Ang sabi ko.

"Gaga, alam mo naman pala 'e. Kaya 'wag ka ng mag-worry. Alam mo kung ako sa 'yo ang isipin mo ngayon paano mo siya pakikitungohan. Act like his girlfriend. Act like you're in love with him. Iyon. Iyon ang gawin mo kung ayaw mong mabulilyaso," mahabang litinya ni Emai na ikatango ko naman bilang sagot.

Well, I guess I have no choice left.

ALAS SINGKO na ng hapon ng makatanggap ako ng message galing kay Vincent. Susunduin niya ako ngayon na ikabahala ko naman. Pakshet, ayaw kung ma-expose na pumatol ako sa kanya which is in the first place everything is just a game!

Paano nalang kaya kung makita ito ng mga ka-workmate ko? No offense, may itsura naman si Vincent— 10 %, sure ako. Morino 'yon, medyo matangkad saka walang problema. Kaso, hindi ko 'yon type at walang chance na magkagusto ako sa kanya. What happened today is just act.

Artista ang ate niyo.

"You seems like paranoid. Is there something wrong, Jica?"

"Ay puta—!" Napaiktad ako ng may nagsalita sa tabi ko. Nanlaki naman ang mata ko ng makita ko si Pia na nasa harapan ko ngayon. As usual, nakangisi naman ito na para bang nakasinghot ng rugby.

"Oh, you scared. I can see it."

Napahinga ako ng malalim. Sinubukan kung maging kalmado sa harapan ng babaeng 'to. "Ginulat mo kasi ako. Sino bang hindi mapapasigaw?"

She laughed at me, sarcastically. "Oh, you should be, Jica." Sagot niya. Ha! Hambog pala 'to, e. Akala naman niya ikaganda niya 'yon. Well, I can say maganda naman 'tong si Pia. Ang problema nga lang ang sama ng ugali. Mabaho pa yata sa lansang isda.

"A-Ano bang kailangan mo sa 'kin?" Diretso ko na siya. Pakset, asan na ba kasi si Emai? Sabi niya, iihi lang daw siya kaso 15 minutes na ay hindi pa siya dumating.

The User | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon