Chapter 9
Kiss
"Where's my daughter?"
Kagigising ko lang at nag-aalalang boses na agad ni Mommy ang aking narinig. Amoy hospital kaya hindi na rin ako nagtaka pa.
Nahimatay ba ako?
"Mom?" napabangon ako sa pagkakahiga. Napangiwi pa ako habang iniinda ang aking may palapulsuhan. Naupuan ko kasi ito sa gulat.
Nakita ko pa ang pag-ayos ng upo ni Dwight na nakaupo sa bangko sa tabi ng aking higaan.
Akmang magtatanong na sana ako sa kaniya ng bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Mom na nag-aalala, nasa likuran niya si Dad na abala sa kung sinong kausap sa cellphone habang nakatingin sa akin.
Sobrang bilis nang pangyayare na aking ikinagulat. Mommy slapped him!
"Mom!" Suway ko sa kaniya. Nanlilisik ang mga matang nakatingin siya sa nakayukong lalaki. Pumagitna naman si Dad, na ngayon ay pilit na kinakalma si mommy na dinuro-duro si Dwight na walang ka-imik-imik.
Lumapit ako sa kanila. "Are you okay?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya. Namumula ang kaniyang kanang pisngi sa lakas ng sampal sa kaniya ni Mommy.
Hahawakan ko sana ito ng hilahin ako ni mom papunta sa likuran niya at masamang tinitigan ang pinagtanggol kong patuloy pa rin sa pananahimik.
"Mom! Wala siyang kasalanan dito!" Pagkukumbinsi ko. Maamong kong tiningnan siya na agad na umiwas ng tingin sa akin. "Ako ang nagpumilit na iligtas si Yshin! Maniwala kayo," naiiyak na ako dahil hindi man lang nila ako nagawang pakinggan.
"You manipulated my daughter! Simula ngayon, hindi ka na makakatuntong sa pamamahay namin!" Parang kulog na sabi naman ni Dad. Nanginig ako sa takot, hindi para sa akin kun'di para kay Dwight.
I hugged my Mommy. "Wala po siyang kasalanan," umiiling na sabi ko sa kaniya na mahigpit na yakap ang iginanti sa akin.
"From now on, you'll never see my daughter. I want you to stay away from her. I want you gone to her life. I want you gone! Did you understand?! Makakarating ito sa mga magulang mo. Kapahamakan lang ang idudulot mo sa anak ko." Wika pa ni Dad.
Pilit na humiwalay ako sa yakap ni mommy at lumapit kay Dwight. Nagpunta ako sa kaniyang harapan bago hinarap sina mommy at daddy na galit at disgusto ang mga emosyon sa mukha.
"Mom! Dad! Listen to me... I'm the one who make a move to save my best friend! I'm the one... pinilit ko siyang samahan ako... pinilit kong isama ang sarili ko sa gulong hindi naman ako kasali. I'm the one who should've take
all your blames! It's all my fault po," nagsusumamong tumingin ako sa kanila. "Ako ang dapat niyong sisihin dito at hindi siya. Tumulong lang siya dahil n-naaawa s-siya sa akin!" Hindi ko na napigilan ang pagsigaw.Nanlalaki ang mga mata ni mommy sa gulat samantalang si daddy naman ay napahawak sa sintindo. Muli akong humarap kay Dwight na mataman akong tinitigan bago bumuntong hininga.
"Wala kang kasalana—"
"No." Rinig kong mariing wika ni Mommy. Hinila niya ako papalapit sa kaniya at masamang tinitigan si Dwight. "We need to go home. Gabi na... you need to sleep." Marahang pagkausap sa akin ni mom.
"M-Mom," umiiling na muli akong bumaling sa kaniya na tumango sa akin. I bitterly smiled at him. "Magkikita pa naman tayo... hindi ba?"
Ganito na ba kalalim ang nararamdaman ko para sa kaniya kaya nasasagot-sagot ko na sina mom? Am I being a spoiled brat? Sabi niya infatuation lang ito pero bakit parang ang lalim na nang pagkagusto ko sa kaniya? Puppy love pero ang sakit sakit na.
![](https://img.wattpad.com/cover/359905193-288-k898664.jpg)
BINABASA MO ANG
Our Section's Forbidden Rule
Teenfikce[COMPLETED] » Teen Fiction Dwight Nicolai Vendivil, the president of the section Jade. Responsible, firm and strict, however, he has a soft spot towards his classmates. Towards the whole section Jade. Tinitingala siya ng lahat. Maraming nahuhumalin...