🍷t h r e e🍷

45 5 0
                                        

Hinay-hinay kong minasahe ang pisngi ko gamit ang maginaw na tuwalya na naglalaman ng mga yelo. Namaga ang isang bahagi ng pisngi ko dahil sa malakas na sampal ni Fim kanina.

Nang medyo humupa na ang pamamaga, pumunta ako sa kusina para magluto ng makakain. Matapos ang mabigat na labanan laban sa ate ni Rein na sinabunutan ako, mga sigaw ni papa sa akin, pagtapon ng bag ni Thania sa ulo ko, at sampal ni Fim-parang mapupuno ng pasa ang katawan ko bukas.

Ramen na lang ang niluto ko dahil iyon ang pinakamadaling lutuin. Nagugutom na rin ang tiyan ko. Naisipan kong sa balkonahe na lang kumain.

"Wow..." puno ng city lights ang makikita, samahan pa ng malamig na hangin.

Nasa 9th floor ako ng isang condominium kaya kitang-kita ang ilalim. Nang maubos ko ang ramen, napabuga ako ng mainit na hangin at sa wakas nabusog na rin ako.

Sumandal ako sa upuan at tinanaw ang malaking buwan sa taas.

"Ang layo mo naman..."

Pangarap ko noon pa lang ang tumira sa buwan. Gusto ko mamuhay mag-isa ro'n. Walang mga naka-suit na biglang huhuli sa akin, walang dalawang bruha na gugulo sa buhay ko, at wala ring mga matang titingin sa'kin.

That's my childhood dream, and until now, I secretly want it to happen.

May biglang tumulo na butil ng tubig sa pisngi ko kaya kaagad ko itong hinawi.

"Wala namang ulan, ah?"

Muli na namang may tumulo kaya kaagad ko ulit itong pinunasan, hanggang sa dumami ito. Napagtanto ko na... galing pala sa mga mata ko.

"Putangina, bakit ako umiiyak?"

Pinilit kong itigil ang patuloy na pagtulo, pero kusa itong dumadaloy hanggang sa hinayaan ko na lang itong tumulo sa aking hita. Hinawakan ko ang aking dibdib at naramdaman ang malakas na pagtibok nito.

Hindi na yata niya kinaya. Masyado na yata siyang nasaktan.

"Sorry..." bulong ko sa sarili ko.

Nakakatawa. Wala naman sa isip ko ang umiyak, pero kusa na lang tumulo ang mga luha.

Masyadong malakas ang dumadaloy sa utak ko na dumating na sa puntong may puso rin pala ako. Parte ng katawan ko na mas naaapektuhan... pero hindi ko binibigyang pansin, kaya umabot sa puntong... nilalaro ko na lang ito.

Thinking I can escape from reality by playing around. Thinking I can take the hole out of this mess just by playing around... might be a little too hard to accept right now that it was all just a fantasy.

Playing around will never be the answer to these problems.

******************

"Azalea?!"

Gulat na nilapag ni Shan ang hawak niyang bote nang mapagtanto niya kung sino ang kaharap niya.

"Yes... it's me!"

Nasa bar ako, malakas ang tugtog ng musika at may nagsasayawan sa gitna.

After my dramatic event in my unit, I decided to take a break here at the bar.

"Anong ginawa mo sa buhok mo?" Hinawakan niya ang buhok ko na agad ko namang sinapak ang kamay niya.

"It's nice kaya! Blonde hair suits me, right?" Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko.

Shan nodded. "Yeah, it suits you. But I feel bad for your hair, madadamage 'yan," nakangusong saad niya.

"Sira na ang buhay ko, isali na rin natin ang buhok ko," pangiti kong sagot.

That Playgirl's Karma Where stories live. Discover now