Chapter 30
Traitor
Nagising ako sa madilim na lugar na hula ko'y nasa loob ako ng isang bodega. Parang nagbalik ako sa panahong tinulungan namin si Yshin subalit ako na ang dapat na tulungan ngayon.
Wala akong ginawang ingay para walang makahalatang gising na ako. May maliit na bintana sa taas na nagbibigay ng ilaw galing sa labas at tansya ko ay hindi naman ako magkakasya kung susubukan kong lumusot doon. Tahimik ang buong paligid kaya mas naging alerto ako sa kung sakaling may magtatangka na naman sa akin.
Makawala lang talaga ako sa putanginang silid na 'to, ako ang kikitil sa mga walang kwentang buhay nila!
Akmang tatayo na ako sa pagkakahiga ng bigla akong mapahigang muli dahil sa naka-kadena pala ang aking mga kamay sa bakal nitong hinihigaan kong kama. Napapakagat labi na lang ako sa tuwing sinusubukang tumakas at tanggalin ang kadena. Sa isa pang subok ko ay may narinig akong mga taong nag-uusap sa labas kaya wala akong nagawa kun'di ang magtulog- tulugan pero pinanatili ko pa ring naka-alerto ang aking katawan.
"Gising na ba ang bihag?" Tanong ng isang malagong boses panlalaki.
"Kanina pa ho iyan walang malay." Tugon naman ng isa pa.
Mga bobong 'to, suggest ko nga next time ang security company nina Soyuqi sa kanila para naman expert.
Nakaramdam ako ng paglubog sa may paahan nitong aking hinihigaan na kama at halos natulos ako sa pagkakahiga. Nahigit ko ang aking hininga, sunod-sunod akong napalunok ng bigla itong humalakhak.
Humawak ito sa aking panga. "You're already awake! You can't fool me!" Malakas niyang singhal sa aking mukha.
Napamulagta ako sa gulat. Nanlalaki ang mga mata kong nahigit ang aking hininga. Si Reazem ay nasa aking harapan at mala demonyong nakangisi sa akin.
"R-reazem?" Utal kong bulalas.
"Good evening, No thanks." Malambing niyang sabi na ikinataasan ng aking mga balahibo sa katawan.
"Why are you doing this to me?" Malamig kong tanong.
Humalakhak siya hanggang sa muling magtama ang aming mga mata. "You made me do this to you." Mahigpit niyang hinawakan ang aking buhok.
Malakas akong napasigaw sa hapdi at sakit na kaniyang ginawa. Nang pakawalan niya ang buhok ko'y lumipat naman sa aking mga braso ang kaniyang kamay at mahigpit itong pinisil. "Nang dahil sa iny-"
Hindi na niya naituloy pa ang dapat na sasabihin dahil sa may sumabat na akin namang ikinanlumo. Sabi ko na, may something nga sa kaniya.
"Pigilan mo na muna ang sarili mo, love." Aniya Bridget na lumalapit na sa pwesto namin. "Akong bahala sa kaniya." She smirked at me. "Hi, vice pres!" May panunuyang bati niya sa akin.
"Bridget," I mocked. "How come na nagawa pa kitang pakisamahan? You're a traitor." Malamig kong wika.
"Traitor? Bakit hindi mo sabihin sa lolo mo kung sino ang mas traydor sa amin?" Nanggagalaiting saad niya. She clapped her hands. "Ipasok na ang walanghiyang matandang 'yan!" Sigaw niya.
Napalingon ako sa may dulo ng matamaan ang matandang sira-sira na ang suot na damit. Ang mukha nito ay puno ng galos at maraming bakas ng dugo sa kaniyang katawan. Ang kinamumuhian kong lolo ay nasa aking harapan, walang lakas na nagsusumamong nakatingin sa akin.
"H-how could you do this to my Febie?!" Nahihirapang tanong niya.
"Tumahimik ka, tanda!" Aniya Reazem. Malakas niyang sinampal ang matanda na napa-ubo na lang ng dugo.
BINABASA MO ANG
Our Section's Forbidden Rule
Teen Fiction[COMPLETED] » Teen Fiction Dwight Nicolai Vendivil, the president of the section Jade. Responsible, firm and strict, however, he has a soft spot towards his classmates. Towards the whole section Jade. Tinitingala siya ng lahat. Maraming nahuhumalin...