Chapter 13
Debate
"Hmm?"
Nakaupo ako habang sina mom naman ay may pinagkaka-abalahang reports tungkol na naman sa aming business dito sa abroad.
"May debate po kasi kami..." Wala nang paligoy-ligoy pang sabi ko.
Napataas ang ulo ni dad at mataman akong tinitigan. "About?" Muli siyang nagbuklat ng makapal na libro. Inaayos niya pa ang suot niyang anti radiation glasses na kabibili lang noong isang araw.
Parang gusto ko tuloy hiramin dahil ang ganda nito. May camera sa gilid, parang bagay sa akin. Mahiram nga sa susunod baka bilhan pa ako.
"Death penalty po," tugon ko.
Doon na tuluyang tumigil sa pagbabasa ang dalawa at nagkatinginan pa na parang alam na nila ang kanilang mga isasagot.
"Agree ako," mommy said.
"Disagree here," wika ni dad na nagpataas sa kilay ni mommy.
Si dad na ang nag-iwas ng tingin at sa akin bumaling. "What did you get? Agree or disagree?" Pagtatanong niya.
I cleared my throat. "Agree po," sagot ko. Ang nakasimangot na mukha ni mom ay napalitan ng kompyansa.
"That's great!" Nakangiting saad ni mom. I smiled at her. Sa wakas may makakapag-advice sa akin tungkol sa aming topic!
"But disagree is the easy win defense." Wika ni dad na nagpatigil sa kasiyahang namumuo sa kalooban ko.
Pasiring na tiningnan siya si mommy. "Why do you keep saying disagree ba? Mayaman o mahirap, deserve ng mga victims ang justice." Pag-irap niya sa hangin.
"And how about those innocent people na napagbintangan lamang sa krimeng hindi naman nila ginawa?" Muling sabi ni dad.
"I meant sa mga may mabibigat na kaso like killing, rapes, ambush, etc..." She rolled her almond eyes.
"That's the point, hun. Hindi ako agree, why? maraming namatay kahit wala silang kasalanan and what? Kapag napatunayan ba na wala talaga silang sala ay mababalik ng mga taong nagluklok sa kaniya o kanila 'yong mga buhay nila? Syempre, hindi." Dad said. He let out a sighed.
Mom groaned. "And how about those criminals who has done alot of crime that a ten or more sentence on jail isn't enough." Mahinahong wika ni mom.
Ang angas naman pa lang mag-debate ng mga matatalino. Mahihinahon lang sila tapos ang bilis pang mag-isip ng mga sasabihin. Anak naman nila ako pero bakit feeling ko hindi man lang ako naambunan ng kahit kaonting katalinuhan ni mom and daddy?
At least may honor ako! Humihinga, buhay, next year patay!
"Wala tayong karapatang pumatay o magpanukala ng batas para pumatay. Hindi naman kasi maitatama ng isang pagkakamali ang isa pang pagkakamali. Bakit tayo a-agree? Why don't we just see how they suffer?" Makahulugang sabi ni dad.
Mom flipped her hair and raised her eyebrows. "Sapat bang kulungan lang ang maging kaparusahan nila? Paano ang mga taong nabiktima?" Humugot siya ng malalim na hininga. "Ang mga taong nasiraan ng buhay, mga taong nawalan ng pag-asang mabuhay? Paano naman sila? Maraming naaakusahan, sang-ayon ako r'yan pero hindi ba't lilitisin muna sa husgado ang mga taong kasangkot sa bawat krimen ng mga demonyong tao?" Pagbabato niya ng sagot kay dad na napailing-iling.
Oo nga naman!
Para akong nanonood ng debate. Debate ng aking mga magulang na parang walang gustong magpatalo. Isa ba namang topnotcher at top sa board exam ang pagsamahin jusme.
BINABASA MO ANG
Our Section's Forbidden Rule
Novela Juvenil[COMPLETED] » Teen Fiction Dwight Nicolai Vendivil, the president of the section Jade. Responsible, firm and strict, however, he has a soft spot towards his classmates. Towards the whole section Jade. Tinitingala siya ng lahat. Maraming nahuhumalin...