OSFR 31

91 8 0
                                    

Chapter 31

Aso

"Search every corner of this place!" Malamig na aniya Dwight.

Papalapit ito sa akin kaya hindi ko na napigilan pang maunang lumapit sa kaniya. Mahigpit akong yumakap at humagulgol sa kaniyang bisig, tinatakpan naman ng suot niyang dark tuxedo ang aking mukha upang hindi makita ng iba na akin namang ipinagpapasalamat sa kaniya.

He hugged me back tightly as I cry like a crybaby. "Shhh. I'm here." Puno ng lambing niyang bulong sa akin.

"I thought... I was going to die here." Humihikbing sumbong ko.

"Hindi ako papayag," he looked at me. "Hindi ako papayag na mawala ka. Ako ang magiging knight in shining armor mo." Dagdag niya.

Napabaling ako sa kung saan ko iniwan si lolo na naghihingalo na. Nanginginig na lumapit ako sa pwesto nito. Mabilis itong naghahabol ng hininga na parang ikinabalik ko sa panahong unti-unting nalalagutan ng hininga si daddy.

"Hold on..." Sumisinghot na sabi ko. "Help him!" I screamed as if the tendons in my neck were going to snap.

Ang mga nasa loob ay natigilan. Napalapit at napatingin ito sa amin— kay lolo. "Kumapit ka lang." Nagsusumamong tumitig ako sa matanda.

"Kakayanin k-ko..." He coughed. "P-para sa 'yo." Unti-unting nanghihinang tugon nito.

"H-hindi na siya aabot sa hospital kung walang first aid!" Malakas na boses ni Diane.

Umiiling na napatingin ako kay Dwight na hinawakan ang aking balikat. "May nursing ba rito?" Pagtatanong ko.

"Wala—"

"A-ako."

Nalingunan naming lahat si Jenny na pinakatahimik. Sunod-sunod siyang lumunok habang pinagmamasdan ang aking lolo na humihigpit ang kapit sa akin.

"Wala bang rescue na ambulance or something d'yan para lang madala sa hospital ang lolo ko?" I burst out. "Saan mo siya dadalhin?" Napaamang na tanong ko kay Dwight.

Inalalayan niya si lolo at nagsimula na siyang maglakad patungo sa labas. "Dadalhin natin siya sa hospital." Malamig niyang tugon. "Jenny, come with us." Pagtawag niya kay Jenny na agad na tumabi sa akin.

"Sure ka bang kaya mo? Baka ipahamak mo lang ang lolo ni Febie?"

Papalabas na kami ng may humarang kay Jenny. Hindi na namin siya hinintay pa at tuloy-tuloy na naglakad palabas. Nasa kanang bahagi ako ni lolo habang si Dwight ay nasa kaliwa naka-alalay.

"A-apo..."

"Hmm?" I looked at him.

"Oras ko na—"

"Don't say that! Makakarating din tayo sa hospital. Kumapit ka lang sa'kin." I bit my lip as I'm starting to get emotional again.

Maraming pasikot-sikot ang aming nalikuan hanggang sa marating namin ang labas. Hindi na ako nagulat na naka-abang doon si Soyuqi ngunit ang ikinabahala ko ay nandoon din ang ex nitong si Maxxuelle na nasa malayo ang tingin.

"Mr. Zixarious!" Gulat na tanong ni Soyuqi. Nang mapatingin siya sa ibang banda ay agad na nagbago ang kaniyang expression. "Pumasok na kayo...?" Naguguluhang tanong niya.

Hindi na ako nagsayang pa ng oras at ipinasok na ang matanda sa loob ng sasakyan. Mabuti na lang at kasiyang- kas'ya kami. "Let me check his pulse." Aniya Soyuqi.

Tumabi siya sa akin na mahigpit na nakahawak sa aking lolo. Pansin ko ang panginginig ng kaniyang mga kamay ng hawakan ang wrist ng matanda. "Aabot pa 'to," bumaling siya kay Maxxuelle na naintindhinan yata ang pinapahiwatig ng mga mata niya. "Dahan-dahan lang." Mariin niyang paalala.

Our Section's Forbidden Rule Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon