Chapter 13

86 9 13
                                    

"Saan kayo gagawa ng thesis? Sa office ba nila Daddy? Hanggang anong oras kayo gagawa? Alas nueve na. Saan sila matutulog? Baka magreport si Manang Sita!" Hindi ko mapigilan ang bunganga ko. Kanina pa ako kinakabahan!

Kakarating lang namin sa bahay at pinaupo lang namin sandali sa sala ang limang kaklase ni Sonnet. Nagmistulang interrogation room naman ang kusina sa aming dalawa dahil sa pagtadtad ko sa kaniya ng mga tanong. Kailangan kong malaman kung anong gagawin ko sa oras na 'to!

"Alam mo, sa ingay mong 'yan, magigising talaga si Manang Sita." Napakamot siya sa ulo, halatang naiinis.

I fiddled with my fingers. "Anong gusto mong gawin ko? Mag-chill? Alam mo ikaw, pahamak ka sa buhay ko, e! Ni wala ka man lang heads-up!"

"Ang ingay mo," madiin niyang sabi sabay pisil sa magkabila kong pisngi.

"Aray!"

"Sa office kami gagawa ng thesis. Hindi ko pa alam kung anong oras kami matutulog," sagot niya sa mga tanong ko kanina. "Sa guest room ang girls, sa kwarto ko ang boys. Okay na?" Iniyuko pa niya bahagya ang ulo niya para magpantay ang paningin namin, nakapiga pa rin siya sa mga pisngi ko.

"Whatever." Tinabig ko ang mga kamay niya, inirapan siya at papadyak na umakyat sa kwarto ko.

Akala ba niya iooffer ko ang kwarto ko kay Phoebe Nicole para magkakwentuhan kami at mailakad ko siya? No way!

Minadali kong magpalit ng damit at humiga na sa kama para magpahinga. Gusto ko ng matulog dahil napuyat ako kagabi sa kung ano-anong sinabi ni Sonnet about sa kanila ni Phoenics.

Nasa kabilang hallway lang naman ang office nila Daddy. Siguro, mga trentang hakbang mula sa kwarto ko.

Sana naman hindi sila marinig ni Manang Sita doon, 'no? Ano na lang ang gagawin ko kung sakali? Paano kung magising si Manang Sita at madulas siya tungkol sa amin ni Sonnet sa harap ni Phoenics? Siyempre, magtataka si Phoenics kung bakit nagde-date ang step-siblings! Magugulo lang ang lahat!

Napabalikwas ako ng upo. "Hindi! Wag kang pupunta doon. Matulog ka na, Olivienne. Wala 'yong mga taong nakakaalam sa plano niyo ni Sonnet. Tulog si Manang Sita. Hindi siya magigising," pangungumbinsi ko sa sarili ko.

Humiga ako ulit at tumitig sa kisame.

Pero paano nga kung magising si Manang Sita at hingin naman niya ang pangalan ng mga kaklase ni Sonnet para ireport kay Daddy? Malalaman nilang nandito si Phoenics. Iisipin nilang nagkabalikan na ang dalawa. Malalaman nilang nagsisinungaling lang kaming dalawa ni Sonnet. Mas lalo silang magiging eager na magpakasal. Hindi pwede!

Napabalikwas ulit ako ng upo at napasabunot sa sarili. "Ano ba naman, Olivienne?! Matulog ka na! Ugh! Please lang..."

Pagod kong ibinagsak ang sarili sa kama. Tinakpan ko ang mga mata ko gamit ang dalawa kong palad. I hate this feeling! Parang anytime ay mahuhuli ako sa krimen na alam kong ako naman ang gumawa.

Naguguluhan ako sa kung anong dapat kong gawin. Paano ba?

Paano kung makumbinsi ko si Phoenics na bumalik kay Sonnet? Malamang susunggaban agad 'yon ng loko-lokong 'yon! If that happens, paano kami magpapanggap na magjowa sa harap ng mga magulang namin? Paano na ang plano? Siyempre, magseselos na no'n si Phoenics! At syempre, hindi naman hahayaan ni Sonnet na may ibang babaeng pagseselosan ang mahal niya!

So, paano?

"Kapag nagkabalikan sila agad, mapupurnada ang plano namin," kausap ko sa sarili ko. "Hindi sila pwedeng magkabalikan hangga't sure akong hindi na magpapakasal sila Daddy."

Dis-Engagement ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon