🍷s i x🍷

39 5 0
                                        


Everything seemed unbelievable yesterday. From morning until dawn, I experienced a lot of burdens.

O sabihin na lang nating karma.

Kahit natatakot akong pumasok dahil baka makasalamuha ko ang lalakeng kumidnap sa akin sa bar, pumasok pa rin ako.

Madalas hindi matino ang utak ko at 'yon ang nakikita ng halos lahat ng tao, pero hindi ko itatangging seryoso ako sa pag-aaral.

Pagkatapos ng second subject namin, iba sa mga kaklase ko ang lumapit sa akin.

"Saan ka nagpakulay, Azalea?" Bakas sa mga mata nila ang ningning.

Hindi naman sa mahangin ako, pero halos sa mga kaklase ko, kahit ilang bagsak ng issue pa ang marinig nila tungkol sa akin, papansin at papansin pa rin sila sa akin. Ewan ko anong nakain ng mga 'to. Still... I am thankful, a bit.

"I dyed it on my own," pangiti kong sagot.

Nagulat ang mga mukha nila. "Talaga?! Grabe, parang sa salon lang. Bagay sa'yo..."

Parang na-immune na sa mga issue ko itong mga kaklase ko, eh.

Natapos ang isang araw na may natutunan naman ako, and as usual, marami pa rin ang tumitingin sa akin. Puno ang utak ko ng nakakastress na mga pangyayari kaya imbes na isipin ko ang mga matutulis na tingin nila, inisip ko na lang na masyado akong attractive at mataas ang charisma kaya napapatingin sila sa akin.

Well, it works.

Pagbaba ko ng hagdan, may biglaang bumangga sa akin kahit malaki naman ang space sa kabila.

"Hey!-" kaso paglingon ko ay mabilis itong nawala. Problema nun?

Pagbalik ko ng tingin, halos lahat sila ay nasa akin na ang tingin, higit sa lahat, gulat ang mga mukha nila.

Muli na lang akong naglakad pababa, pero napahinto ako nang makaramdam ng hapdi sa may beywang ko. Pagtingin ko roon ay ikinagulat ko, punit na ang suot kong uniform at higit sa lahat, may sugat ang aking beywang at tumutulo na ang dugo roon!

Putangina? Bakit may sugat ako?!

Dali-dali kong kinuha ang panyo sa bag ko at tinakip ito sa sugat. Nakikita na rin medyo ang aking bra dahil malaki ang pagkapunit ng uniform.

Buysit! Saan ako pupunta? I don't even have an extra shirt to wear, nor a friend on this campus to ask for help!

"T-Tabi, lumayo kayo!" Pilit kong tinatakpan ang tiyan kong nakikita, at napapangiwi na rin ako sa hapdi ng sugat.

But suddenly, someone covered my waist with a... hoodie..? I immediately looked at the person who tied the hoodie on my waist.

"Felix?"

He's wearing our uniform. You mean... he's still a student?! What on earth.. he looked like an agent in his 20s yesterday!

Ang gulat kong mukha ay mas nagulat pa nang hinawakan niya ang braso ko at dinikit ito sa katawan niya.

"Excuse us," seryoso niyang sabi sa mga taong nakiki-usisa.

Isa-isang tumabi ang mga tao hanggang sa nakawala na kami sa mga mata nila kaya hinay-hinay ko siyang tinulak, at nang mapansin niya yatang tinutulak ko siya, bumitaw siya.

"Ipagamot natin 'yan sa clinic," saad niya.

Tumango naman ako at pasikretong tinitingnan siya habang naglalakad.

Grabe ang transformation... parang alter ego niya 'yon. O baka estudyante sa umaga, agent sa gabi? Baka gano'n na nga!

Huminto siya sa tapat ng isang pinto, at doon ko napagtantong nasa clinic na pala kami.

Ilang minuto lang, tapos na rin akong gamutin. Bale, dalawa na ang bandage sa katawan ko-sa tuhod at beywang.

Nagmumukha akong nagco-collection ng sugat.

Suot-suot ko na ang hoodie ni Felix, at tinapon ko na rin ang punit kong uniform dahil namantsahan na rin ito ng dugo ko.

Paglabas ko, nakasandal lang si Felix sa may pader. Nang makita niya ako, umayos siya ng tayo.

"How was it?" he asked.

"Mahapdi, pero okay na. Ipapalaba ko na lang ang hoodie mo, salamat," sagot ko.

"Let's go."

Napakurap ako sa sinabi niya. Let's go?

"A-Ah, sasakay na lang ako ng taxi pauwi."

Tumingin siya sa akin pero hindi sumagot.

"I think I'm not that messed up to walk now..?" pagrarason ko.

Nang makasakay ako ng taxi, ganoon na lamang ang pagluwag ng ginhawa ko. Wala na yatang magtatangka sa'kin, 'no? Wala na ring susunod, diba?

Sumandal ako sa upuan at tinuon ang tingin sa labas ng bintana.

I felt bad for my pride.

Ikalawang beses na akong tinulungan ni Felix, ngayon suot-suot ko na ang hoodie niya, at higit sa lahat, binigyan niya ako ng isang calling card.

"Call me if you need help."

That's what he said before turning his back on me.

Hindi ko inakalang nandoon si Felix at tutulungan ako, pero kahit gano'n, may parte sa akin na hindi pa rin siya pinagkakatiwalaan.

I just know his name but not him.

But... maybe I can?

Pag-uwi ko sa condo, kaagad kong kinuha ang aking laptop at sinearch ang buong pangalan niya sa kahit anong social media platform.

Napangiwi ako nang ni isang account, wala siya.

"Baka dump account ang ginagamit nun?"

Or maybe my thoughts were right? That he's actually an agent? Then why did he help me at the bar?

Sinara ko ang laptop at napa-isip ng dahilan.

Was the guy who kidnapped me his target?

Let's say yes... then why did he also help me escape from the three manyaks?? Hindi naman yata target niya 'yun, mukha lang naman silang mga tambay sa gilid na walang magawa sa buhay.

Argh, my mind is too messed up to think right now.

Whatever. Whether he's an agent or not, good or bad, still.. I won't trust him.

Anyway... how on earth did I get this wound?

That Playgirl's Karma Where stories live. Discover now