Ilang oras ang lumipas at pwede na rin kaming lumabas. Ayoko na rin dito sa hospital, parang nanghihina ako sa tuwing nakikita ko ang mga pasyente na may iba't ibang dinaranas.
Kaya buong pagkatao ko ay nakokonsensya sa ginawa kong kagaguhan.
Paglabas namin ng hospital ay kaagad akong huminga nang malalim at pinilit ngumiti kahit hindi naman talaga ako masaya sa nangyayari sa buhay ko.
"Here," inabot sa akin ni Felix ang isang helmet.
What is this for?
Napatingin ako sa kaniya, may suot na siyang helmet.
"Anong gagawin ko rito?"
Nakatakip na ang mukha niya kaya muli niya itong inangat upang tingnan ako. "Wear it, we're going somewhere."
Somewhere..?
Wala man akong ideya kung saan, sinuot ko na lang ang helmet at sumakay na sa likod niya. Saglit akong nagulat nang hawakan niya ang mga braso ko at dahan-dahang hinila ito palapit sa kaniya, kaya ngayon ay nakayakap na ako sa beywang niya.
"I'll just hold somewhere-"
"This is safer."
Safer? Damn, what is he thinking??
And before I could talk, he turned on the engine that made a loud sound.
He also slightly patted my hands, as if saying... not to let go.
I just closed my eyes and tried not to mind the thoughts running through my head.
Hindi ko alam kung gaano na kami katagal bumibiyahe dahil nakuha ang atensyon ko ng dalampasigan na nadadaanan namin, palayo na kami nang palayo sa siyudad.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagmulat ako ng mga mata nang huminto na ang motor. Bumaba na ako at tinanggal ang helmet. Nilibot ko ng tingin ang buong lugar, napakaraming maliliit na kainan, at sa tapat nito ay dalampasigan. Wala ring mga building, kaya naamoy ko ang preskong hangin at maalat na dagat.
Nakasunod lang ako kay Felix. Hindi ko alam kung saan siya patungo, pero sabi niya may pupuntahan kami kaya sumunod na lang ako.
Pumasok siya sa isang lumang restaurant, isang Japanese na kainan. Nang makapasok, nilibot ko ang tingin sa paligid. May mga lumang larawan sa pader na kuha kada taon, mula pa noong... 1875? Napakatagal na pala ng restaurant na ito.
"ZYZY!"
Napalingon ako sa harapan ko nang may biglaang sumigaw. Paglingon ko, nakita kong bahagyang yumuko si Felix sa harap ng isang matandang hapon, at pagkatapos ay nagyakapan sila.
Zyzy? Well, it's accurate. Felix Zy is his name, kaya roon yata galing ang "Zyzy."
Nag-usap pa sila ng ilang segundo. Hindi ko naririnig ang usapan nila pero nakita kong tumingin ang matanda sa akin kaya dali-dali akong yumuko at ngumiti, senyales ng paggalang.
Hindi ako marunong mag-Japanese pero base sa mga napapanood ko minsan, ganoon sila magpakita ng respeto.
Mahinahon din siyang yumuko sa akin at muling binalik ang tingin kay Felix. Mahina itong natawa habang umiiling naman si Felix.
"Hai, hai..." Naglakad ang matanda papunta sa direksyon ko kaya kaagad akong umayos ng tayo at ngumiti.
"Ano ang pangalan mo, hija?"
Saglit akong nagulat, marunong pala siyang mag-Tagalog, at tila bihasa pa.
"Azalea po." Muli akong yumuko, at natawa ang matanda sa hindi ko malamang dahilan.
YOU ARE READING
That Playgirl's Karma
Mystery / ThrillerShe played with hearts like toys until karma played back. Azalea Louise Gutierrez, known as the campus playgirl, never expected her charm would lead her into chaos. After breaking up with Ryle Santiago, her ex becomes the victim of a shocking campus...
