🍷o n e🍷

89 6 0
                                        

Pagkatapos ng break up namin ni Ryle, sumabog kaagad ang newsfeed ko, puno ng pambabash ang natanggap ko online. May mga nagme-message pa ng threats dahil sinaktan ko raw ang isa sa mga heartthrob na volleyball player. I expected this to happen.

Blinock ko na lang sila isa-isa at hindi ko na lang pinansin.

Kasalukuyan akong nakaupo sa gilid ng classroom, malapit sa bintana, at tanaw ko mula roon ang ground kung saan nagte-training ang mga campus soccer players.

Not gonna lie, pero marami ring pogi sa field na iyon. Puwedeng... isa sa kanila ang next target ko. Or maybe I'll rest for a week before I play my part again.

Natigil ang pagpapantasya ko sa mga naglalaro nang may pumasok na ambulansya mula sa main gate-kitang-kita ito mula sa kinauupuan ko. Napahinto rin ang mga nagsa-soccer at natuon ang atensyon sa ambulansya na agad umagaw ng pansin. Bihira kasing makakita ng ambulansya sa isang paaralan.

Ilang minuto lang, lumabas na rin ito, at balik laro ang mga soccer players. Napahikab na lang ako sa sobrang kabagutan. Wala kasi ang teacher namin for second subject-may meeting siyang pinuntahan, kaya we're all just waiting for the time to run.

"Nakita niyo na ba 'yun?"
"Oo... grabe..."
"Alam niya ba?"
"Ewan, parang hindi pa. Sabihan kaya natin?"

Napalingon ako sa mga katabi kong kaklase nang marinig ko ang bulungan nila. Ayokong makialam, but they're making me curious about their topic, as if... it's about me.

Sabay silang napatingin sa akin, kaya napaangat ang kilay ko.

"What?"

"Ano ba, ikaw na magsabi!"
"Bakit ako?"
"Sige na!"

"Stop making a fuss and just tell me what the three of you are talking about."

"Ah, kasi... hindi mo pa ba nakita, Azalea?"

"Nakita ang alin?"

Nagdadalawang-isip pa ang kaklase ko pero binigay niya sa akin ang phone niya. Isang larawan ang nasa screen, pinost five minutes ago. Isang duguang lalake ang nakahandusay sa sahig, suot ang parehong uniform ng campus namin. Zi-noom ko ang picture kasi hindi ko maaninag ang mukha. Natigilan ako nang makilala kung sino ang lalaking iyon.

"R-Ryle?"

"Kakasend lang 'yan mula sa kabilang section. Kinuha na siya ng ambulansya kanina."

Hindi ko alam pero kusang nangamba ang buong sistema ko. Halos lahat ng kaklase ko ay nakialam na rin sa balita, at halos lahat sila ay nakatingin na sa akin.

Their eyes kept on looking at me as if... it's my fault.

"NASAAN SIYA?!"

Naalarma kaming lahat nang may biglang sumigaw mula sa pintuan ng classroom namin.

"SAAN ANG BABAENG 'YON?!"

Napatayo ako nang mamukhaan ko ang babaeng galit na galit, inaawat ng mga kasamahan niya habang nakakapit sa pinto namin.

As far as I remember, she's Rein Santiago-Ryle's older sister.

Napunta ang tingin ni Rein sa akin at biglang tumalim ang tingin niya.

"Y-YOU... BITCH!"

Tumakbo siya papunta sa akin at ang tanging nagawa ko lang ay tumayo roon, tila hindi ko alam ang gagawin. Nang makalapit siya, napasigaw na lang ako nang hilahin niya ang buhok ko.

"YOU FVCKING BITCH!"

Shit! My scalp!

"Awatin niyo!"
"Stop them!"

That Playgirl's Karma Where stories live. Discover now