Chapter 54: Friend-on-Friend Conversations

143 7 1
                                    

2 days later...

Annaliese

Nandito ako ngayon sa school dahil DAY 2 ng aming finals week. At ilang linggo na lang, moving up at graduation na namin. Goodbye Grade 11 talaga, and hello to Grade 12!

Mabilis ang oras, and it's already our lunch break. Nasa cafeteria ako today habang naga-review for my next schedule. And as usual - wala akong kasabay dahil halos lahat ay either nage-exam pa or sa 7ELEVEN sila kumakain.

Malapit ko na maubos yung baon ko when I overheard some students talking, lalo na tungkol eto kay Daddy Marcos— este... ugh! Whatever!

"Uy! Napanood mo yung interview ni BBM?"

"Oo. Yung kay Toni Gonzaga?"

"Hindi! Yung kay Gladys! Kahapon pa nga nila naipalabas, eh!"

"Wuy! Hindi pa! Teka— bago?"

"Nope. Replay yun. Nainterview siguro yan nung 2019 or something."

"Ganun? Sweet! Saang show yun?"

"MOMents ng NET25!"

Teka. Did I heard it right? May interview etong Daddy ko kay tita Gladys Reyes dati? I didn't know that. Papanoorin ko nga yan right after ng hectic week na 'to! Mukhang may magbi-binge watching ang bebe ninyo.

"Eto yung na-screenshot ko kahapon!"

"Luh! Ang cute! Kasama pa talaga dyan si Simon?"

"Uh-huh!"

My brows furrowed from what I heard. Teka. May anak na lalaki din etong Daddy ko na ang pangalan niya ay Simon? Simon Marcos? So this means... KUYA? MAY KUYA NA AKO? Huhuhu. 😭

Hayst. Ever since bumisita etong Daddy ko nung mga nakaraang araw ay 'di ko maiiwasang mafefeel ng mga eto: saya, guilt, galit, all-in-one.

I mean, sure - nandyan pa rin yung galit ko dahil ambabaw naman ng dahilan niya kung bakit pinili niya akong paiwanin kina Daddy E. Pero 'di ko kaya na habambuhay kong itatanim 'to; dahil hindi lang na lalo akong makokonsesnya, babaligtarin man ang mundo, siya at si ma'am Liza pa rin ang mga totoo kong magulang.

Lalo na nung pinag-effort pa ni Daddy Marcos na makabawi - kahit na super busy nga eto since magiging Presidente na siya ng buong bansa. Wow. Just... wow.

"Alam ko 'di eto madali para sayo, but I'm willing to wait - even if it takes years or my death to seek for your forgiveness."

Gosh. The way he said these words before he went back home are just too genuine that pricked my heart. Is it just me? Or marupok lang talaga ako pagdating sa kanya? 😭

Tsaka, pinanghawakan ko pa rin na lahat ng bagay may dahilan; at bahagi eto ng plano ng Diyos para sa akin. But as I said, anlabo. Siguro ganun talaga yun sa umpisa...

"Huy!" called by a familiar voice with its fingers snapping in front of me.

Balik sa reality yung presence of mind ko when I saw Reese. "O-oh... i-ikaw pala yun." I gave her a light smile.

Napabuntong-hininga siya sabay umupo naman sa harapan ko, "Ayan ka na naman. Girl. Isang buwan ka nang ganyan. Nakatulala na parang anlalim ng iniisip mo. Okay ka lang ba?" tanong neto.

I placed my elbow on the table and rested my chin on my palm, "Ang hirap ikwento, Reese." I reasoned out for the nth time - I don't know.

Where My Heart Lies BetweenWhere stories live. Discover now