Chapter 12
Agree
"Kinakabahan ka? Drink some water," sabi ni mom.
Nandito kami ngayon sa harap ng pintuan nitong aking magiging room dito sa US. Rinig ko mula rito sa labas ang ingay na nagmumula sa loob ng room. Nagtatawanan, sigawan at boses ng teacher na nagtuturo.
Tatlong araw na ang nakalipas simula ng makarating kami rito at ang masasabi ko lang ay maganda. Walang Soyuqi na mang-aaway, Jem na mang- iirap, at Dwight na manggugulo sa aking sistema.
"Mom, what if ayaw nila sa akin?" Biglang tanong ko kay mom na nakikipag-usap na sa magiging teacher ko.
Wala naman akong dapat na problemahin dahil hindi nila ako naiintindihan. Nakakatawa kasi parang ang unique ko tingnan kaso ako lang ang makakaintindi ng mga sasabihin ko.
"They will surely welcome and love you here, sweetie." Mom said.
Kumunot ang noo ko. "How po eh bago lang ako tsaka hindi pa po ako gaanong fluent sa english, mom." Nakangusong wika ko.
"Kaya ka nga mag-aaral duh," tugon ni Soyuqi.
Nanlalaki ang aking mga matang nakatitig sa kaniyang nakasandal sa may railings. Pinagmasdan ko ang kaniyang kasuotan at doon ko lang napagtantong dito rin siya nag-aaral.
Paano nangyareng dito siya nag-aaral? Lumipat? Gosh! Akala ko pa naman mawawala na ang isang ito sa buhay ko. Hindi pa pala!
Nakangiti si mom sa akin habang pinagmamasdan ang reaksyon ko. "Oh look, may friend ka na agad!" Masayang aniya.
Napangiwi ako habang pabalik balik ang tingin sa kanilang dalawa. Nakangisi sa akin si Soyuqi habang si mom ay muling nakipag-usap sa teacher kong nalilito na. Huh! Hindi niya kami naiintindihan!
Nakasuot ito ng black slacks and white top na nagsisilbing uniform nila at pinatungan naman ng black blazer jacket. May mahaba itong itim na buhok na bumagay sa kulay niyang pale skin. Hindi siya mukhang teacher dahil mas mukha siyang students. Ang kinis ng mukha nito na parang alagang-alaga ng Belo! Kung wala lang siguro siyang uniform pang teacher ay baka napagkamalan ko siyang isang senior high.
May suot pa siyang malaking eyeglasses na hindi ko alam kung may grado ba o wala. Kulay asul ang mga nito at kapag ngumingiti'y nakikita na ang dalawang dimple sa pisngi. Sana ganiyan din ako paglaki!
"Yes, we will take care of your daughter. I just hope that she's not that stubborn when we reprimanded her." Natatawang sabi ng teacher.
I'm not pasaway kaya!
Mahinang natawa si mom na ikinataas ng kilay ko. Si Soyuqi naman ay may ngisi pa rin sa labi habang nakatingin sa langit. Gosh!
"Ano na po?" Naiinip na tanong ko kay mommy.
Bumaling siyang muli sa akin. "Pagbutihan mo ang pag-aaral mo," she smiled at me.
"Yeah, I know." Bored na tugon ko.
Nakita ko ang pagpasok ni Soyuqi sa room kung saan ako papasok. Napabuntong hininga na lang ako habang nakikinig sa sinasabi ng guro sa aming dalawa ni mommy na tango lang ang tugon.
My mom's really love those kind of fan stuff. Paypay dito, paypay doon. Ang lamig pero palagi niyang dala ang pamaypay niyang kapag binuka'y bulaklakang design ang makikita at kalansingan ng maliliit na pearls mula rito ang maririnig.
Humarap sa akin 'yung teacher at matamis akong nginitian. "Hi, I'm teacher Taylor! What's your name, kid?" Nagagalak niyang wika.
Wala akong magawa kun'di ang magpakilala na rin dahil nakataas ang kilay sa akin ni mommy. "I'm Febie Ann Gacer! It's nice to meet you, Ma'am Taylor." I smiled at her.
BINABASA MO ANG
Our Section's Forbidden Rule
Novela Juvenil[COMPLETED] » Teen Fiction Dwight Nicolai Vendivil, the president of the section Jade. Responsible, firm and strict, however, he has a soft spot towards his classmates. Towards the whole section Jade. Tinitingala siya ng lahat. Maraming nahuhumalin...