13 years ago...
"Unica hija, alagang-alaga ng mga magulang."
"Mabait lang din naman, nakalaro 'yan ng anak natin nakaraang araw."
"Talaga? Felix, nakalaro mo si Azalea?"
Ang batang nakaupo sa sahig habang naglalaro ng kaniyang laruan ay napatingin sa kaniyang ama at ina na kasalukuyang nagluluto sa kusina.
Ang mabibilog na mga mata ni Felix ay napaisip, "Aza?"
"Aza? Aza pala tawag mo sa kaniya, oo si Aza..."
"Opo, mahilig din po siya sa car."
Nagkatinginan ang mga magulang ni Felix at napangiti.
"Felix anak.."
Muling napahangad ang munting Felix nang tawagin siya ng kaniyang ama.
"Po?"
"Huwag mo awayin si Aza. Wag mo siya paiyakin, isusumbong ka niyan sa papa niya."
Tumango bilang sagot si Felix bago pinagpatuloy ang kaniyang paglalaro.
"Opo..."
Anim na taong gulang nang makilala ni Felix si Azalea na isang taong gulang na mas bata sa kaniya at isa ring unica hija sa pamilyang Guiterrez. Naninirahan sa maliit na parte ng mansion ang pamilya Alfanta, ang ama ni Felix na isang private driver ng pamilya Guiterrez at kasambahay naman ang ina nito sa mansion.
Isa na sa matagal at pinagkatitiwalaan ang pamilya Alfanta ng mga Guiterrez dahil na rin sa kabaitan at tunay na serbisyong pinapakita nila.
***
Sa malapad na damuhan, sa ilalim ng malaking puno, magkatabing nakaupo ang dalawang munting mga bata na sina Felix at Azalea.
"Buti nahanap natin siya."
Malumanay na hinahaplos ni Azalea ang isang hamster na nasa kamay niya, nawala ito kinaumagahan at sa tulong ni Felix ay nahanap nila ito sa may damuhan ng mansion.
"Buti rin hindi siya sinaktan ng aso ninyo rito, nakapagtago siya ng ligtas." saad ni Felix.
Napangiti ang dalawang paslit sabay himas sa mabalahibong hamster.
"Felix, kapag ako ang nawala, hahanapin mo rin ba ako?"
Napalingon si Felix kay Azalea na may kunot sa noo.
"At bakit ka naman mawawala?"
"Sabihin mo nalang kasi kung oo o hindi, ikaw talaga..."
"Syempre naman hahanapin kita, pero hindi ko rin hahayaang mawala ka."
Napangiti si Azalea bago ibinalik sa kulungan ang alaga niyang hamster.
"Kapag nawala ako hanapin mo 'ko, ah? Hihintayin kita."
"Pero mas cute pa rin ang hamster kesa sa 'yo."
"Hmf!"
"Joke lang!"
"Magpromise ka nga," itinaas ni Azalea ang kaniyang maliit na daliri at ganoon din si Felix, pinagdikit nilang pareho ang kanilang mga daliri kasama ang pangako nila sa isa't isa.
"Promise, Aza.. hahanapin kita."
...Pero mapagbiro ang tadhana, nagsimulang magbago ang takbo ng kanilang mga buhay...
Sa isang normal na umaga at sa malapad na mansion ng Guiterrez, isang malakas na putok ng baril ang maririnig sa buong paligid at doon nagsimula ang trahedya ng pamilya.
YOU ARE READING
That Playgirl's Karma
Mystery / ThrillerShe played with hearts like toys until karma played back. Azalea Louise Gutierrez, known as the campus playgirl, never expected her charm would lead her into chaos. After breaking up with Ryle Santiago, her ex becomes the victim of a shocking campus...
