"Hindi ba masyadong mabilis?" tanong ni Summer habang binabaybay namin ang kahabaan ng dalampasigan. Nagtatalo ang lamig ng hangin at ang init ng papalubog na araw.
Nasa likod namin sila Kuya Ali at Kuya Cart. Naiwan naman sa transient sila Daddy, Tita at Sonnet. Si Manang Sita ay hindi na nila isinama para makauwi sa pamilya niya sa Romblon kaya 'yong tatlo ang naghahanda ngayon ng hapunan.
Malayo ang agwat namin sa dalawa kaya naman okay lang sa akin na ikuwento ang lahat kay Summer.
"Pakiramdam ko rin sobrang bilis, e. Pero bakit? Hindi ba dapat masaya ako kasi gusto na niya ako agad?" Nilingon ko si Summer na ngayon ay kunot na ang noo.
Natigil siya at hinila ako sa isang bench na kahoy na medyo malayo sa kinakatayuan namin. Pinaupo niya ako habang nakatayo naman siya sa harap ko. "Girl, baka naman ginagawa ka lang niyang rebound, ha?!"
Napataas ang isa kong kilay sa sinabi niya. "Hindi naman siguro. Hindi ganoong lalaki si Sonnet."
Napaisip ako sa sinabi niya. Pinipilit kong mag-alala ng isang pagkakataon na nakita kong nambabae si Sonnet sa mga panahong lugmok siya kay Phoenics.
Wala akong matandaan. Ang tanging klaro lang sa akin ay ang pagtanggi niya na magkaroon ng girlfriend kahit pa tinutulak na siya ni Phoenics palayo. Hindi niya naisip gumamit ng babae dahil hindi 'yon option para sa kaniya.
Kaya bakit ko iisiping rebound ako? Bakit ko iisipining ginagamit lang ako ni Sonnet? Ramdam ko na gusto niya rin akong kasama.
"Sabagay." She shrugged and sat beside me. "Ikaw naman ang nakakakilala sa kaniya. Isa sa nakikita kong dahilan kung bakit sobrang bilis ay dahil sa aksidente niya."
Napakunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?"
"Naalog ang utak niya at akala niya ikaw si Phoebe!" Tumawa pa siya ng pagkalakas-lakas na akala mo hindi siya nakakasakit.
"Gusto mo bang siraan kita kay Kuya para malaman niya lahat ng tinatago mong baho?" banta ko habang sinasamaan siya ng tingin.
"Ito naman, joke lang!" Kumapit pa siya sa braso ko bago nagpatuloy. "What I mean is baka na-realize niya na hindi ka niya kayang mawala after the accident. Kung gaano ka natakot na hindi na siya magising, baka ganoon din siya natakot na hindi ka na niya makita."
Napatingin ako sa dagat dahil sa sinabi niya. Parehas malalim at nakakalunod.
Isa sa dahilan kung bakit hindi ko pa kayang makausap si Sonnet about sa amin ay dahil natatakot ako na baka totoo ang hinalang 'yan ni Summer. Baka makumpirma ko na kaya na kami ganito ay hindi dahil takot siyang mawala ako kundi takot siyang maiwan na naman.
Pero hindi naman siya mag-eeffort ng ganito kung wala lang ako sa kaniya, 'di ba?
Sabihin na nating hindi agad mawawala si Phoebe sa puso niya pero unti-unti makikita niya rin ako ng mas malinaw. Handa akong hintayin 'yon. Handa akong paghirapan 'yon.
"Pero, wait. Naisip mo na ba?" panimula ni Summer. Sinandal pa niya ang ulo sa balikat ko. "Paano kung magpakasal na sila Tito? Paano kayong dalawa?"
Natigilan ako sa mga tanong niya.
Hindi pa 'yon pumapasok ulit sa isip ko. Oo nga pala. Kaya namin 'to ginawa ay para matigil ang kasal. Masyado yata akong nakulong sa nararamdaman ko nitong mga nakaraang bwan kaya hindi ko na naisip pa ang ibang bagay.
Paano nga ba kung magpakasal na sila? Paano kami? Lalo na ngayong mas malapit na kami ni Sonnet, paano ako kay Tita?
I want to win her approval of us but I also need her out of my Dad's life.
BINABASA MO ANG
Dis-Engagement Proposal
Teen FictionIn a desperate attempt to mend her broken family, Olivienne hatches a daring plan: sabotage her father's impending wedding to another woman by dating the bride-to-be's son. As she navigates the delicate balance between love and loyalty, Olivienne gr...