Chapter 32
Revelation
Dalawang araw na ang nakalipas simula ng magising ang matanda na nagsasabing "lolo" ko raw. Kahit na anong tawag sa akin ng mga nurse niya'y hindi ako pumupunta sa room na inilaan para sa kaniya. I'm still waiting for the test to make sure na hindi niya ako niloloko at pinapaniwala lamang.
"Hindi mo ba pupuntahan ang lolo mo?" Pagtatanong ni Soyuqi na kasama ko rito ngayon sa room.
Makalipas kasi ng isang araw na pamamalagi sa hospital ay pumasok na ako't alam kong nahuhuli na ako sa mga school works. Tulad ngayon, naghahabol ako sa mga performance task na kulang na lang ay nagpabalik- balik kaming dalawa nitong kaibigan ko sa bookstore.
"I want the DNA test first." Nagbubuklat ng librong tugon ko.
Bored siyang tumingala sa akin. "What if totoo nga ang mga sinasabi niya?"
I silently patted her shoulder. "Tulungan mo na lang akong gumawa para matapos na ito at hindi 'yung puro ka daldal d'yan." I glared at her.
"Tinutulungan naman kita," she showed the glitters on the table na nagkalat na sa kaniyang kamay. "Ang tahimik lang kasi mas'yado kaya dapat daldalin ako para hindi maboring or antukin." Pagpapaliwanag niya.
"Talaga? Sige." Tanging tugon ko at nagpatuloy nang muli sa paggupit ng karton.
Wala pang ilang minuto ng muli siyang magsalita. "What if si ka-related mo pala ang isang taong kinaiinisan mo? Anong gagawin mo?" Seryosong nagdidikit siya ng mga decoration sa book cover.
Napakunot ang noo ko sa naging biglaang tanong niya. "Related? What do you mean?" Takang tanong ko.
"Family related gano'n." Kibit-balikat niyang tugon.
"Okay lang. As long as hindi sila nagiging way or humahadlang sa mga ginagawa ko." Simpleng sagot ko.
"Weh? Baka naman sinasabi mo lang iyan para—"
I stopped cutting as I looked at her. "I mean it. Ayokong magsayang ng oras sa mga taong ayaw sa akin. Hello? I'm matured enough to handle myself." I rolled my eyes.
"I hope all." Wika niya.
Napakagat ako sa labi ng tingnan siya. "Kumusta kayo ng aso mo?" I asked.
Ang kaninang bored niyang mukha ay naging madilim. Nagtatagis ang bagang niyang umiwas ng tingin sa akin. "Pabayaan mo 'yon. May saltik yata sa utak ang ex kong tulad niya." Buntong-hininga niyang aniya.
"Anong ginagawa niya sa sasakyan noong ni-rescue kami?" Pang-uusisa ko pa.
Natigil siya sa paggawa ng mga papel na bulaklak at naniningkit ang mga matang tumitig sa akin. "Sabi ng hindi tsismosa, o." Sarkastikong umubo siya.
"I'm not tsismosa kaya," Palo ko sa kaniyang balikat. "I'm just asking." Dagdag ko pa.
"Sige, ipaglaban mo 'yan." Natatawang tampal niya sa kamay ko.
Tumigil kami sa pag-aasaran at nagseryoso na sa paggawa ng scrapbook ko. Naki-sit-in pa nga ang loka para matulungan ako ngunit parang nandito lang siya upang daldalin ako.
Nagpasukan na ang ilan kong kaklase na kakagaling lang sa cafeteria, may kaniya-kaniya silang usapan kaya pinabayaan ko na lamang. Hindi na rin naman nila pinuna pa ang katabi kong si Soyuqi na pinagtataasan sila ng kamao.
Mayamaya pa ay lumapit na si Princess na masama ang tingin sa aking kaibigan na nakangisi at kinikindatan siya. Hindi na yata nakapagpigil pa. "Vice Pres, why is she here?" Iritang turo niya kay Soyuqi.
BINABASA MO ANG
Our Section's Forbidden Rule
Teen Fiction[COMPLETED] » Teen Fiction Dwight Nicolai Vendivil, the president of the section Jade. Responsible, firm and strict, however, he has a soft spot towards his classmates. Towards the whole section Jade. Tinitingala siya ng lahat. Maraming nahuhumalin...