Chapter 15
Last day
"How's your school?" Tanong ni dad.
Nandito kami ngayon sa isang restaurant sa may malapit sa dagat. Hampas ng alon at huni ng mga ibon ang maririnig mula rito na ikina- rerelax naman ng aking sistema.
Si mommy na abalang naglalagay ng lipstick sa kaniyang labi ay napalingon din sa aming kinaroroonan ni daddy. Mas'yado silang strict pagdating sa grades o usapang academic.
"It's actually fine po," mahinang sagot ko.
"That's good to hear." Wika ni dad.
Abala kami ngayon dahil sa may kikitain sina mom at dad na investor. Hindi ko nga alam kung bakit kailangang kasama pa ako, kung pwede namang huwag na lang at magtigil sa bahay.
I noticed how they acted calm pero sa totoo ay mukhang nag-aalangan ang mga ito. Si dad kanina sa bahay ay halos magpabalik-balik sa silid ni mommy para palitan ang necktie habang si mommy naman ay abalang- abala sa paggayak ng regalo for their investor daw.
Dapat nga noong isang buwan pa namin ito kikitain pero na-postponed dahil nagka-aberya raw na hindi ko naman alam ang kadahilanan. Kaya ang ending ay ngayong araw na natuloy.
Pa-special naman mas'yado! Minsan ko lang makitang ganito ang aking mga magulang kaya nakakagulat.
"Sino po ba ang imi-meet niyo at sinama niyo pa po ako?" Takang tanong ko sa dalawa.
Kakaunti lang ang nagpupuntang turismo rito sa lugar na 'to kaya nakakatuwa kasi parang solo lang namin at hindi masisira ang kagandahang taglay nitong lugar na ito.
"Para hindi ka maburyo sa bahay. Hindi ba't palagi kang nagrereklamo kapag naiiwan ka roon kasama sina manang?" Balik tanong ni mommy.
"Yes, super duper boring po kaya sa bahay." I rolled my eyes. Napangiwi rin ako agad sa ginawa ko at nagkunyareng napuwing.
I forgot na hindi pala si Soyuqi ang kausap ko! Gosh! May assignment pa pala kami! I hate math talaga!
Naupo sa aking tabi si mommy kaya napagitnaan nila ako ni dad na sumisimsim ng wine na kanina pa inorder. Mauubos ko na lahat lahat ang cake pero wala pa rin ang sinasabi nilang investor!
Akmang isusubo ko na ang pang huling hiwa ng cake nang may magsalita mula sa likuran namin. Nakatalikod kasi kami sa may entrance kaya hindi namin makita kung sino ang pumapasok o lumalabas doon.
"Long time no see, Mr and Mrs Gacer." Malaki ang boses nito na ikinatindigan pa ng aking mga balahibo.
Nakatayo na si mommy at daddy sa magkabilang tabi ko.
Nanlaki ang aking mga mata ng makita kung sino ito. 'Yung matanda! 'Yung may-ari ng pinagbilhan ko ng perfume na para kay Dwight. Halos lumuwa ang aking mga mata ng makita kung sino ang kasama nito. Si ano... ano nga ulit ang pangalan ng lalaking maharot na 'to?
Basta kilala ko siya, nakalimutan ko lang ang pangalan niya! Who the hell is he?
Nakangisi ito sa akin. "Long time no see, No thanks or... should I say, Febie isn't it?" He smiled.
"You know each other?" Tanong nung matanda. May nararamdaman akong tensyon pero ipinagsawalang bahala ko na lang ito at baka mamaya ay magmukhang tanga pa ako sa harap nila.
"Take a sit," iminuwestra ni dad ang kamay sa harapan ng upuan namin kung saan may tatlo pang bakanteng upuan.
"Thank you," magiliw na sabi nung matanda. Naupo silang dalawa ni Reazem. Reazem! That's he's name. Panget!
BINABASA MO ANG
Our Section's Forbidden Rule
Teen Fiction[COMPLETED] » Teen Fiction Dwight Nicolai Vendivil, the president of the section Jade. Responsible, firm and strict, however, he has a soft spot towards his classmates. Towards the whole section Jade. Tinitingala siya ng lahat. Maraming nahuhumalin...