"WALA bang nakakita sa 'yo?""Wala, sigurado ako."
"I see. You should rest. He will come later."
"Anong gagawin natin kay Jamaica?"
"I can't tell. Just wait."
Dahan-dahang naimulat ko ang mga mata ng makarinig ng mga boses na nag-uusap. Sunod na narinig ko ang pagsirado ng pinto.
Nang luminaw ang paningin ko doon ko napansin na andito ako sa hindi pamilyar na lugar. Sinubukan kung tumayo ngunit nanlaki ang mga mata ng mapansin nakagapos ako at nakabusal ang bibig.
"Oh, hi darling. You're awake. How was your sleep?" Nanlaki ang mga mata ko ng mula dito sa sa repleksiyon ng salamin na nasa harapan ko, nakita ko si Pia na papalapit sa aking likuran.
Shet. Ano bang nangyayari?
Nagsimula akong kabahan at matakot. Sinubukan kung kumawala ngunit mahigpit ang pagkakatali ng lubid sa kamay ko mula sa likuran. Nakaupo ako sa silya.
"Don't try, Jica. Mapapagod ka lang. Don't worry I will not do anything to harm you." Ani Pia na nakangiti saka hinila niya ang isang upuan sa tabi at tinapat sa akin.
Umupo siya sa harapan ko at marahan akong pinagmasdan. Sinubukan kung sumigaw, gumawa ng ingay nagbabakasakali na pakawalan niya ako.
Napaluha ako.
Nagulat ako ng tumayo si Pia at tinanggal ang duck tape sa bibig. Nagsimula akong tumili. "Tulong! Tulungan niyo ako!"
Napahalakhak si Pia at napaupo sa upuan. "Oh, come on Jica. I told you earlier no one can save you. No one coming for you. Sino bang may pakealam sa ‘yo? Wala. Kahit ang kaibigan mong si Emai, trinaydor ka."
Lumuluhang napatingin ako kay Pia. Hindi ko maiintindahan kung bakit niya ‘to ginagawa sa akin. "Ano bang kasalan ko sa ‘yo?" Sigaw ko. Pumasok sa isip ko si Vince. "Si Vincent! May alam ba siya nito?" Tanong ko kay Pia.
She smiled at me. "What do you think, darling?"
Napakagat ako sa labi. Galit na tinignan ko ang gaga. "What do you guys want from me? Sabihin niyo sa akin! Hindi ‘yong dudukutin niyo lang ako!"
"Oh, my bad. I have no position to tell you everything but... just hint, Jica. I'll give you a hint," napatayo si Pia at humakbang ito papalapit sa akin.
Nagsimula akong kabahan. Malalim niya akong tinignan. Aminado ako na sa oras ngayon ay nababahiran na ng takot ang sistema ko.
"Bakit..." Mahina kung tanong.
Nagulat ako ng sinampal niya ako. Shit! Hindi ko inaasahan na gagawin niya ‘yon! Sa sobrang lakas ng kanyang sampal, pakiramdam ko ay saglit na humiwalay ang kaluluwa ko sa aking sistema.
"Because you’re just like her! A user!" Aniya, naiwan akong napatanga. "Minahal kayo ni Vince ng buo pero anong ginawa niyo sa kanya? You tricked and pretended to love him but it was all a lie. Pera lang ang habol niyo sa kanya porke’t alam niyong mayaman siya?!" Galit na wika ni Pia at sa pangalawang pagkakataon ay sinampal naman niya ako.
Napatawa ako ng mahina. Tangina, nakapangalawa na siya ha? Kung hindi lang ako nakagapos ngayon ay paniguradong hindi ko siya titigilan hanggang sa walang buhok ang matira sa kanyang ulo.
Nahihilong napaangat ang tingin ko sa gaga. "Oh, you mean si Jolly?"
Tinignan ako ni Pia. Ilang minuto ang lumipas, napatango siya. "Yeah, that fuvking thief."
"And you guys killed her." Sagot ko na nakangisi at hindi maitago ang gulat sa kanyang mga mata. "Anong gagawin niyo sa akin? Papatayin niyo ako gaya ng ginawa niyo sa kanya?"
BINABASA MO ANG
The User | COMPLETED
Misterio / SuspensoTo secure her job, she uses the man who happened to court her to carry out her plans. Jica thought everything was fine until she found out that the boyfriend she was living under the same roof was responsible for killing his ex-girlfriend 2 years ag...