Inikot ni Caspielle ang sasakyan pabalik sa club dahil nandoon pa nga pala ang motor ni Sonnet. 'Yon ang sinakyan ni Leon pauwi sa bahay nila. Sumunod naman kami sa kaniya pero hanggang sa labas lang ng gate.
Ipinagpaalam ni Leon na makikitulog siya kila Marcus at agad namang pumayag ang mama niya. Mabuti na lang at hindi nagtaka ang mama niya dahil iniwan niya ang motor ni Sonnet doon sa garahe nila.
Napakaloko nitong mga 'to! Alam kong matigas ang ulo ko pero ang rebelde ng dating sa mga ganitong kasinungalingan. Talagang pinagkaisahan na nila na gumawa ng istorya para lang makagala, ah.
Pasimuno talaga 'tong si Sonnet, e!
Ilang sandali pa ay bumalik na si Leon sa kotse. Tinawagan niya si Marcus para isama pero kulang na rin ang upuan dito kaya hindi na siya sumama pa. Bukod doon ay may lakad pa raw siyang importante ngayong weekend kaya hindi talaga siya pwede.
At four in the morning, we finally made our way to Nueva Ecija. Tulog si Sonnet at Leon habang kami ni Summer ay tahimik na pinagmamasdan ang mga nadadaanang sasakyan at street lights. Madilim na madilim pa ang kalangitan.
Mag-aalas otso na nang makarating kami sa bayan nila Summer. Ginising ko agad si Sonnet. Siguro naman nabawasan na ang tama niya, 'no? Nakakahiya sa kamag-anak nila Summer kung may dala-dala pa kaming lasing.
"Palengke na?" mumukat-mukat niyang tanong.
Tumango ako at bumaba na rin siya sa kotse kasama si Leon. Dumiretso sila sa mga tiangge. Hindi na kasi siya dumaan pa sa bahay kanina para kumuha ng mga gamit at damit. He couldn't risk getting caught, he said. Kaya naman mas pinili niyang bumili na lang ng damit at essentials niya dito sa palengke.
Iba talaga kapag maraming pera at lasinggero. Nakakaawa 'tong si Sonnet. Kaya siguro umayaw si kaniya si Nix.
Lumipas ang wala pang sampung minuto ay dumadating silang may limang supot. Ngiting-ngiti silang magkaibigan dahil ang isanlibong piso nila ay marami nang nabili.
"Goodbye, SM. Hello, tiangge," biro ni Leon.
Dumiretso na ulit kami sa pagbyahe. Tirik na rin ang araw nang makapasok kami sa barangay nila Summer. Tinahak namin ang looban. Noong una ay sunod-sunod na bahay ang nadadaanan namin hanggang sa makaabot kami sa mapunong parte.
Hindi naman kami nadismaya dahil nasilayan namin ang malinaw at maagos na ilog sa gawing kaliwa ng rough road. Mga ilang minuto lang ay lumiko na kami sa isang bukirin na may malaking bahay kubo sa gitna at napapalibutan ng mga tanim na gulay.
Totoo nga. Sariwa at presko ang hangin sa probinsya. Ang sarap manirahan dito.
Tanaw mula sa kalsada ang isang taong kumakaway. Nasa tabi lang siya ng bahay kubo.
"Lola!" hiyaw ni Summer habang kumakaway rin. Nakalabas na ang kalahati ng katawan niya sa bintana ng sasakyan.
Bumusina naman ng tatlong beses si Caspielle.
Nang makapasok na kami sa lupain nila ay pinarada na ni Caspielle sa munti nilang garahe ang kotse.
Sunod-sunod naman kaming nagmano sa lola nila Summer pagkababa. "Magandang umaga po, Lola."
Masaya niyang inabot ang kamay niya sa amin. "Tara na sa loob. Naghanda kami ng almusal."
Nauna na siyang pumasok sa bahay. Ang presko ng disenyo. Kalahating kongkreto at kalahating sawali ang bahay nila. Yero ang bubong. Sementado rin ang sahig at makintab. Halatang alaga sa linis. Maayos at masinop ang mga kawayang upuan at mesa sa sala at kusina.
Pinaupo kami ni Lola Belen pagkapasok sa kainan. Magkakaharap kaming kakain sa dining area nila.
"Kung gusto niyong magkamay, sumalok lang kayo sa timba. Andyan ang tabo. Pasensya na, mga apo, wala kaming gripo dito. Poso lang," paalala ni Lola Belen nang natatawa.
BINABASA MO ANG
Dis-Engagement Proposal
Teen FictionIn a desperate attempt to mend her broken family, Olivienne hatches a daring plan: sabotage her father's impending wedding to another woman by dating the bride-to-be's son. As she navigates the delicate balance between love and loyalty, Olivienne gr...