🍷f o u r t e e n🍷

25 4 0
                                        


"So, iyon ang nangyari." Pinagsalikop ko ang aking dalawang kamay nang matapos ko na ring ikuwento kay Felix ang nangyari mula simula hanggang makalabas ako ng mansion.

I am still pissed about what they did to me.

"I don't think the butler is the one to be accused," ani Felix na nakasandal ang dalawang siko sa hita niya habang nakaupo kaharap ko.

Pinilantik ko ang aking kamay nang pareho kami ng iniisip.
"Exactly, I've been thinking about that earlier."

"But still, we can't say for sure. Maybe he is."

Buntong-hininga kong sinandal ang aking ulo sa sofa. Tama si Felix, puwedeng ang butler nga ang siyang suspek pero puwede ring hindi. In short, we're stuck in the middle because we lack evidence.

Saglit akong nagulat nang tumabi si Felix sa akin, at gamit ang likod ng palad niya ay hinawakan niya ang aking noo.

"You're hot. You're having a fever." Tumayo siya at pumunta sa kusina.

Saglit akong nagulat dahil wala naman akong sinabi sa kaniya.

Pero totoo, simula pa kanina sa party ay naramdaman ko nang may lagnat ako, kaya nakakagulat kung paano nalaman ni Felix na may lagnat ako. Wala naman akong sinabi sa kaniya. Masyado ba akong halata?

"It seems like a light fever," hinawakan ko rin ang aking noo, mainit nga.

"Light or heavy, it still needs to be treated."
He opened the cabinet where I kept my medicine kits.

There were lots of small containers, so I pointed to the right one.
"That blue one."

Bumalik si Felix, dala-dala ang asul na container. Pinapanood ko lang siya habang tinitingnan niya ang laman.

Kumuha siya ng tableta para sa sakit ng ulo at nilapag ito sa mesa.

Bakit pa ba nilapag? Pwede namang ibigay sa'kin.

Kinuha ko iyon sa mesa pero bago ko pa mahawakan nang tuluyan ay pinigilan niya ako.

What's wrong with him?

"Why? Am I not allowed to take this?"

"You are, but only after your dinner. You can't take that on an empty stomach."

Tumango-tango na lang ako bilang sagot at muling sumandal sa sofa.

Napansin kong may kinukulikot siya sa kaniyang kamay kaya nakiusyoso ako. "Patch?"

Anong gagawin niya sa patch?

Tinanggal niya ang wrapper ng pain-reliever patch at akmang ilalagay sa noo ko nang pigilan ko siya.

"Are you sure about that?" Nakahawak pa rin ang kamay ko sa braso niya.

"Don't you trust me?" Sarkastiko niyang sagot.

"Come on, Felix. I do, but... is the patch even necessary?"

"You've never tried this before?" Hinawi niya ang kamay kong nakakapit sa braso niya.

"Uh..." Inalala ko kung na-try ko na ba ito, pero wala akong maalala.

Maybe he's right. I never tried this. All I ever do when I have a fever is take medicine.

"Your silence means no." Walang pasabing dinikit niya ang patch sa noo ko at mahina pa itong tinapik.

"How is it?" he asked, not taking his eyes off me.

"It's... cool."

Literal na cool ang patch na ito, parang ina-absorb nito ang init sa noo ko.

"Good to know." Tumayo siya at binalik ang medicine kit.

That Playgirl's Karma Where stories live. Discover now