Sa bawat pagtapak ko papasok ng mansion, halos lahat ng tao ay napapatingin sa akin. May ibang napapatigil pa sa pag-uusap para lang tumingin.
Nakaka-touch naman...
Umupo ako sa Table 3 dahil iyon ang numerong nakasulat sa likod ng card ko. Very professional.
Nagmuni-muni muna ako ng tingin. Puno ng silver designs ang paligid. Sa bawat gilid ay may food buffet. Meron ding mga media na nakaabang sa tabi ng stage.
Sa di kalayuan, nakita kong tumitingin ang isang grupo ng kababaihan na sa tingin ko ay kaedad ko lang din.
Pamilyar sila sa akin, at tama nga ako, sila ang mga barkada ni Thania. Umiwas na lang ako ng tingin at ibinaling ang atensyon ko sa mga snacks sa mesa.
Infairness, everything seems unique.
"Oh, look who's here!"
I let out a sigh when I heard that bratty voice.
Umupo sa tabi ko si Thania na suot ang isang silver sleeveless dress, at kitang-kita ang hindi naman kalakihang hinaharap nito.
"Wait. What on earth are you wearing?!" gulat niyang tanong habang pinasadahan ako mula ulo hanggang paa.
"It's unique, right?" sarkastiko kong sagot.
She scoffed and looked at me with disbelief. "Are you out of your mind, Azalea? Didn't you read the dress code on the invitation card? Or... was it your intention to wear black at my mom's party?"
"The answer would be... the latter one." Sabay kuha ko ng cookie sa mesa at pinaglaruan ito.
I saw how she gritted her teeth and tried to act unaffected. Come on, Thania, alam kong pikon ka na.
"Why did mom even invite you in the first place? You're not even part of the family." Sarkastiko siyang tumawa at muling pinasadahan ng tingin ang suot kong itim na dress.
Pinigilan ko ang sarili kong huwag gumawa ng eskandalo but I wouldn't be Azalea if I did that. Sinandal ko ang parehong siko sa mesa at tumingin sa kaniya.
"Baka nakakalimutan mo, Thania. Ako ang unang anak sa unang asawa, hindi ang ikalawang anak sa kabit."
Natikom ang bibig niya at hindi na nakasagot lalo na't nagsimula na ang party.
Pumasok na si Fim, at isa-isang nagsipalakpakan ang mga tao. Labag man sa loob ko, pumalakpak din ako, mahirap na, baka may nakatutok na camera sa akin at makita na ang stepdaughter ay hindi man lang pumalakpak.
Nagsimula na siyang magsalita pero lahat ng sinasabi niya ay lumulusot lang sa kabilang tainga ko. Hanggang sa tinawag na niya ang presensya namin.
"May I have the presence of my two daughters, Thania Guiterrez and Azalea Guiterrez."
Nagkatinginan kami ni Thania. Nang marinig ang mga pangalan namin, kaagad siyang ngumiti at naunang maglakad. Tumayo na rin ako at tumingin kay Fim na nasa stage. Nakita ko kung paano siya saglit na nagulat nang makita ang suot kong dress. Pag-akyat namin ni Thania sa stage ay biglang napuno ng flash ng mga camera ang paligid.
Habang papalapit ako kay Fim, na naghihintay sa akin, nakita ko kung paano siya pilit na ngumiti.
"Surprise..." bulong ko kay Fim nang makalapit.
"Aren't you aware of my party's theme, Azalea?" pabulong niyang tanong habang nakaharap sa mga camera at patuloy sa pag-ngiti.
"Why? Black is gorgeous-oh, I forgot... ayaw niyo po pala sa itim." Umasta pa akong parang nagulat at nakalimutan iyon.
Pilit siyang tumawa sabay tingin sa akin. "Acceptable. The foolishness you have is acceptable for me, my daughter."
Biglang kumulo ang dugo ko kahit hindi naman dapat. Calm down, Azalea. No way will you be affected by what she said.
Bumitaw na siya sa beywang naming dalawa ni Thania, hudyat na pwede na kaming bumaba ng stage.
"What are you again, Azalea?" sabay lakad ni Thania sa tabi ko. Nilapit niya ang mukha niya sa akin. "A fool..."
Tila nag-apoy ang sistema ko at gustong-gusto ko na siyang sabunutan but I decided not to.
Nagsimula na rin ang kainan, kaya tumayo ako para kumuha ng pagkain at bumalik sa kinauupuan.
"Do you want some cocktail, Ms. Azalea?" Isang butler na may dalang tray ang huminto sa harap ko. I was about to grab the cocktail when someone suddenly stole it from me.
"What the...?" Kaagad akong napalingon.
"Thanks for the drink!" sabay lagok ng isang babaeng pamilyar sa akin. Pabagsak niyang nilagay sa mesa ang baso at ngumiti sa akin.
Tumingin ako sa kabilang mesa kung saan nakaupo ang barkada ni Thania. Nakatitig sila sa akin at nagtatawanan.
Akmang aalis na ang babae sa harap ko pero nahawakan ko ang braso niya.
"How dare you leave after you drank my cocktail?"
She raised a brow. "Your cocktail? Hah! Ikaw pa rin talaga ang Azalea na masyadong arogante... anak sa labas."
Naalarma ang kokote ko sa pinagsasabi niya. I stood up and gripped her arm tighter.
"What did you say?"
"Bitawan mo 'ko or else..."
"Or else, what? You'll accuse me of abusing you even though you started this?"
She pointed at herself. "Ako ang nauna? Ang liit naman yata ng utak mo, Azalea."
"Yes, that's why get out of my face right now before I eat your brain to make mine bigger. Or maybe not... 'cause yours is empty." Pabagsak kong binitawan ang kamay niya at inis siyang umalis.
Nagsisi siguro siyang nakipaghamon sa isang baliw na kagaya ko.
Muli akong tumingin sa barkada ni Thania na binibigyan ako ng mapanglait na tingin.
Don't give them a damn, Azalea. They're just jealous because you're different.
Let's just say... you're the black swan in a group of broilers.
I took a deep breath before sitting again on my chair. I was about to grab the knife and fork when someone suddenly shouted behind me.
I turned my head and saw the girl I just fought with earlier now lying on the floor.
The worst part?
Some bubbles were bursting out of her mouth.
YOU ARE READING
That Playgirl's Karma
Mystery / ThrillerShe played with hearts like toys until karma played back. Azalea Louise Gutierrez, known as the campus playgirl, never expected her charm would lead her into chaos. After breaking up with Ryle Santiago, her ex becomes the victim of a shocking campus...
