OSFR 06

122 10 0
                                    

Chapter 6

Activity

Kanina pa ako inip na inip na nakatingin kay Dwight. Nasa baba na ang kaniyang mga kaklase kaya ano pang ginagawa niya rito sa harapan ko?

"Why? What do you want?" bored na tanong ko sa kaniya.

"You," biglang sabi niya na ikinalaki ng aking mga mata.

Parang nagdiwang ang aking buong katawan pati siguro mga anghel ko ay nagulantang sa narinig. Did I heard him right?

Sobrang lakas ng kalabog ng aking puso. "Huh?" gulantang na tanong.

Napatayo siya ng matuwid. "I mean, you should've greet them."

Talaga ba? Bakit ka muna namumula?

"K. Palit lang ako," ngiting sagot ko bago siya pinagsaraduhan ng pinto.

Ang sakit niya talaga.

White hoodie at black short lang ang sinuot ko na tinernohan ng white shoes, in case na gusto kong umalis pagkatapos ko silang i-greet.

Why do I need to greet those bunch of crazy noisy people? Gosh!

Ingay at tawanan ang aking naririnig mula sa guest room. Nahihiya pa nga akong lumapit dahil sa ang dami nila! Halos twenty ang aking pagkakabilang bukod pa iyong mga late. Mga babaeng nagtatawanan agad ang nakakita sa akin.

"Who's that child?" tanong nung mistisa kaya napalingon na rin sa aking kinaroroonan ang iba.

Child?! Okay ka lang? Mas matangkad pa nga ako sa 'yo!

"Ang ganda niya!"

"What's the meaning of this?!"

"Baka naman kahit fb name lang."

"Anong ginagawa ng bata rito?"

"Baka anak 'yan ng may-ari!"

"In fairness, maganda magdala ng damit!"

"Added to crush list!"

Sabi ng iba na aking ikinangiwi. Pwede bang mahina lang silang magbulungan para hindi ko sila naririnig? Nandito po ako!

Lumapit sa akin si Dwight. Hinawakan niya ang aking balikat at hinarap ako sa kaniyang mga kaklaseng nanonood.

Nakikita niyo 'yan? Magiging asawa ko 'yan!

Tumingin ako sa kaniya. Tango lang ang naging tugon niya sa aking nagtatanong na mga mata. Malalim akong humugot ng hininga bago muling humarap sa mga nandito.

I smiled at them. "I'm Febie. Nice to meet you all." Marahang sabi ko sa kanila na muling nag-ingay.

Okay?

Aalis na sana ako ng hilahin na naman ako nito. Pinapatigil niya ang mga nag-iingay bago muli akong tinitigan na ikinataas ng aking kanang kilay.

"What? Need pa ba ng introduction number?" ngiwi ko sa kaniya.

Mariin niya akong tinitigan na akin namang ikina-ilang. Nakasuot siya ng black t-shirt at ang bottom naman ay white maong pants. Mukha tuloy kaming naka-couple outfit!

Hindi pa ako nakapagsasalita nang dumating si Jem na halos kita na ang kaluluwa sa suot na fitted red crop top. Mag-new-news anchor 'yan?

Kung hindi ko lang siguro alam na apo siya ni Manang Delia ay napagkamalan ko na siyang anak mayaman. Bagay naman sa kaniya ang suot dahil sa matangkad, chinita, long haired pa tapos maputi na akala mo'y ipinangliligo ang gatas.

Our Section's Forbidden Rule Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon