OSFR 08

106 9 0
                                    

Chapter 8

Operation

"May tao ba r'yan?!" muling tanong ng lalaki. Papalapit ito nang papalapit sa pwesto ko.

Please! Huwag kang lalapit sa 'kin. Ama, parang awa niyo na po, tulungan mo po ako. Huwag niyo po kaming hayaang mapahamak.

May humila sa akin na ikinanginig ng buong pagkatao ko. Akmang magpupumiglas ako nang marinig ang mahinang boses nito sa may aking tainga.

"Shhh." Bulong niya sa akin.

Lalapit pa sana ng husto ang dambuhalang lalaki nang may tumalong pusa na nanggaling sa aming tabi. Muntik pa akong mapatili sa gulat, mabuti na lang talaga at natakpan ng katabi ko ang aking bibig dahilan para hindi ako makagawa ng ingay.

Kinakabahan ako ng sobra dahil first time na mangyari ito sa tanang buhay ko!

"Pusa lang pala! Lintek na hayop 'to." Asar na singhal nung lalaki at unti-unti nang naglakad pabalik.

Hihinga na sana ako ng maluwag nang makitang ngumisi ito sa pwesto kung saan naroon ako. Kinilabutan ang buo kong pagkatao ng unti-unti itong naglakad papalapit.

Nakita niya ba ako? Narinig?

"Akala mo, maiisahan mo ako ha?" Mala demonyo itong ngumiti sa akin ng makalapit.

Nanginginig na ang mga tuhod ko ng hawakan niya wrist ko. Napatili pa ako sa gulat na hinaluan pa ng kaba. Nagpupumiglas na sinisipa ko ito sa pagkakalalaki pero hindi iyon umaabot sa kaniyang nakangisi.

Nasaan na ang kasama ko? Si Dwight? Nasaan siya?

"Huwag! Ipapapulis kitang hayop na panget ka!" Bumibilis na ang takbo ng aking paghinga.

"Pahihirapan mo pa ako," wika niya. Ngayon ko lang din napansin na panot ang gitna ng ulo nito.

"Ilabas mo ang kaibigan ko! Kakasuhan namin kayo!" Pagpupumiglas ko sa hawak niya.

Hinihila niya ako papunta sa kinaroroonan niya kanina. Hindi ko na rin makita ang mga kasama nito dahil sa namumuong luha sa aking mga mata.

"Dwight!" Malakas na sigaw ko. "Dwight! Argh! Dwight Nicolai Vendivil!" Matinis kong sigaw.

Napapikit na lang ako at nagpaubaya na sa paghila sa akin. Kapalaran ko na nga yata ito. Oras ko na ba?

Iniwan niya ako? Iniwan niya ako. He left... Did he just fucking left me alone here with these ugly duckling people?

"Hindi ka na ililigtas ng kasama mo." Malakas na tumawa ang humihila sa aking lalaki.

Nanlaki ang aking mga mata ng bigla itong matumba. "Ikaw ang hindi iniligtas ng mga kasama mo." Mariing sambit ni Dwight na nakatayo na ngayon sa harapan ko.

Napasinghap pa ako dahil sa may dugo ang gilid ng labi niya. "Akala ko iniwan mo na ako," humihikbing napayakap ako sa kaniya.

"I will never leave you." Masuyong wika niya.

Iginala ko pa ang aking mga mata at nagbabaka sakaling makita ang lalaking tumulong sa akin kanina. Nagtama pa ang mga mata namin. Nakakunot ang noo niya.

"Let's go," binitawan niya ang magkabilang pisngi ko at mahigpit na hinawakan ang aking kamay. Hindi naman sobrang higpit na nakakasakit, sakto lang.

"Nasaan na ang mga kasama nung lalaki?" mahinang tanong ko sa kaniya.

Mabilis na mahina kaming naglalakad sa madidilim na parte nitong eskinita. Wala pa pala kami sa mismong lugar dahil sa may pinakang dulo pa ito.

"I'll answer your questions later." Wika niya.

Our Section's Forbidden Rule Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon