Chapter 34
Break Up
Nasa tapat na ako ng room at hinihintay na makapasok ang lahat ng aking mga kaklase. Wala pa rin siya kaya mas minabuti kong dumito muna ng sagayon ay makita ko kung kahina-hinala talaga ang mga ikinikilos niya.
Can't believe na magagawa niya ito at mas malala pa ay palitan ang tunay na anyo upang hindi makilala ng lahat.
"What are you doin' there, Febie?" Tanong ng kararating pa lang na si Gheile.
"May inaabangan lang akong hayop— I mean, our classmate." I answered.
Muli kong itinuon ang aking mga mata sa daan at nagbabaka sakaling dumating na ito. I raised my eyebrows at her 'cause hindi pa rin siya umaalis sa pwesto niya.
"You need anything?" I said as she scratches her forehead.
Hindi niya magawang pantayan ang iginagawad ko sa kaniyang mga tingin.
"Can we talk?" Nag-aalangan niyang tanong.
Sumandal ako sa pader at pahalukipkip na tinitigan siya. "Nag-uusap na tayo." Tugon ko.
"I mean, private?" She once again said.
Lumingon-lingon pa ako sa paligid at nang walang mapansing kakaiba ay saka lang ako pumayag sa kagustuhan niya. Who am I to reject her offer? I'm just a Vice President but we're still classmate's so.
"Where?"
"Kahit doon na lang sa baba para makakain ka na rin." Balisang aniya Gheile.
"I'm fine here, no thanks. We can talk about it here and may inaabangan ako kaya..." Walang gana kong turo sa pwesto namin.
Malalim siyang humugot ng buntong hininga na nagpapakita sa pagsuko niya. "I'm sorry for what I've said and done to you. I know that sobrang naging immature ako sa mga panahong iyon," hinawakan niya ang aking mga kamay. "I'm really sorry. Please, forgive me. I've learned a lot of lessons because what I've done." She genuinely said.
Matagal ko siyang tinitigan bago nauna ng umiwas. "Just make sure na wala kang kinalaman sa mga susunod pang kaganapan. You're okay to me." Seryosong wika ko.
Ang parang batang pinapangaralang mukha niya'y napalitan ng kagalakan. "Thank you!" Akmang hahalik siya sa aking pisngi ng may kamay na humarang sa mukha niya.
Actually 'yung kamay na 'yon ay may sapin na wipes.
"Only I can kiss her." Malamig na aniya Dwight na kararating pa lang din. Nakapamulsa ang kaliwang kamay nito at ang kanang kamay na galing sa mukha ni Gheile ay ini- akbay niya sa akin.
Nakasimangot na humarap sa amin ang babae at inis na tiningnan si Dwight. Ang wipes ay hawak niya na.
"Grabe namang ka-anohan 'yan, Pres! Langgamin sana kayo." Ngiting-ngiti na sabi ni Gheile bago tuluyang pumasok sa loob.
"You're too early. Have you eaten?" Bahagya pa siyang yumuko para magpantay ang aming mga tingin.
"Nagugutom na nga ako, e." Iirap na sana ako ng matamaan kong palapit na siya. "Paparating na siya." I whispered.
Sa lakad niya pa lang ay halatang- halata nang siya iyon pero bakit hindi ko man lang napansin?
"Act like you're so inlove with me." Dwight said as his smirked showed up.
Namumulang nag-iwas tingin ako sa kaniya. Umayos siya ng tayo sa tabi ko.
"Tumigil ka nga." Hampas ko sa balikat niya.
BINABASA MO ANG
Our Section's Forbidden Rule
Teen Fiction[COMPLETED] » Teen Fiction Dwight Nicolai Vendivil, the president of the section Jade. Responsible, firm and strict, however, he has a soft spot towards his classmates. Towards the whole section Jade. Tinitingala siya ng lahat. Maraming nahuhumalin...