🍷t w e n t y - t w o🍷

14 3 0
                                        


Nang mag-lunch break ay naisipan kong lumabas para sana bibili ng pagkain, pero nasa pintuan pa lang ako ay muntikan ko nang mabangga si Felix.

Suddenly, my heart started racing.

"F-Felix.."

"Oh, Azalea! Here, your lunch. Pasensya ka na, medyo natagalan."

Napatitig ako sa hawak niyang lunch box. Did he really make this effort for me?

"Azalea?"

"Felix, busog na ako eh."

"Marami ka bang nakain na breakfast?"

"O-Oo, 'yong hinanda mo sa fridge na ready-to-eat, 'yun 'yong... kinain ko."

"But you're a heavy rice eater, kaunti lang ang nandoon. Are you really full?"

Napakurap ako sa naging sagot niya, dahil sa pagsisinungaling ko ay parang nahahalatang nagsisinungaling nga ako.

"E-Ewan, busog talaga ako. S-Sa'yo na lang 'yan, alam kong nagugutom ka. Sige, alis muna ako, una na ako."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya, kaagad akong umalis sa harap niya pero napahinto ako nang hawakan niya ang braso ko.

"B-Bakit, Felix?"

Now he's staring at me as if he wants to ask something, but he preferred to keep his mouth shut.

"N-Nothing. Sige, mag-iingat ka."

Pangiti akong naglakad paalis, mabilis ang aking paglalakad hanggang sa marating ko ang tahimik na hallway. Dumiretso ako sa banyo roon at isinara ang pinto.

I took a deep breath as I watched myself in the mirror.

To be honest, hindi ko kaya. I cannot avoid him forever. I know he'll be curious why, at wala na akong kawala kung malalaman niya.

I know Shan is right, but I think I'm being too mean to Felix. He's been too good to me, and why would a devil show that kind of kindness from the start? If he's a betrayer, then maybe he's slowly killing me these past few days but... all I feel is safety.

And he was there when I was alone.

I think I'm actually being mean to him. He doesn't deserve this, at kung malaman niya man... it would hurt his feelings so badly.

"I think... I should talk to him right now. I must take the lunch box and eat it," saad ko sa aking sarili at niligpit na ang make-up kit na dala ko, pero hindi ko iyon natuloy nang may biglang magsalita mula sa aking likuran.

"Sinong nagsabing makakaalis ka?"

Biglang kumalabog ang dibdib ko nang mahagilap ang isang lalakeng nakasuot ng puro itim habang nakasandal sa pinto.

"W-Who are you? What are you doing here? Lalake ka, diba? This is a girl's bathroom, b-bawal ka rito!"

I heard him slightly laugh as he scratched his head.

"Isn't it obvious? I'm here because of you..."

Napakapit ako ng mahigpit sa lababo, kusang nanginig ang buong katawan ko nang maramdamang masamang tao ang kaharap ko ngayon at parehong-pareho sa pinahiwatig ni Ryle na siyang bumugbog sa kaniya.

Shit... I should do something. I should shout for help. I must call Felix.

Oh fuck! I left my phone in our room!

"Azalea Guiterrez... anak ng mayamang ama na si Azardo, tama? Ang dali mo lang palang mahuli. Akala ko magiging sakit ka sa ulo. Hindi ko pinagsisihang tanggapin ang misyon na 'to mula sa kaniya."

Napakunot noo ako sa mga huling sinabi niya.

"M-Misyon? Kanino? S-Sinong nag-utos sa 'yo? Sabihin mo sa akin!"

"Ikaw na ang bahalang mag-alam."

Mula sa kaniyang bulsa ay isang panyo ang kinuha niya, at ang sunod niyang ginawa ay may inespray siya roon, kita-kita ko ito ng harap-harapan.

"A-Anong gagawin mo? Huwag kang lalapit!"

Tanging pagtawa lamang ang naririnig ko mula sa kaniya.

Nanginig ang buong katawan ko nang humakbang siya palapit, pero nilabanan ko ang kaba na iyon. Nang humakbang pa siya ulit, ay mabilis akong tumakbo sa kabilang direksyon. Siya naman ay tumakbo upang hulihin ako, pero kaagad kong itinapon sa kaniya ang vase na nandoon na tumama sa kaniyang ulo na siyang ikinayuko at ikinasigaw niya.

Kinuha ko ang pagkakataong iyon upang tumakbo palabas ng pinto-"Akala mo yata makakatakas ka."

"HM!"

Napakabilis ng mga pangyayari. May iba pa pala siyang kasama.

Nakatakip na ang ilong at bibig ko ng panyo. Sinubukan kong tumakas, pero masyado silang malakas. Maya-maya lang ay namanhid na ang aking buong katawan hanggang sa... dumidilim na ang paningin ko.

That Playgirl's Karma Where stories live. Discover now