"Really?! So si Thania pala ang kumuha sa kaniya para maging butler sa party. Akala ko nga isa talaga siya sa mga butler sa mansion." Pinunasan ko ng malinis na tuwalya ang mukha ko habang nakatingin sa lababo.
Kakatapos ko lang maghilamos, tinanggal ko lang naman ang makapal na make-up na suot ko.
"By the way..." Naglakad ako papunta sa sofa at umupo sa kaharap ni Felix. "Paanong hindi niya ako nakilala? Wala man lang reaksyon sa mukha niya. Parang literal na estranghero lang ako sa kaniya."
Ang plano namin kanina ay aacting si Felix bilang si Detective Alex Delaware. Napakapamilyar nga sa 'kin ang pangalan ng detective, nakalimutan ko lang kung saan ko iyon nabasa.
Tapos ako naman, papasok ako kapag lalabas na si Felix, at haharangin ko siya gaya ng ginawa ko kanina. Pinalapit ni Felix si Wilbert sa akin kaya hinangad ko ang ulo ko para makita niya kung sino ako. Pero 'yon na nga... hindi niya ako kilala.
"There's only one reason for that," binaba ni Felix ang hawak na baso ng tubig. "Wilbert is innocent."
Nang sabihin ni Felix kung bakit hindi na suspek si Wilbert, napasandal ako sa sofa, namangha sa galing niya.
Hindi talaga pumasok sa utak ko ang mga rason niya kung bakit inosente si Wilbert dahil lang sa hindi niya ako nakilala. Syempre, kung may target ka o may galit ka sa isang tao, may bahid talaga ng gulat o kahit anong reaksyon na magpapakitang kilala mo siya, pero kay Wilbert, wala.
"So... what do you think? Any idea?" tanong ni Felix kung may naiisip pa akong ibang posibleng may gawa.
"Isang tao pa ang kilala ko na nakakapagduda," ani ko, sabay tingin kay Felix.
Tumango-tango si Felix at siya ring sumandal sa sofa. "Shall we say the name together?"
"Sure," I agreed.
Felix counted one to three and after that, we both said who it was.
"My bitch stepsister." "Thania Guiterrez."
**************
Humihikab kong isinandal ang likod ko sa upuan. Katatapos lang ng second subject namin, at lunch time na. Late na akong nakatulog kagabi sa libo-libong iniisip ko.
Isa-isa nang nagsilabasan ang mga kaklase ko, at may iilan na inalok akong sumama mag-lunch. Pero umayaw lang ako, hindi ako gutom.
Nasanay na ang tiyan kong walang laman.
Pinanood ko na lang ang ilang estudyante na may kaniya-kaniyang kausap. May ilan ding naglalaro sa field kahit sobrang init.
"What are you looking at?"
Binaling ko ang tingin ko sa taong tumabi sa akin. "Wala naman-Felix?" Nilibot ko ang tingin sa paligid. Kaunti lang ang tao, may ilan sa mga kaklase ko ay napatingin sa amin. "What are you doing here?"
"Doing my job as your private chef," sabay lagay ng hawak niyang lunchbox sa mesa.
Umupo siya sa harap ko at binuksan ang lunchbox.
"Sineryoso mo talaga 'yung mga sinabi ko?" Akala ko kasi nagjo-joke lang kami nun. Seryoso pala talaga siya.
"Uh-huh," sabay bukas ng lunchbox.
"Wow..." Tila kumikinang ang mata ko sa pagkain. Ilang segundo na lang ay maglalaway na ako sa bango ng ginataang gulay.
"Here," inabot sa akin ni Felix ang kutsara at tinidor. "Now, you can eat."
Kakain na sana ako nang may mapagtanto. "How 'bout you? Nakakahiya naman yatang kakain ako rito, tapos ikaw hindi."
Kumurap-kurap siya at umiwas ng tingin. "Tapos na ako."
"Ah, gano'n ba? Paamoy nga ng hininga kung amoy gata 'yan."
Nakita ko kung paanong nagulat ang mukha niya. "What? N-No way!"
"Guilty? Kasi ang totoo, hindi ka pa kumakain. Oh, heto." Inabot ko sa kaniya ang tinidor pero tiningnan niya lang ito.
"Ayaw mo? Sige, ito na lang." Ang kutsara naman ang inabot ko, pero buntong-hininga lang ang sinagot niya.
"Kumain ka na lang, Azalea. Niluto ko talaga 'yan para lang sa 'yo."
"So, akin na 'to?"
"Yes."
"Okay, so, I have the rights now." Sumandok ako ng kanin at gulay, tapos nilapit ko kay Felix. "Say aah..."
"W-What are you doing?" Namula ang paligid ng tainga niya, at mahina akong napatawa.
"Sige na, nangangalay na kamay ko. Say aah..."
"Azalea..." may pagbabanta na ang tono ng boses niya.
Kaya ginaya ko siya.
"Felix..."
Akala niya yata susuko ako. Kung mataas ang pride niya, mas mataas ang sa akin.
"Okay... but just one bite."
Tumango ako, kahit alam kong hindi lang one bite 'yon. One bite his face.
Niligpit na namin ni Felix ang lunchbox nang maubos na. Dalawang tiyan na ang nabusog.
"Sa susunod ulit, Felix, ha?"
"Of course. But I'll just pass it by next time, hindi na ako magsta-standby dito."
Naiiling akong natatawa sa sinabi niya. "Mas masaya kaya kumain kapag may kasalo. Magdala ka na lang ng extra spoon para hindi parehong kutsara ang gamit natin. Nagmumukha tayong naghahalikan niyan-"
Isang pagbagsak ng gamit sa sahig ang nagpahinto sa pagsasalita ko.
"Anyare?"
"N-Nothing," sabay pulot ni Felix sa nahulog na lunchbox.
"Sige, alis ka na. Baka mag-start na klase ninyo."
"Yeah. Bye." Mabilis ang lakad niya hanggang sa makalabas ng room namin.
"Hindi naman masyadong maanghang 'yung pagkain, ah? Ba't siya namumula?" bulong ko sa sarili nang makitang pulang-pula ang mukha niya kanina, lalo na no'ng mahulog ang lunchbox.
YOU ARE READING
That Playgirl's Karma
Mystery / ThrillerShe played with hearts like toys until karma played back. Azalea Louise Gutierrez, known as the campus playgirl, never expected her charm would lead her into chaos. After breaking up with Ryle Santiago, her ex becomes the victim of a shocking campus...
