OSFR 23

100 8 0
                                    

Chapter 23

Partner

Days past, naging maayos naman. Walang nagbalak na manggulo sa tahimik kong buhay. University, company at bahay lang ang aking napupuntahan. Minsan ay nagbabalak na bumalik sa rest house ni Dwight pero hindi makaya ng aking sistema dahil sa nahihiya ako sa kaniya. Wala akong magawa kun'di ang makinig sa kaniya na maging isang mabuting mamamayan na lang sa mundo.

Bakit nga ba ako sumusunod sa mga sinasabi niya? I should've mind my own business!

Nagising ako sa pagkakatulog mula rito sa isang sanga ng puno nang marinig ang pamilyar na boses mula sa malapit. Mariin akong kumapit sa isa pang sanga upang dumungaw sa may baba at doon ko nakita si Dwight na nakakunot ang noo.

"Hindi ka pa rin babalik?" Rinig kong tanong ni Dwight. Hawak niya ang kaniyang cellphone na nakadikit sa kaniyang kaliwang tainga habang humihithit ng sigarilyo.

What the hell? As far as I remember, he's only twenty!

"You don't have to..." Muli siyang humithit bago ito itinapon sa lapag at inapakan.

Parang ibang Dwight yata ang nakikita ko sa kaniyang kinikilos. Nakatagis ang bagang nito na animo'y galit sa mundo, magkasalubong na mga kilay habang malulutong na mura ang pinapakawalan sa mga labi.

Napakurap-kurap pa akong muli. Magulo ang kaniyang buhok at ang tatlong butones sa taas ng uniform ay nakabukas dahilan para makita ko na naman ang pulang maliit na tattoo niya rito.

"You should've help her! Damn it! She helped you when you need help and that's what she gets from you?!" Malakas niyang sinipa ang maliliit na bato na malapit sa kaniya.

Mahigpit akong napakapit sa sanga, kulang na lang ay yakapin ko na ito sa gulat at pangamba.

"Revenge for what? Bastard— what the heck are you doin' here?" Bulalas niya nang magtama ang aming mga mata.

I just looked at him.

"Bumaba ka nga riyan at baka mahulog ka pa." He commanded. Nakatingala siya at malamlam ang mga matang nakatingin sa akin.

"Why would I? Gusto ko rito." Taas kilay na tugon ko.

Kumunot ang noo niya. "Talon ka, I'll catch you," umasta pa itong sasambutin ako mula rito sa taas.

"Ayoko." Pagpupumilit ko.

Mariin siyang napapikit at humawak pa sa sintido habang nakapamay- awang. Ang dali niya talagang magalit!

"Come on," nag-isang guhit ang kaniyang bibig.

"Ikaw na lang kaya ang umakyat kung gusto mo rito." I rolled my eyes at him.

"Fine!" Mabilis niyang tugon.

Napangiti pa ako habang pinagmamasdan siyang umakyat. Hindi naman mataas ang punong tinatambayan ko kaya madali na lang ito sa kaniya. Hahawakan niya pa lang ang isang sanga ng mapabaling ang aking mga mata sa isang grupo ng kababaihan.

The queen of scandalous girls is here. 

"Dwighty! What are you doing?" Malakas na sabi nito.

Hindi naman siya pinansin ni Dwight na abala pa rin sa pag-akyat. Nagtama ang aming mga mata ni Akiszha, kasama niya na naman ang wannabe vice president ng Jade. Gosh! May magaganap yatang sampalan today.

"Isusumbong kita kina tita once na hindi ka sumunod sa akin!" Muling isang malakas na boses ni Akiszha.

Nagbubulungan na ang mga kasama niyang mga mukhang clown sa sobrang puputi at pupula ng mga mukha. Hindi pa pantay ang mga blush on!

Our Section's Forbidden Rule Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon