Chapter 16
Lost
"Aigooo?" Nanlalaki ang mga niyang tanong at nakahawak pa ang dalawang kamay sa bibig.
Ang gaga, umuwi talaga. Galing pa siyang Hawaii at walang pahinga pero nandito sa aking harapan. Nakasuot ng summer white dress, naka shades pa ito at crocs na pang paa.
"I thought you're only joking," may mumunting ngiti sa aking labi.
Umiwas siya ng tingin at tumawag ng waiter bago nagbalik nang tingin sa akin. "Do I look like joking to you?" Tinuro niya pa ang sarili niya.
I nodded.
Napapadyak siya at marahang tinampal ang balikat ko. "Grabe ka naman sa akin—" napatingin siya sa waiter na dumating. At dahil sa nagpatitig siya sa nasa harapan namin ay napalingon na rin ako dito.
Omygosh! Si Dwight!
"What the hell are you doin' here?" Gulat na tanong ko.
Nakasuot siya ng white folded polo na tinernohan ng black loose pants. Hindi naman siya mukhang waiter. Waiter ba siya?
He raised his eyebrows at bahagyang ngumisi. "What's your order, miss?" Magaspang ang boses nito na kinailangan niya pang lumunok para mawala.
The hell?!
Muli kong tiningnan ang buo niyang pagkatao kung nagloloko ba siya o trippings niya lang ito. What the?
Mariin akong tumingin sa mga mata niyang kumikislap sa saya. Mukha ngang trippings lang! Hindi naman siguro siya papayagan nina tita na magtrabaho, ang bata niya pa.
"Umalis ka nga rito," I glared at him.
Nakalimutan na pero nagpakita ulit! Postpone ang pagmo-move on.
Tumikhim siya at mataman akong tinitigan pabalik. "I'll leave once you said your order, miss." Pinakita pa nito ang maliit na note pad kaya mas lalong tumaas ang kilay ko.
Bahala siya! Mga kalokohan niyang iyan.
"'Yung pinakamasarap niyong dessert. What's yours..." Nalingunan ko pa si Soyuqi na ngayon ay pabalik-balik na ang tingin sa amin ni Dwight.
"Magkakilala kayo?" Laglag pangang tanong niya.
"Mukha naman 'di ba?" Pilosopong sagot ko.
Imbis na mainis sa naging sagot ko ay binalingan niya si Dwight na nakapamulsang nakatayo sa harap namin. "Anong ginagawa mo rito sa resto, kuya?" Pagtatanong niya.
Nabulunan pa ako sa aking sariling laway sa narinig. Eh? Magpinsan sila? Bakit hindi ko alam?! Ang dami ko pa namang nasabi kay Soyuqi tungkol sa feelings ko para kay Dwight!
Nauubong mabilis kong nilagok ang isang basong tubig na iniabot sa akin ni Dwight. Naluluhang napatingin ako sa dalawa na may pag-aalala sa mga mukha.
"Magpinsan kayo?" Nauubo ko pang inayos ang buhok kong nililipad ng hangin.
"Obvious naman 'di ba?" Panggagaya ni Soyuqi sa tugon ko kanina..
I scanned her and Dwight's face. Hindi naman magkamukha! Sandali ko pa silang pabalik-balik na tinitigan at doon ko lang napansin na may pagkakahawig ang dalawa.
Bakit hindi ko ba kasi nahalata?
"Okay naman na 'yung order namin, pwede ka ng umalis." Baling ko sa kay Dwight na mabilis namang umalis. Pansin ko ang pagtiim bagang nito habang naglalakad paalis.
"Bruha ka!" Mabilis kong hinigit ang dulo ng buhok ni Soyuqi. "Bakit hindi mo sinabi?" Irap ko sa kaniya.
She's fixing her hair while laughing. Nakahawak ito sa pisngi at minamasahe. "Hindi ka naman kasi nagtatanong at saka bakit pa?" Sinundot-sundot niya ang tagiliran. "May bumabalik na tibok sa batang puso mo?" Panunukso niya pa.
BINABASA MO ANG
Our Section's Forbidden Rule
Teen Fiction[COMPLETED] » Teen Fiction Dwight Nicolai Vendivil, the president of the section Jade. Responsible, firm and strict, however, he has a soft spot towards his classmates. Towards the whole section Jade. Tinitingala siya ng lahat. Maraming nahuhumalin...