Chapter 26
Mafia game
Malamig na ekspresyon ang nakapaskil sa aking mukha ng lumabas ako sa aming mansion dahil sa report na aking natanggap mula sa aming security guard na may tambay daw na ayaw umalis sa labas.
"Are you okay?" Salubong sa akin ni Dwight na naka-abang na pala sa labas nitong aming mansion.
"What the- are you doing here?" Minata ko siya mula ulo hanggang paa.
Suot nito ang uniform. Ang tatlong butones sa taas ay hindi nakasara at talagang ibinabalandara niya ang kaniyang makisig na pangangatawan. Ang magulo niyang buhok ay sinusuklay gamit ang mga daliri, nakasandal siya sa pader nitong aming gate.
"I told you, you can take a picture of me." He wickedly said.
"Pumasok ka na, dami mo pang sinasabi." Nauna na akong maglakad papasok sa loob.
Nakasunod naman siya sa akin, ang dalawang kamay ay nasa palabulsahan ng kaniyang suot na pants at marahan itong sumisipol.
"Try mo kayang lagyan ng ekspresyon 'yang mukha mo," lumapit ito sa akin na napataas ang kilay.
"Daldal mo." Walang ganang tugon ko.
Naupo ako sa single sofa, nanlalaki na lang ang aking mga habang pinapanood siyang feel na feel na magpunta sa dining room. Kumuha siya ng juice na kakatimpla pa lang ni Manang at pinapalamig sa freezer.
"Papasok ka?" Pagtatanong niya ng makalapit sa akin dala ang isang baso ng juice.
"Yep," tumatangong sagot ko.
Isang tungga niya lang sa juice ay agad itong naubos. "Kaya mo na ba? Pwede naman kitang pahiramin ng notes kung sakaling nahuhuli ka or I can be your substitute teacher. What do you think?" Wika niya.
"No thanks," pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Wala akong matututunan sa 'yo kun'di kalandian." I rolled my eyes.
Pansin ko rin ang pabalik-balik na paglalakad ni Manang habang nakatanaw sa amin ni Dwight na nag-uusap. May ngiti ito sa mga labi na hindi mapuknat-puknat na akin namang ipinagtataka.
"Let's go." Tumayo na ako, ganoon din si Dwight na inaayos ang polo.
Napagpasyahan ko na lang na pumasok na sa University para naman hindi maburyo rito sa mansion na puro na lang cellphone ang aking kaharap.
"Hindi pa rin kayo nag-uusap ni insan?" Tanong niya. Nakasunod siya sa akin papunta sa parking lot.
Malalim akong humugot ng buntong hininga bago tumigil sa paglalakad at saka siya hinarap. "Hindi pa," dismayadong iling ko sa kaniya.
"Mag-usap na nga kayo," may pinalidad sa tono niya.
"Later." kibit balikat na tugon ko.
Wala sa sariling sumakay ako sa aking sasakyan. Napagdesisyonan naming mag-convoy na lang tutal may dala siyang sasakyan na sa hindi kalayuan niya ipinarada. Ang dami kasing alam, pwede namang dito na lang sa harap ng mansion iparada.
Mabilis kong pinaandar paalis ang sasakyan na gamit ko. Nasa may likuran lang ang sasakyan niya't nakasunod sa akin. Nang makarating ay agad akong nagtungo sa room para tumambay.
"Yow! Vice pres and woah! Pres!" Bungad sa akin ni Khalil, kasama niya si Daniel na agad na dinadaldal si Dwight.
Nakita ko pa sa gilid ng aking mga mata ang pag-ambang lapit ni Bridget. "I smell something fishy," lumaki pa ang butas ng kaniyang ilong at lumapit sa akin.
"Tigilan mo nga ako." Mahinang tulak ko sa kaniyang noo.
"May assignment ka na ba? Pakopyahin kita hihi." Sabi niya at dinugtungan pa ng hagikhik.
BINABASA MO ANG
Our Section's Forbidden Rule
Teen Fiction[COMPLETED] » Teen Fiction Dwight Nicolai Vendivil, the president of the section Jade. Responsible, firm and strict, however, he has a soft spot towards his classmates. Towards the whole section Jade. Tinitingala siya ng lahat. Maraming nahuhumalin...