"Good morning, Dad! I made you breakfast!"
Pupungay-pungay pa ang mga mata ni Daddy nang dumiretso siya sa kusina. "Good morning, anak."
Nakasunod naman sa likod niya si Violet. Parehas pang si Snoopy ang pajama nilang dalawa kaya naman nawala ang ngiti ko.
Ang aga-aga namang kaharutan niyan. Nakakainis.
Dad kissed the top of my head at naupo na siya sa dining.
Pinilit kong magfocus sa pagluluto kahit pa naiirita ako sa presensya ni Violet. Talagang nakatabi pa siya sa akin at nanunuod sa pagsasangag ko ng kanin.
"Ang bango naman, Liv. Parang ang sarap-sarap," masaya niyang sabi habang nilalanghap ang pagkain.
I faked a smile. "Of course, masarap 'to. My mom taught me how to cook." Masaya kong sinalin sa mahabang plato ang sinangag, sa harap niya.
Dadalhin ko na sana sa dining table nang pigilan niya ako. "I'm a little shy, Liv," sabi niya habang pinaglalaruan ang mga daliri. "Can you teach me how to cook?" She smiled.
Agad tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "You don't know how to cook?" Seryoso ba 'tong babaeng 'to?
"I know basics naman like instant noodles and pritong hotdog."
I leaned my head on one side, examining her.
Paano ba niya nakuha ang loob ni Daddy kung wala siyang alam sa kusina? Nakakapagtaka naman 'yon. Dad loves home-cooked meals. Gustong-gusto niyang binabaunan ko siya ng luto ko.
I shrugged my shoulders and smiled at her. "Okay. Tuturuan kita."
"Thanks, Liv. That'll be our bonding na rin. I'm so happy!" Kinuha niya sa mga kamay ko ang plato ng sinangag at siya na mismo ang nagdala no'n sa hapag-kainan.
Pinanuod ko silang masayang nag-uusap ni Daddy.
Akala naman niya tuturuan ko talaga siyang magluto, 'no? Wrong decision na magtiwala ka sa akin, Violet. Wrong decision.
Pagkatapos kumain ay gumayak na ako agad para bisitahin si Mommy. I've been debating with myself kagabi pa kung dapat ko bang sabihin kay Mommy ang engagement ni Dad sa ibang babae, lalo na ang pagtira naming lahat sa iisang bubong.
I know she deserves to know that. Ang tanging concern ko lang naman ay ang reaction niya. Pano niya 'to tatanggapin? Pano ko sasabihin sa kaniya na hindi siya mati-trigger?
Pagkalabas ko ng kwarto ay kakalabas lang din ni Kuya Cart at Sonnet sa kwarto nila, parehas ding nakagayak.
"Liv, sa'n lakad mo? Hatid na kita," alok ni Kuya Cart.
"Sa ospital. Bibisitahan ko si Mommy."
"Oh? Sakto pala. Madadaanan namin 'yon, tara."
Pagkababa ng hagdan ay nadaanan namin si Violet, Daddy at Kuya Ali na nanunuod sa sala.
Kinalabit ko si Kuya Ali at binulungan, "Bantayan mo 'yang dalawa, Kuya, ha?" Tinapik ko ang balikat niya at lumabas na rin ako.
Okay sa akin na magpaiwan si Kuya this time. Ayaw kong ipagkitawala kay Manang Sita na bantayan niyang maigi si Violet at Daddy. Mahirap na. Nakay Dad ang loyalty no'n kaya walang duda na hindi niya ako susundin.
At least, si Kuya, alam kong we're on the same page sa gano'n. As much as possible, ibabantay-sarado namin sila, 24/7.
Sumakay sa driver's seat si Kuya Cart at si Sonnet naman ay sa back seat. Nagtaka ako kasi mukhang wala siya sa wisyo ngayon, nakabusangot at sobrang tahimik.
BINABASA MO ANG
Dis-Engagement Proposal
Teen FictionIn a desperate attempt to mend her broken family, Olivienne hatches a daring plan: sabotage her father's impending wedding to another woman by dating the bride-to-be's son. As she navigates the delicate balance between love and loyalty, Olivienne gr...