Chapter 28: you're safe...

35 2 0
                                    

Third Person's POV

"DID you catch her?" Bungad na tanong ng lalaki ng makapasok ang dalagang si Pia sa loob ng pabrika.

Hindi niya sinagot ang tanong nito sa halip inis itong napaupo sa sofa at ang sama ng tingin sa kung saan. Sa reaksyon ng dalaga, alam na niya ang sagot.

"Shit." Napamura si Vincent at napahithit ng sigarilyo. Binuga niya ang usok at kapagkuwan isuntok ang pader.

"What should we do?" Napalingon silang dalawa ng may nagsalita. Nakita nila ang kakapasok lamang ni Emai na may benda sa kamay nito.

"Are you okay?" Ani Vincent at mabilis siyang nilapitan.

Napangiti naman si Emai at napatango. Pinaupo siya sa sofa. Si Pia naman ay napairap sa kanyang nasaksihan. "Yeah, I'm fine. It's just small cut."

"That bitch." Gigil na wika ni Vincent.

"Anong gagawin natin, Vince? Natakasan tayo ni Jica! Nasugatan na nga ang kamay ko at tinangay pa niya ang cellphone ko. Paano kung magtawag siya ng mga pulis?Ayaw kung makulong!" Hestirikal na ani Emai at umakting na natatakot.

Ang totoo niyan ay natuwa pa siya ng malamang nakatakas ang kanyang kaibigan. Atleast, panatag ang kanyang kalooban. Ang pinagsisihan lamang niya ay binigay niya ang kanyang cellphone dito at hindi niya alam na nilagyan pala ng tracking device ni Pia.

Akala nga niya ay mahuli na si Jica pero sa kasamang palad ay hindi. At labis niya iyon ikinatuwa.

"Bukas na ang libing ni Deane, Vince. Kailangan natin makita si Jica at ang kanyang kasabwat na si Elordes. Pagbabayaran nila ang kanilang ginawa," nanggagalaiting wika ni Pia na ikalingon naman ni Emai.

Pinigilan niyang hindi mapalunok. Kung gano'n kailangan niyang makausap si Jica sa madaling oras! Hindi niya alam ang halang ng mga bituka na kanyang kasama ngayon. Lalo't napag-alaman niya ang madilim nilang mga sikreto.

Natigil lang ang pag-uusap nila Vince at Pia ng may pumasok. "Bossing, nahanap na nila nasaan ang babae!"

Pumasok ang isang taunan nila Vince at pagkarinig ni Emai ay bigla siyang kinabahan.

"Nasaan daw?!"

"Nandoon daw sa may peryahan, boss. Wala raw sa sarili at madungis. Nandoon ang asawa ni Bando. Pinapakain sa kanilang kalenderya." Salaysay nito.

"I want to talk that lady," ani Pia at inabot naman ng lalaki ang cellphone. "Hello?"

"Magandang gabi, ma'am Pia." Sagot ng isang ale sa kabilang linya. "Ako po si aleng Carlita. Balita ko ay may hinahanap kayong babae at nakatitiyak akong nandito siya sa amin," ani ng ginang.

"Just keep watching her, old lady. Wag niyong hayaang makawala-" napatigil sa pagsasalita si Pia ng sumigaw ito sa kabilang linya.

"Hoy! Saan ka pupunta! Bumalik ka rito!"

Kumunot ang noo ni Pia at napatingin kay Vincent na nooy seryoso ang mukha. Napalunok si Pia at nagsalita, "What happened? Nasaan siya?!" Napalayo niya ang cellphone sa kanya ng tenga ng makarinig ng iyak si Pia sa kabilang linya.

"Wala ka talagang silbi, Joe!" Ani ng ginang at umalingaw-ngaw ang iyak ng isang bata. "Ma'am Pia?" Bumalik ito sa cellphone.

"Ano na?!"

"Nakatakas po, ma'am-" sa sobrang inis ay tinapon ni Pia ang cellphone sa sahig at nakawatak-watak ito.

Napasabunot siya sa kanyang buhok at napaupo. "Fvck! Walang mga silbi! Arrrg!"

"Ma'am, cellphone ko po 'yon." Singit ng tauhan kung kaya't sinamaan niya ito ng tingin.

"Get out!" Sa sobrang takot nito ay nagmamadali itong napalabas sa pintuan. Sa sobrang frustration na naramdaman ni Pia ay hindi niya namamalayang kinagat na niya ang kuko ng kanyang mga daliri. "What should we do..."

The User | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon