"I already told you! Wala. Akong. Boyfriend. At mas lalong hindi siya professor!" Halos maputol na ang litid ko sa pagpapaliwanag pero wala silang pinapakinggan. "Are you really not gonna let me come with you?"
Nahinto sa pag-iimpake ng damit si Daddy at tinitigan na ako nang seryoso. "Para lang sa mga single ang outing na ito."
Napabusangot ako at nagpamewang. I groaned, tired of explaining. "Really, Dad, Kuya? Paulit-ulit?"
Kanina ko pa kasi ipinapaliwanag sa kanila ni Kuya Ali magmula nang makarating ako ng bahay na wala akong boyfriend at kung sinoman ang nakausap niya kanina sa tawag ay hindi ko kilala. As usual, pinagkakaisahan nila akong dalawa ni Kuya.
I know that they believed me kaso nga lang ay nahalungkat ni Kuya ang photos sa phone ko. May picture pa ng mukha ng Sonnet na 'yon. Talaga nga namang pinagsamantalahan niya ang gamit ko! May gana pa siyang mag-iwan ng bakas ng kabwisitan niya.
Hindi nila ako kinibo na mas lalo ko lang ikinainis. Lumabas na lang ako ng kwarto ni Daddy at pumunta sa kwarto ko para mag-impake na rin ng gamit. Wala silang magagawa dahil sasama ako.
Dad said we're going on a vacation after ng finals namin sa isang araw. Sem break na namin at long weekend naman nila from work kaya gustong sulitin ni Daddy. He said it would only be for three days pero mukhang hindi kakasya sa iisang maleta ang mga dadalhin ko. I need to borrow another one.
Bumalik ako sa kwarto ni Daddy at tapos na silang mag-impake ni Kuya. Humiram ako ng isang maleta pa niya nang makita ko ang printed booking itinerary sa side table niya. Kinuha ko 'yon at binasa nang ilang ulit.
My brows furrowed. "Hindi kasama si Mommy?"
Napalingon si Kuya Ali sa akin at kinuha agad ang papel. "Alam mo namang hindi pwede si Mommy."
"Pero sabi ng doctor niya kailangan niya rin lumabas-labas. We should bring her, too," I insisted.
"Oo, pero hindi sa ngayon." Tinago niya ang papel sa drawer.
"Livie, she's safer there. She's not yet healed." Hinawakan naman ni Daddy ang balikat ko.
I looked at both of them, puzzled with their response. "Ayaw niyo lang siyang kasama." I turned my back on them and returned to my room at once. Ni-lock ko ang pinto, umupo sa kama at tumitig lang nang masama sa kawalan.
How could they do that? Ang sabi nila gagawin namin ang lahat para makarecover si Mommy sa depression. Bakit parang sinusukuan na nila siya?
Every weekend ay dumadalaw ako sa kaniya just so I could help her undergo her therapy and medication. Hindi pa ganoon kalaki ang improvement pero kinakausap na niya ako ngayon. And for me, malaking bagay na 'yon. Hindi na kagaya noon na nakatingin lang siya sa kawalan at para bang hindi niya ako naririnig at nakikita.
Kapag inaaya ko si Kuya na dumalaw, sumasama siya pero saglit na saglit lang siya doon kasi lagi siyang busy sa trabaho. Si Daddy naman, never ever.
Kaya hindi ko sila maintindihan kung bakit at paano nila nasabi na mas safe si Mommy doon. How did they know that? They haven't seen her situation there. May mga kasama nga siya pero hindi naman niya pamilya.
Bakit kasi hindi na lang siya iuwi dito sa bahay at dito siya magpagaling? I heard pwede naman ang outpatient treatment. Why can't we do that with Mom?
Napalingon ako sa mga inimpake kong gamit. Marami pang nakakalat at naghihintay na mailagay sa isa pang maleta. A thought came to me.
Kung hindi nila isasama si Mommy, hindi na lang din ako sasama.
Kinuha ko lahat ng gamit ko na nasa maleta na at ibinalik sa damitan ko nang mabilisan. Pagkatapos kong magligpit ay kumatok ako sa kwarto ni Daddy. Hindi ako pumasok, naghintay lang ako na pagbuksan niya ako.
BINABASA MO ANG
Dis-Engagement Proposal
Teen FictionIn a desperate attempt to mend her broken family, Olivienne hatches a daring plan: sabotage her father's impending wedding to another woman by dating the bride-to-be's son. As she navigates the delicate balance between love and loyalty, Olivienne gr...