OSFR 37

112 9 0
                                    

Chapter 37

Paghaharap

Three days past.

At sa loob ng mga araw na iyon ay perpekto naming nagawa ang aming mga plano. I talked to my lolo which is ready to help me. Umaayon sa amin ang tadhana, walang ibang naging tinik na humahadlang sa amin kun'di si Akiszha lamang.

I'm now grinning from ear to ear. She really thinks na gustong-gusto siya ni Dwight, without knowing na kinukuhanan lang siya ng mga impormasyon ng boyfriend ko.

Naging interesado ako nang banggitin ni Akiszha ang tungkol sa mga magulang niya. Poor her, mahal niyang talaga ang boyfriend ko at nasasabi niya kahit na pribado.

"What do you mean? Na alam mong talagang buhay ang mga biological parents mo?" Rinig kong gasped ni Dwight.

May maliit siyang ear piece sa kaliwang tainga para marinig ko ang kanilang mga usapan. Katabi ko ang walang imik na si Soyuqi, walang buhay ang mga mata niyang nakatulala sa kisame.

Hindi ko na rin siya tinanong pa't paniguradong iiyak lang siya, kapag napag-usapan namin ang tungkol sa fiancé niya.

"Yes. Actually, they're always visiting my condo." Pagkukwento ni Akiszha.

And where is that condo she's talking about?

"That's good to hear." Ramdam ko ang kasiyahan ni Dwight.

"So, you're my boyfriend now." I heard Akiszha's giggled.

Nagsalubong ang kilay ko, nakangiwi akong kumamot sa aking noo habang nakikinig sa pag-uusap nilang nakakadiri sa pandinig.

Nalingunan ko ang kamay na humawak sa aking kaliwang braso. Si Soyuqi na matamang nakatingin sa akin.

"Kailan niyo sisimulan ang plano? Tutulong ako." Bakas sa mukha niya ang pagkadisperado.

Tinaasan niya ako ng mga kilay nang mapansing nakatitig lang ako sa kaniya at walang balak na sagutin ang tanong niya. Hindi siya kasali sa binuo naming plano at wala akong balak na ipahamak siya.

"I want them to know who's their fucking messing with." Her eyes are bloodshot.

Buntong-hininga kong hinawakan pabalik ang kaniyang mga kamay. "You sure?" Paninigurado ko.

She lifted an eyebrow at me. "I'm hundred percent sure." Malamig niyang tugon.

Ilang minuto akong nakipagtagisan ng tingin sa kaniya bago tuluyang sumuko at pumayag sa kagustuhan niya.

"Be ready. Paalis na kami. We'll gonna meet her criminal parents later." Dwight warned us.

Malamig akong ngumiti kay Soyuqi na naghahanda ng gagamitin mamaya. Tatatlo lang ang kaniyang dala ngunit alam kong lahat ng iyon ay magagamit niya.

Nang mailagay sa magkabilang tagiliran pati na rin sa may knee pocket ko ang isang dagger ay tsaka lang ako nakontento.

Humarap sa akin si Soyuqi na nagpapatunog ng leeg.
"Ready?" Nakangising pinapalagatok niya ang kaniyang mga daliri.

"I'm born to be ready." Amusement plastered on my doe eyes.

Kasama na rin namin ang ilang tauhan ni lolo. Naglalakihan ang kanilang mga katawan na animo'y batak na batak na sa mga labanan.

Nakita ko na ang kanilang pag one versus one at talagang masasabi kong magagaling sila. Nagkakatuwaan silang kumakain ng gawa ni Manang Delia na hindi magkamayaw sa kakapa-alala sa akin na mag-ingat.

Ayaw man akong pasamahin ni lolo ay wala siyang nagawa kun'di ang mahigpit na ipagbilin ako sa mga tauhan niya.

"Mag-ingat ka." Huling habilin sa akin ni Manang bago kami tuluyang sumakay sa sasakyan.

Our Section's Forbidden Rule Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon