🍷t h i r t e e n🍷

25 4 0
                                        


Kasalukuyan akong nasa loob ng opisina ni Fim, kasama ko rito sa loob sina Thania, at mga barkada niya. Nasa baba ang mga pulis at nadala na rin sa ospital ang babaeng nalason.

"Bakit ba 'yun nangyari kay Steph?"
"I don't know... I hope she's okay."

Hindi lamang ako kalayuan sa mga kasamahan ni Thania kaya naririnig ko ang mga usapan nila kanina pa.

Hindi ko na lamang sila pinansin at tinuon ang tingin sa labas ng bintana.

Matapos ang insidenteng iyon ay wala ni isa sa amin ang pinayagang lumabas sa party. Sa bawat kwarto rito sa mansion ay isa-isa itong inokupa ng mga bisita at heto ako ngayon... kasama ang bruha.

"Everything will be fine, guys."
"Actually, this wouldn't have happened if-"
"We don't know the real reason, Yen. Let's just stay quiet for a while."
"Quiet? Who's going to stay quiet when one of us here might actually be the suspect?"

Naalarma ako sa narinig ko mula sa isa sa barkada ni Thania. Binuntong-hininga ko na lamang ito at pinagwalang-bahala.

"Yeah, you're right. I know all of us witnessed that before the incident happened, she went to... you know who she is."

Pinaglaruan ko na lamang ang makapal na libro sa tabi ko at nagmuni-muni. Alam kong ako ang pinag-uusapan nila.

"Then... let's tell the police!"
"Oo nga!"
"Tama! Baka tayo ang susunod na mabiktima-AAH!"

Tunog ng malakas na pagtilapon ng libro sa pader ang nagpatahimik sa kanilang lahat. Sabay silang napalingon sa akin, lalo na ang dalawang babae na tatayo sana para magsumbong sa labas.

"A-Azalea...? Why did you do that?!" reklamo ng isa nang muntikan na siyang matamaan ng libro.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nilapitan ang dalawang babae na magkakapit-kamay pa, takot na takot.

"Ano? Isusumbong ninyo ako?"

Nagtinginan ang dalawa at mahinang natawa pero bakas sa mga labi nila ang panginginig, "Wala naman kaming sinabing ikaw."

"Ah talaga," mula sa maliit na salaming mesa ay kinuha ko ang isang maliit na vase at muling humarap sa kanila, "Ano ako, bobo?!"

Napapikit sila nang akmahin kong itapon ang vase sa kanila.

"Why are you so mad, Azalea? Are you guilty?" saad ni Thania habang nakasandal sa couch at naka-krus ang mga kamay.

"Why would I be? I didn't do it, so stop accusing me with your theories. I didn't do anything, bitches!" giit ko.

Ano bang problema nila? Wala naman akong ginawang kasalanan pero inaakusahan nila ako!

Oo nga pala, they hate me. Syempre ang unang aakusahan nila ay ang taong ayaw nila.

A mindset of a fool.

"If you're really not guilty... then why are you gripping that vase so hard, hm?"

Ngiwi kong pinasadahan ng tingin si Thania nang obserbahan niya ako. Lumapit ako sa kaniya at padabog na ibinaba ang vase sa tabi niya, na ikinapikit niya ng kaunti.

"Tigil-tigilan mo 'ko, Thania, ha. Hindi bagay sa 'yo maging ganiyan, ang asim mo maging detective."

"W-What did you say?!"

"GIRLS!"

Mabuti na lang at dumating na si Fim dahil kung hindi, isang labanan ang magaganap sa loob ng opisina niya. Isa laban sa limang bruhang nandito.

Pinalabas na rin kami sa opisina. Wala nang tao sa salas kung saan naganap ang event, nakauwi na rin ang mga unggoy ni Thania at pati ang mga kapulisan ay umalis na.

Buntong-hiningang umupo si Fim sa sofa at napahilot ng ulo. Kaagad naman siyang nilapitan ni Thania at may payakap-yakap pa ito.

Base sa sinabi ng mga pulis, hawak na nila ang posibleng suspek sa pagpapainom ng drugs kay Steph, iyon ang butler na nagbibigay ng cocktail.

Kaagad kong naalala na inagaw pala ni Steph ang cocktail na sana ay iinumin ko, pero siya ang uminom.

Sinalo niya ang kamalasan ko.

Paano kung hindi inagaw ni Steph ang inumin at ako mismo ang uminom nun? Pero kung ang butler talaga ang may gawa nun, at ako ang target niya, bakit hindi niya pinigilan si Steph na inumin ang cocktail?

Then, maybe...

"WHAT'S HAPPENING HERE?"

Umalingawngaw ang boses ni Papa na kapapasok lamang sa mansion, galing siya sa isang business meeting.

"Uh, honey... I'll explain everything to you later."

Sinabayan ni Fim si Papa sa paglalakad paakyat ng hagdan pero bago siya makaakyat ay nagulat ako sa biglaang pagsalita ni Thania.

"There was an incident here, Papa, and it's all because of her!"

Laking gulat ko nang ituro ako ni Thania.

"WHAT?! Get your hand off me!" Hinawi ko ang kamay ni Thania na nakaturo sa akin.

Umiwas siya ng tingin at tumingin kay Papa.

"It's true, Papa! My friend was diagnosed because she took some drugs, and the last person she encountered was her!" Muli niya akong tinuro, pero agad ko ulit hinawi ang kamay niya at malakas siyang sinampal.

"THANIA!" sigaw ni Fim at nilapitan ang anak na umiiyak kahit alam kong gawa-gawa lang niya iyon.

"Bakit mo 'yon ginawa, Azalea?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Fim. Isa pa siya, pakitang-tao!

Tumingin ako kay Papa na walang emosyong nanonood sa amin.

"She's accusing me, Papa! A-Also, nagpapakitang-tao lang sila para makuha ang awa mo."

"Azalea, stop it! What happened to you? You weren't like this before," mahinhin na tanong ni Fim, at nakita ko kung paano pasikretong ngumiti sa akin si Thania.

"Mga demonyo kayo... lalo na ikaw!" Dinuro ko si Thania na muli na namang nagkunwaring umiiyak.

"Azalea, enough."

Kunot-noo akong tumingin kay Papa nang sabihin niya iyon.

"What? Ako na ngayon ang may kasalanan kahit ako naman talaga ang pinagtulungan dito? I didn't do anything. I don't know anything about the drugs Thania's talking about. She's just making up stories-"

"I SAID ENOUGH!"

Again... he shouted at me.

He pointed at the door while keeping his emotionless stare on me,
"Get out of my house."

"W-What?"

"I SAID GET OUT!"

Fine.

Tumango-tango ako sa mga sinabi niya, "Oo, lalabas na ako. LALABAS NA AKO SA BUWISIT NA PAMAMAHAY NA ITO!"

Kaagad akong tumalikod at naglakad paalis, pero bago pa ako tuluyang makalabas ay muli akong tumingin kay Papa.

"This is the second time, Papa. I will never forget this."

Pabagsak kong sinara ang pinto at dali-daling lumabas ng mansion. Kinuha ko ang phone ko at agad na tinawagan si Felix. Hindi pa man umabot ng ilang ring ay sinagot na niya agad.

"Get me now. I have something to discuss with you."

That Playgirl's Karma Where stories live. Discover now