Nakaramdam ako ng ginhawa nang makalabas na rin kami sa mistulang maze na lugar. Hindi iyon mangyayari kung hindi dahil sa kaniya. At para mas ligtas na talaga, luminga-linga ako sa likod dahil baka may nakasunod pa sa amin. Sa hindi sinasadyang paglingon ko ay natamaan ko ang likod niya dahil huminto rin pala siya.
"Sorry."
Hinimas-himas ko ang aking noo dahil medyo humapdi, parang bakal kasi ang likod niya. Pero bakit ba kasi siya huminto?
Nang nakiusisa ako sa harap niya, ay namangha ako sa ganda ng motorbike sa harap. Isang itim na retro motorcycle ang kaharap niya.
Kinuha niya ang helmet na nakasabit doon, tinanggal ang suot niyang sumbrero, bago sinuot ang helmet na ngayo'y tumakip sa buong mukha niya.
"Sa 'yo 'yan?" sabay turo ko sa motor.
Tumingin lang siya sa akin bago muling binaling ang tingin sa motor at sumakay na. Suplado.
Nakatayo lamang ako sa gilid niya, pinasadahan ng tingin ang kaniyang motor.
"Sakay na."
Taas kilay akong tumingin sa kaniya, hindi maintindihan kung bakit inalok niya akong sumakay.
"M-Maglalakad na lang ako." Tama, maglalakad ako pauwi. Sino ba siya? Baka ang totoo, ibenta niya ako.
Hindi ko man makita ang mata niya pero alam kong tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Problema niya?
"You look too messy to walk, I guess."
Napakurap ako sa mga sinabi niya. Grabe siya.
Pinasadahan ko rin ng tingin ang buong katawan ko, t-shirt na nagusot, short na madumi, at walang suot na sandals.
Well, I guess he was right. I am too messy to walk alone.
Nahihiya at naiilang man ako sa estrangherong ito, ay sumakay na lang ako. Nagdadalawang isip ako kung saan ako hahawak, sa motor ba, sa balikat, o sa beywang niya.
None of the above.
Sa coat niya ako humawak.
"Sa Metro Mall mo na lang ako ibaba," saad ko sa kaniya bago niya sinimulang ipaharurot ang motor.
Malamig na ihip ng hangin ang dumapo sa katawan ko at nililipad ng hangin ang aking buhok. Base sa kalangitan, malapit nang mag-umaga at sa loob ng ilang oras na iyon ay walang ibang nangyari kun'di kamalasan.
Malapit na kami sa Metro Mall pero huminto ang motor niya ilang metrong layo pa sa mall.
"A-Ah, nandoon ang Metro Mall," sabay turo ko sa kaniya sa mall na bukas 24/7. Sa tingin ko, hindi niya alam kung saan ang mall kaya tinuro ko na lang.
Pero hindi niya pinansin ang sinabi ko.
"Sabi ko, nandoon pa banda ang mall-"
"Yeah, I know. Get off first." Wow.
Medyo arogante pala 'tong kaharap ko.
Kaagad akong bumaba gaya ng sinabi niya.
Pero minamalas nga naman...
"Putang-" napamura ako nang hindi ko napansing natapakan ko pala ang maputik na parte ng lupa.
Napuno ng putik ang mga paa ko at naramdaman ko ang lapot nito.
Argh, kainis! Anong karma ba 'to?!
"Don't move."
"Ha?"
Hindi ko maintindihan ang lalaking ito kung bakit sinabi niyang huwag akong gumalaw-SHET!
Napasigaw ako nang bigla niya akong buhatin nang walang pasabi!
YOU ARE READING
That Playgirl's Karma
Mystery / ThrillerShe played with hearts like toys until karma played back. Azalea Louise Gutierrez, known as the campus playgirl, never expected her charm would lead her into chaos. After breaking up with Ryle Santiago, her ex becomes the victim of a shocking campus...
