🍷f i f t e e n🍷

19 4 0
                                        

Isang araw ang lumipas nang binalitaan ako ni Felix na ang butler na pinaghinalaang naglagay ng drugs sa cocktail ay pinakawalan na dahil walang ebidensya na magpapatunay na siya ang naglagay ng drugs.

Kasalukuyan akong nagbibihis dahil pupuntahan namin ang butler na iyon sa pinagtatrabahuhan niya.

Pinasadahan ko ng tingin ang suot kong itim na tube fitted dress at three-inch na puting sandals.

I think this is better, lalo na't bar ang pupuntahan namin.

Naaalala ko na naman ang insidenteng nangyari noon sa bar.

Lumabas na rin ako ng kwarto at naabutan si Felix na nagtitipa sa kaniyang phone.

"Let's go?"

Huminto siya sa pagpindot at tumayo, "Let's go." Tumingin siya sa akin at napahinto. Natigilan ako nang hindi siya gumalaw.

"What?"

"N-Nothing." He then looked away.

"Okay?"

Lately, he's been acting strange simula noong gabi na sinabi niya na may gusto siya sa akin... bilang isang kaibigan.

"I like you."

"Huh..?"

"I mean... I like you as a friend."

Napaka-random niya talaga minsan.

"5 p.m. to 3 a.m. ang duty ni Wilbert sa bar, at kaunti pa lang ang mga customers kung maaga tayo ro'n," ani Felix habang nasa loob kami ng elevator pababa ng condo.

"Do you think he'll talk to you?" I asked.

"He must."

"Paano? Hindi ka niya kilala. Kahit ako, hindi ako sasagot ng tanong na masyadong confidential sa isang estranghero."

"But if that person shows a police badge, will you still ignore him?"

I tilted my head at him. "Of course not-what the hell... saan 'yan galing?"

Nakangiting may hawak na police badge si Felix. "Hiniram ko sa kaibigan kong pulis."

Napabagsak ang panga ko. "What on earth has gotten into you, Felix? Paano kung may makaalam?"

Nilagay ni Felix ang badge sa bulsa niya. "Kung mangyari man 'yan, dalawang tao lang ang alam kong posibleng nagsabi."

"Sino?" I asked, clueless.

"My police friend and you."

Napaturo ako sa sarili ko. "T-Teka..."

"So to avoid a problem, let's keep it hidden."

The elevator door slid open, and Felix marched out, leaving me with a feeling of worriedness and a little bit of... excitement.

Hininto ni Felix ang motor sa parking area ng bar. Bumaba na ako at ganoon din siya.

"Are you really sure you can do it?" I asked.

Kinuha ni Felix ang helmet mula sa kamay ko. "You don't trust me?"

"I-I do, but..."

"If you do, then don't be worried." Pinatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ko pero wala akong naramdamang bigat. "We can do this."

Tumango ako at maya-maya lang ay nauna na siyang pumasok.

***

Tahimik at wala pang katao-tao ang bar nang pumasok si Felix habang naiwan naman sa labas si Azalea.

That Playgirl's Karma Where stories live. Discover now