Chapter 20
Rules
Nakahalukipkip ako habang nakatingin kay Dwight na patuloy pa rin sa pagbabato ng mga tanong sa akin. Kahit walang connect sa pinag-aaralan ay tinatanong na rin!
"What's the tagalog of Mathematics?" He asked.
I rolled my eyes. "Matematika, duh?" I smirked at him.
"The other one," he smirked back to me.
"Is that kasama sa mga topic? Wala akong natatandaan na kasama ang mga 'yan." Nakangiwing sabi ko.
He brushed his hair using his right hand. "Kasama 'yan kaya nga tinanong ko 'di ba?" Nakangising sambit nito at lumabas ang mga ngipin na pwede nang i-model ng Colgate.
"Ah, okay." Tanging tugon ko. Binalingan ko ng tingin ang kaniyang mga notes bago siya muling tiningnan ng walang makuhang kasagutan.
Pinapahirapan niya lang ako!
"Hmm?" He innocently asked.
"Matematika nga." Pagpupumilit ko sa aking sagot.
Kumunot ang kaniyang noo at halatang tuwang-tuwa siya na naaasar ako. Napasipol pa ito habang pinagmamasdan ang determinasyon sa 'king mukha.
"Nah." Natatawang umiling siya.
"Ano nga? Pinapatagal mo pa," naiinis na saad ko.
"Sipnayan." Simpleng sagot niya.
Not familiar.
"Let's move on to..." He glanced at me for the first time without any expression.
My heart beats fast. Parang may mga paru-parong nagliliparan sa aking tiyan sa klase ng kaniyang pagtingin sa akin.
Tumikhim ako para mawala ang mga ito. Lason!
"Let's talk about us." Sambit nito na nagpataas sa aking mga kilay.
"What do you mean?" I asked.
"Magpalitan tayo ng mga tanong tungkol sa mga aralin at kapag hindi nakasagot ay may consequences." Wika niya.
"And what's the consequences... if ever na hindi makasagot?" Pagtatanong ko.
Mahirap na baka mamaya gusto niyang magpa-autograph sa 'kin, hindi pa ako ready. Bagong polished pa lang ang nails ko baka masira.
"You'll ask another question but..." Pabitin niyang sabi. "About naman sa kahit anong gustong mong itanong." Dugtong niya. Nakatiim bagang itong nakatitig sa akin na hindi makatitig pabalik.
Kung isang klase ng ice cream siguro ako ay kanina pa ako natunaw sa titig niyang walang halong kurap. Nagdadalawang isip pa ako kung papayag ba o hindi dahil sa baka mga personal na katanungan ang ibato niya.
"Too personal tsk." I tsked.
Nanlaki ang mga mata niya. "Hindi naman," pagtanggi niya.
"Ah talaga?" Nakataas kilay na tanong ko. "Sige, sino 'yung babaeng kasama mo sa restaurant noong... nakaraan? Sagutin mo nga." Puno ng sarkasmong tanong ko.
Napasinghap siya na animo'y hindi makapaniwala sa naging tanong ko. May mumunting mga ngiti pa ito sa labi habang nagtataas baba ang mga kilay sa akin. "Nagseselos ka ba?" Nakangising tanong niya.
Napahawak pa ako sa aking dibdib habang nakatingin sa kaniya na may ngisi sa mga labi. "Sira ulo ka ba?" Banat ko.
"I'm not but based on what I've seen hmm... you looked like a jealous women of mine." Kibit balikat niyang tugon.
BINABASA MO ANG
Our Section's Forbidden Rule
Teen Fiction[COMPLETED] » Teen Fiction Dwight Nicolai Vendivil, the president of the section Jade. Responsible, firm and strict, however, he has a soft spot towards his classmates. Towards the whole section Jade. Tinitingala siya ng lahat. Maraming nahuhumalin...