🍷s e v e n t e e n🍷

15 3 0
                                        


After class, ay dali-dali akong lumabas ng campus at naabutan doon si Felix na naghihintay sa akin. Hinihingal akong huminto sa harap niya na nakaupo na sa kaniyang motor, "Kanina ka pa?"

"Hindi naman," inabot niya sa akin ang helmet kaya kaagad ko itong sinuot.

"Excited ka yata," nakangiting saad niya kasabay ng pag-andar ng motor.

Napangiti ako sa sinabi niya dahil klarong-klaro pala sa mukha ko. "Actually, I'm just thrilled to know the whereabouts of my bitch stepsister."

He looked at me and the right corner of his lips turned up, "Sakay na."

Today, our mission is to find out Thania's whereabouts and I'm thrilled to know what those are.

Or... maybe not.

"Bar? Really, Felix?"

Bagsak-balikat kong tiningnan si Felix na nagkibit-balikat lang, "Dito talaga pumupunta si Thania."

Bakit ba ngayon na ayaw ko nang pumunta ng bar ay doon naman ako palaging dinadala? Tsaka pang-adult bar ito, paano nakapasok ang batang 'yon?!

Kaagad din naman kaming nakapasok doon dahil hindi na kami naka-uniform, at higit sa lahat, ginawan ako ng fake I.D. ni Felix.

That's scary and, at the same time, awesome. He's really something.

Nang makapasok kami, bumungad ang napakaingay na musika at nag-iilawang mga lights. May mga nagsasayawan din sa gitna at maraming tao kahit medyo maaga pa.

Napangiwi ako nang makakita ng naghahalikan sa gilid, may natutulog, at iba-ibang gawain na sa tingin nila ay magagawa lamang nila dito sa loob.

As if this bar is a living heaven for them.

"There she is." Felix pointed to the second floor. A group of minors were sitting on a couch, chitchatting and laughing their asses off.

"Let's go-" I was about to walk when Felix held my hand. "What?"

"She'll know if you walk through that way." He pointed at the way I was about to take.

"How come?" Hindi naman ako makikita kapag dumaan ako roon, kaya paano niya nasabi?

"Look over there." Felix pointed at a guy in a suit, roaming his eyes around.

My forehead creased when I realized that that bodyguard is one of my father's people.

"That's my father's... -wait, 'wag mong sabihing binayaran niya ang mga lalaking 'yan?!"

How dare she take advantage of my dad's people?!

"Maybe you're right, but there's no time for that. Let's go." Felix held my hand and led the way.

Hindi ko alam kung saan na kami papunta dahil malaki ang bar na ito at maraming pasikot-sikot. Umakyat kami sa tahimik na hagdan, at pagbukas ng pinto ni Felix ay malalakas na tugtog ulit ang narinig namin. Higit sa lahat, nasa taas na kami.

Nakasunod lamang ako sa kaniya kahit saan niya man hilahin ang kamay ko. Also, how on earth does Felix know this place so well? Nagba-bar din pala siya?

Palapit kami sa kinauupuan nina Thania. Nakatalikod sila sa amin kaya hindi nila napansin na umupo kami sa likuran nila.

Mahina kong siniko si Felix at sumenyas ng "approve." Ang galing niya.

"That guy in white? Yah, he's hot."
"Go for that guy in polo!"
"Where? Oh, that one? He seems like a good boy."
"Come on! You're not into good boys? Haha!"
"I prefer wild."

Napangiwi ako sa topic nila. Para silang naghahanap ng kuting sa pet shop.

"Never mind! I'll just find someone on a dating app."
"Ganiyan ka na ba talaga ka-hayok sa jowa, Than?"
"No, ew. I'm just sad, okay?"
"If I were in your shoes, I would be happy for real."
"You wouldn't understand, girls."
"By the way, how's Steph?"

As far as I remember, Steph was the girl who got hospitalized at Fim's party.

"My friends texted me that she gained consciousness this morning. Happy for her."
"Totoo ba, Than, na may issue raw na nasa loob lang 'yung nagpainom sa kaniya?"
"That's what everyone says, so maybe they're right, or not."
"May nagsabi na 'yong kapatid mo raw ang may gawa?" one of the girls asked.

"Stepsister, you bitch," Thania corrected her.

Thank goodness she corrected her, but who the hell told that girl I was the one who did it? Hindi pa ba sila tapos sa pag-aaccuse sa 'kin?

"Ewan ko, wala akong pake. I don't want to talk 'bout her. I just don't want to. At tsaka ayokong maglaan ng oras para pag-usapan ang babaeng 'yon. She is just nothing to me."

I clenched my fists. Kung puwede ko lang siyang sapakin, ginawa ko na. Wala rin akong pake sa kaniya!

Nabaling ang atensyon ko kay Felix nang hawakan niya ang kamay ko. "Let's go."

Kaagad akong tumango at tumayo na. Ayoko na rin dito nakakabwisit.



"Useless," padabog kong kinuha ang helmet sa motor ni Felix. "Kung puwede lang siyang suntukin kanina, ginawa ko na, eh!"

"Calm down, Azalea."

"Kainis! Nabubwisit ako sa kaniya!" Ako na ang kumuha ng helmet ni Felix at inabot ito sa kaniya habang pinapanood niya lamang ako.

"You're still mad?"

Tumingin ako sa kaniya at kaagad na napansin ang pag-aalala sa mata niya.

"Gusto ko uminom."

"Of course, I'll buy you a drink."

"Dapat kasama ka."

Natigilan siya sa pagsuot ng helmet. "What?"

"Samahan mo 'ko uminom. Do'n tayo sa bahay. Ayoko sa bar."

That Playgirl's Karma Where stories live. Discover now