OSFR 10

107 8 0
                                    

Chapter 10

Sorry

Nakayuko lang ako habang pinaglalaruan ang aking mga daliri. Muling nagtama ang mga mata namin ni dad ng i-angat ko ang aking ulo na agad ko rin namang niyuko.

"I'm sorry," tanging sagot ko.

Walang naririnig na ingay kahit paghinga ko'y aking pinigilan sa takot na makagawa ng ingay. Nag-angat ako ng tingin kay mom na walang imik na nakatingin sa akin.

"Mom, I'm sorry po," nagsusumamong wika ko.

Sa bilis nang kabog ng aking dibdib ay napainom pa ako ng tubig. Wala pa ring imik sina mom at dad na halos ikinangiwi ko.

"What was that for, Febie Ann Gacer?" Si Mommy na naglalagay nang rice sa plato ni Dad.

I once blinked again. "I like him—"

Napapitlag pa ako sa gulat ng tapikin ni dad ang lamesa. "You like him so, you kissed him?" May diin ang bawat salitang tanong niya.

I bit my lip. "Yes, but I know that I love him!" Mabilis na agap ko. Muli akong nag-iwas ng tingin sa dalawa. Napatanga si Mom habang si Dad naman ay hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon. Si Manang Delia na nakikinig ay napasapok sa noo.

"You said you like him then now... you already love him? Are you fooling us?" mariing sabi ni Dad at uminom ng tea.

Napailing ako. "I love him." Matapang na wika ko.

Si Dad na umiinom ay naibuga ang tea samantalang si Mom na nakatunganga ay halos malaglag ang panga sa aking sinambit. Napainom naman ng tubig si Manang habang may binubulong-bulong sa sarili.

"I don't know how... I like him the first time I saw him and habang tumatagal po, I fell." Pikit matang sabi ko.

"That's bullshit! How? Huh, Yannie?! You're just a fucking fifteen years old!" Tuluyan nang napatayo si Dad. Si Mommy ay tumayo na rin at hinawakan sa braso si Dad. Ako naman ay nakaupo pa rin at hindi na muli pang nagsalita.

"You're just a teen year old girl who wants to play! Hindi dapat tao ang pinaglalaruan mo ngayon! Manika dapat! Libro! Mag-aral ka... hindi ka ganiyan, Febie!" Sunod-sunod na sabi ni dad na nagpakagat sa aking labi.

Kapag ba nagmahal ako kahit na ganito ang edad ko'y hindi na pwede? Hindi ba ako pwedeng magmahal? Can't I love someone else? Parang sinampal ako ng katotohanan sa mga naririnig.

"Bata ka pa para sa pagmamahal na sinasabi mo. Naiintindihan mo ba?" Masuyong wika ni Dad. Hindi ako sumagot dahil ano pang sasabihin ko? Baka mas lalo ko lang silang galitin.

He tapped my right shoulder. "Hindi ka pa pwede sa mga ganiyan. Bata ka pa, baby ka pa namin ng mommy mo kaya makinig ka sa akin." May pagsusumamong sabi pa ni Dad. Lumuhod siya sa harapan ko na ikinalaki ng aking mga mata.

"Sir!"

"'Dy! Come on,"

"Dad," kumikibot na ang aking mga labi habang nakatingin sa kaniyang nakaluhod sa aking harapan.

Hinawakan niya ang aking mga kamay. "Mangako ka sa akin na kahit mawala ako'y hindi ka magbo- boyfriend unless... you're in the right age already or a college graduate." He touches my cheeks. "Bata ka pa, anak, marami ka pang hindi nalalaman sa mundo... mag-aral ka muna, tutulungan ka namin ng mommy mo. We'll guide you hanggang sa kaya mo na ang sarili mo." Wika niya.

Hindi ba matapang ka, Alyanna? Hindi ba malakas ka? Hindi ba pasaway ka? Bakit hindi mo ipakita ngayon? I can't. Wala akong karapatang magalit o magreklamo sa kanila dahil mga magulang ko sila. Ginagawa lang nila ito para sa akin. Sa akin na pilit na pinapainit ang ulo nila.

Our Section's Forbidden Rule Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon